Nanginginig at hindi pa rin makapaniwala si Jeanna sa mga nangyayari. Sa lahat ng araw na pwedeng pumunta ang lalaking iyon sa orphanage, ngayon pa. Tila ba nananadya ang mga pangyayari sa kanya.
"G-Gusto ko nang umalis."
Kieth immediately nodded and held onto her tightly. Pero talaga nga namang hindi pa papaawat ang ex-boyfriend niyang si Carlisle.
"I'll see you again, Jeanna. Sana pag-isipan mong mabuti."
She doesn't have the energy left to argue with him more. She wanted to go away and she's thankful that Kieth didn't stop walking. Sa totoo lang ay hindi na niya maramdaman ang sarili niyang mga binti. Manhid na manhid na siya.
Nakita niya ang mga batang gusto siyang lapitan pero ngumiti na lang siya at umiling muna. Ang binata pa ang nagsalita pa sa kanya na kailangan niya munang magpahinga. She mouthed her apologies to them.
"Are you okay? Let's seat down first."
Hindi man lang niya namalayan na nakakapit pa rin pala siya sa binata. Napatango na lang siya at naupo silang pareho sa isang bench. Hinang-hina ang pakiramdam niya at kahit konting lakas para magsalita ay naubusan na siya.
"I'll get some water. Don't move."
Hindi na nito hinintay ang sagot niya at wala na siyang ibang nagawa kundi panoorin ito palayo.
Isa pa ang binata sa mga hindi niya inaasahang makita ngayon. Pero sabihinan niya o hindi, mas maayos para sa kanya kung ito na lang ang nakita niya sa araw na ito. They've been meeting all around these places and she wouldn't be surprised if it isn't coincidental anymore.
Parami na nang parami ang mga atraso niya rito.
Pabalik na si Kieth at hindi niya mapigilan ang sarili niya na mapatitig dito. Mula ulo hanggang paa, bulag na lang hindi makakapagsabi kung gaano kagwapo ang binata. It wouldn't hurt being honest and this is her being honest. Sa lahat ng pagkakataong nagkrus ang landas nila, ito ang unang beses na nakita niya nang ganito ang binata.
Ngayon ay hindi niya maintindihan kung bakit napagkamalan niya ito si Carlisle sa una nilang pagkikita. Hell, they don't anywhere the same. Magkaibang-magkaiba ang mga ito.
Her heart suddenly started beating a little harder.
Isa nagpapakaba sa kanya nang ganito ay ang mga mata ng binatang titig na titig rin sa kanya. They were dark enough to make her feel like he can see right through her.
Naupo ulit ito sa tabi niya at binuksan ang bottled water. "Here."
"T-Thank you."
Tahimik lang silang dalawa hanggang magsalita na ulit ang binata.
"Kieth Montelvaro."
Hindi niya mapigilan matawa. Sa dinami-rami ng mga nangyari, ngayon pa lang sila magiging magkakilala. She felt a lot better and calmer already.
"I'm Jeanna de Lara."
He chuckles as if he remembered something funny. "For a girl who slapped me for no apparent reason, I guess it's my pleasure knowing you officially today."
Natawa siya lalo pero isang paalala lang iyon na talagang marami na siyang atraso rito. Kasasabi lang niyang kalmado na siya pero ngayong kaharap na niya ang binata sa liwanag, mas mahirap na sa kanyang 'wag alalahanin ang mga nangyari noong gabi ng party. Ramdam na ramdam niya ang pamumula at ngayon ay nababalot na siya ng kahihiyan.
Kieth grins as if thinking about the same thing. "You're pretty interesting, you know?"
"H-Hoy..."
Kieth laughs and she never heard such laugh before. Para bang napakatipid nitong tumawa nang ganoon pero kitang-kita nito sa binata ang pagka-genuine ng saya ng tawa nito.
"Damn, I don't know if I should be thankful now that you've made my life a little... less peaceful."
Hindi na niya alam ang sasabihin pabalik doon! Ang lakas ng t***k ng puso niya at gusto na lang niyang lumubog sa hiya! Sari-saring emosyon na ang meron sa kanya!
She has never met anyone that has this much effect on her. Ngayon pa lang talaga, kay Kieth Montelvaro pa lang talaga.
"Ate Anna!"
Sabay pa silang napatingin sa tumawag sa kanya.
She's saved—and she didn't even notice that she wasn't thinking about her ex-boyfriend anymore.
* * * * * * * * * *
"Seriously though, what's your plan with her?" Tanong ni Dylan at inubos na ulit ang laman ng bote nito.
Nandito si Kieth at ang mga pinsan niya sa mismong club na pag-aari ni Dylan. Ang Red Room na sa kasalukuyang puno ng mga taong sumasayaw at umiinom. VIP sections let you see everything that's happening in the club.
Matapos ang maghapong pakikipagkulitan at pakikipaglaro niya sa mga bata, napaaga pa ang uwi niya dahil nakatanggap siya ng tawag galing sa pinsan niyang ngayon ay aakalain mong pinagsakluban ng langit at lupa. Tonight, no one will go home sober.
Tumagay siya at huminga nang malalim.
They are talking about Jeanna again and what are his plans with her. In honesty, he doesn't want to plan anything. That woman barged in his life with no warning nor anything—it was better to let it that way. Plus, even after their too few meetings, he knows she brings too much chaos for his peaceful world.
Hindi rin niya pwedeng isantabi ang katotohanang kapatid ito ng kaibigan nilang si Jeno.
"I'm not really sure. Maybe, none."
"That's cowardice, man!" Natatawang pang-aalaska ni Giovann.
"Maybe you should keep her. It's time for you to keep someone for a change. Tutal lagi namang nagkukrus ang landas niyo. It's a sign." Dagdag pa ni Zachary.
Sa kailang magpipinsan, siya ang may pinaka-discrete na private life. He's talking about his s*x endeavors. He liked to be that way because it keeps his life peaceful. Kaya naman hindi an talaga bago sa kanya kung kulitin siya ng mga pinasan niyang magbago naman.
Totoo naman ang sinabi niyang wala na siyang balak magplano ng kahit ano sa dalaga. Heck, she annoyed him big time when she slapped him because no one has even done that before. She frustrated the f**k out of him when she left the party after what they shared. She needed him for a cover-up. No one ever messes his life like that and yet he already let everything go.
Those are not the issue anymore.
If he will still make Jeanna pay, it's for attracting him like a crazed boy. Kahit kailan ay hindi pa siya nagkagusto sa kahit sinong babae nang ganito. Plus, he would do everything to taste that sweet lips of hers again.
Fuck, Montelvaro, labi niya pa lang iyon pero nagkakaganyan ka na.
Napiling naman si Gabrielle at inayos ang pagkakahilig ng ulo ni Caroline sa kanyang balikat. "Go with Zach's suggestion. Why not make her yours?"
Doon nagkatinginan ang mga pagpipinsan at naglabasan ang kung ano-anong suggestions nila na para bang seryoso sila sa gagawin nila. Kung kanina ay kung anong kamunduhan lang ang lumalabas sa bibig ng mga ito, ngayon naman ay akala mo pati kasal pinaplano na. Mga siraulo talaga ang mga pinsan niya kahit kailan.
He didn't bother joining the conversation anymore.
He couldn't take his mind off Jeanna. Not after having his peace shaken like that. That woman has aroused his being. Ngayon lang siya naging ganito kainteresado sa babae at nakakatawang isang sampal lang pala ang katapat niya.
Then he remembers that fucker Carlisle.
Mind your own business, Montelvaro. But no, he's already making Jeanna de Lara his business.
It's too late to back out from meddling with her life.
Why not make her yours?
God, that sounded like a plan.
"Paano nga kung siya pala ang hinihintay mo, man? Kung siya na talaga ang katapat ng isang Kieth Montelvaro?" Nakangising dagdag ni Gabrielle.
He chuckles. Maybe she is. "Nope. Impossible."
"Nothing's impossible!" Natatawang sabi ni Dylan na ibang babae na ang kaakbay. "I can bet my riches! Ang babaeng 'yun na ang katapat mo."
"I will double that bet." Natatawa rin si Giovann at sinimulan na naman ang pang-aalaska. "Pero bago ang lahat gusto mo bang tawagan namin si..."
Sumunod na ang mga tawanan nila at lalong nagmuryot si Dylan. Para na naman itong batang nakanguso. Ang babaeng binibiro nilang tatawagan nila ay ang dahilan kung bakit ito nag-ayang uminom. Umalis ang f**k buddy nito ng halos tatlong taon. Kung kailan naman muntikan na itong magtapat na mahal na nito ang dalaga.
Doon lalong napaisip si Kieth. He can't indulge himself for some kind of too-good-to-be-true commitment. Silang magpipinsan na yata kasi ang pinakamalas sa pag-ibig dahil sa ginagawa nila sa mga babae. Maybe love is not meant for them. He couldn't risk to experience that yet. Wala iyon sa plano niya at hindi iyon makakabuti sa payapa niyang buhay.
Tumikhim si Zachary at nakuha nito ang atensyon nila. "If our Kieth Leandro Montelvaro will make that woman his, what's the first move?"
* * * * * * * * * *
"Ayaw mo? Are you sure you don't want me back, Kieth?"
Tumango muli si Kieth at iniwan ang dalaga. Kinuha niya ang panibagong bote ng alak niyo bumalik sa table nila kanina. Wala na ang mga pinsan niya dahil nagsi-alisan na ang mga ito kasama ang mga kaniya-kaniyang babae. Siya lang talaga ang wala sa wisyo para mag-uwi ng babae ngayon.
He just wants to go home and enjoy his peace alone.
"Ikaw! Oo, ikaw!" Sigaw ng isang babae.
Napalingon siya at hindi inaasahan ang babaeng sasalubong sa kanya.
"How dare you?!" Medyo gegewang-gewang na sabi nito. "Wahlah kang karapatang guluhin hang buhay koh!"
Magsasalita pa lang sana siya ng isang dalaga pa ang papunta sa kanila at agad niyang nakilala kung sino ito.
Si Jean.
"Jeanna!" Agad na inalalayan ni JL ang dalagang pabagsak na. "I told you to stay at kukuha lang ako ng tubig mo and who is this guy—" Doon tumingin ang dalaga sa kanya na nakakunot ang noo. "Ahmm... Wait! I know you!"
Ngumiti siya at tumango. "Kieth Montelvaro."
"Oh! Oo pala! Ikaw 'yung isa sa mga gagong Montelvaro."
Napakunot ang noo niya at mukhang naalala kung sino ang nag-iisang babaeng nagkakalat na 'gago' silang magpipinsan. "Please don't tell me AD's your OB-GYN."
Gumuhit ang ngisi ng dalaga. "Oo, siya nga. Dra. Felicidad Asinas is really nice."
Pinanood niya kung paano nito alalayan at bulungan ng mga salitang nakakakalma ang lasing na lasing na si Jeanna. Hindi niya maalis ang tingin dito. Tears started falling and he controlled himself not to touch her.
He really should control himself but he immediately lost it. "Tutulungan na kita."
Hindi na niya hinintay ang sagot nito at dahan-dahan na niyang binuhat ang dalaga. Napa-ungol pa ang dalaga na parang tulog na. Hinayaan lang naman siya ni JL.
"Nasaan ba ang kotse niyo?" Tanong niya.
Hindi siya agad sinagot ni JL dahil nakatitig lang ito sa kanya na para bang minumukhaan siyang mabuti. Nang mukhang alam na ng dalaga ay doon pa lang ito nagsalita. "Hindi lang kita sa party nakita recently. I mean, I know you're one of Apollo's close friends pero... ikaw ba 'yung napagkamalan ni Jeanna na ex niya kaya ka niya sinampal noong nasa boutique tayo?"
Napagkamalan ex niya.
That answers the question on why she slapped her before. Napagkamalang ex. Tumango na lang siya bilang sagot sa tanong nito.
"Ahmm... wala kaming dalang kotse kasi nag-commute lang kami. Si Jeanna kasi..."
"Ihahatid ko na kayo."
Napangisi na naman ang dalaga. Hindi na ito nagsalita dahil may tumawag dito. Nag-excuse saglit ang dalaga at iniwan siya sa buhat-buhat si Jeanna.
He stared at her. Kanina lang ay ito ang laman ng usapan nila at ngayon ay nasa mga bisig na niya ito. Damn. Talagang pinaglalaruan na lang sila ng mga pangyayari.
It was a chance that he didn't know he needed—his chance to look at her closely liket his. Maganda si Jeanna. All the little details and features she has makes her more beautiful.
Pagbalik ni JL ay umiiyak na ito. "I-I need to go to the hospital..." Tila na tataranta na ang dalaga at hindi na ito mapakali.
"Come. I'll drive you both."
Sa loob ng kotse niya ay may mga kausap pa rin si JL sa cellphone. Nasa mukha ng dalaga ang takot at pag-aalala. He focused on driving fast yet safe.
Nang makarating sila sa hospital ay nagmamadaling umalis si JL matapos magbilin sa kanyang siya na ang bahala sa dalaga. He doesn't even know what JL meant by that. Was he supposed to wait for her as he looks out for Jeanna or just take Jeanna somewhere more comfortable and safer? Does she live with Jeno? Alam naman niya ang bahay ng binata kaya baka mas mabuting doon na lang niya ito ihatid.
"H-Hmmm..." Ungol ng dalaga at unti-unti na itong napadilat.
Nakatingin lang siya dito at hinintay kung ano ang sasabihin o gagawin. Hindi rin naman nagtagal ay bigla nitong binuksan ang pinto at tumakbo sa damuhan. Napailing na lang siya at kinuha ang bote ng tubig niya. Lumabas na rin siya ng kotse at nilakad kung nasaan ito.
Gaya ng inaasahan niya ay sumusuka ito. Nakahawak ito sa ulo niya at halatang hilong-hilo.
Nilapitan niya ito at inabot ang bote ng tubig. "Magmumumog ka."
Hindi naman tumanggi ang dalaga at tinanggap ito. Pagkamumumog nito ay pumikit ulit ito bago siya nagawang tignan ng pagalit.
"Alam mong ginugulo mo ako, 'di ba?"
Tumaas ang sulok ng labi niya pero hinayaan lang magsalita ang dalaga. Kahit paano ay maayos-ayos na ang pagsasalita nito. Now, this is very amusing.
Tumayo na ito at tumapat sa kanya. "You are messing my life and I can't stop thinking about you all the time! Ang dami ko ng atraso sayo, and yet all I can do is blame you because you're messing my life!"
Hindi pa ito nakuntento at pinaghahampas pa ang dibdib niya. Hinayaan niya lang ito. Maya-maya pa ay biglang umiiyak na ito at humahagulgol. Nakatitig lang siya sa dalaga dahil ang totoo ay hindi niya alam ang gagawin. He's amused and yet worried for her.
Pinagtitinginan na sila ng mga pailan-ilang taong nandoon.
Tumapon ang hawak na tubig ng dalaga sa kanilang dalawa ng subukan siyang itulak niyo palayo.
Dumadami na ang mga taong nanonood sa kanila at nagtuturuan na kung sino ang aawat sa kanila.
"Calm down..." Bulong niya pero lalo lang siyang itinulak ng dalaga.
"Calm down?! You f*****g want me to calm down?!" Galit na galit na turan ng dalaga. "Paano ako kakalma kung lagi niyo na lang akong pinaglalaruan?! You're messing with mt mind and I can't handle this! Tapos 'yung hayop kong ex bumabalik kasi mahal na mahal niya pa rin daw ako! Bakit niyo ba ako pinaglalaruan?!"
"Jeanna..."
Sinubukan na niyang pilitin ang dalaga pero wala itong ginawa kundi ang sigawan at awayin siya. Kahit na ano pa yatang gawin niya ay papalag at papalag ang dalaga. Si JL na lang ang makapagpapakalma dito.
Napabuntong hininga na lang siya. "Wait here."
Tumalikod na siya at naglakad pabalik sa kotse para kunin ang cellphone nito. He needs to contact JL because this is getting urgent.
Kaya lang hindi pa siya nakakarating sa kotse ay may kung ano tumama sa ulo niya.
Napahinto siya at nakita ang lumapag sa tabi niya.
Seriously? Another stiletto?
Gusto niyang matawa. Now this woman has done it.
"Paano nga kung siya pala ang hinihintay mo, man? Kung siya na ang katapat ng isang Kieth Montelvaro?"
Hinarap niya ito. "Just so you know, woman, I'm making you mine."