Meshell “Dito na ba kayo maninirahan sa farm, hija?" sabi ni ma'am Tamara, ng nasa hapag kainan na kami. Ang dami pala nilang nilutong pagkain pero may napansin ako sa gilid ng lamesa nasa tabi lang ang cake. Naka ribbon pa kasi ito kaya alam kong hindi pa hinango upang ilabas. Bakit nasa loob pa ng carton, hindi ba binuksan baka hindi rin na blow ang candle? “Ma'am Tamara?" ani ko. Itatanong ko sana ang napansin kong box kaya lang nawala sa isip ko dahil kinausap niya ako. “Ma'am?" tila bang nagtataka siya at tipid akong ngumiti.” “Kasi ano po ba ang tama?” “Pati pagtawag mo ng Mama binago mo rin hija. Umalis ka lang dito sa farm nagbago din ng tawag mo." “Ahehehe po? Ahm hindi naman po ma'am Tamara. Kasi nakakahiya naman pong tawagin kayo ni Sir Charles ng papa at mama kung hindi