Chapter 6: Family

1951 Words
Mabigat ang pakiramdam ni Jeanna na para bang nakadagan sa kanya ang mundo. Hindi niya ba alam kung nahihilo lang siya o mabigat lang ang ulo o pareho. Isa lang ang alam niya at iyon ang hindi niya deserve ang maayos niyang tulog kagabi.    Dahan-dahan siyang dumilat dahil tuluyan na siyang nagising nang nakakasilaw na liwanag.   Wala siya sa sarili niyang kwarto, iyon agad ang unang pumasok sa isip niya. Hindi niya kwarto ang lugar na 'to dahil kung kwarto niya 'to, madilim pa sana hanggang ngayon kahit na anong oras pa man.   Mabuti na lang at luminaw na ang paningin niya. Doon lang gumaan ang pakiramdam niya. Masarap sa mata ang cream na kulay ng buong kwarto. Maayos din ang mga gamit doon. Hindi crowded at hindi makalat. Nabawasan ang hilo niya at ngayon ay gusto na niyang bumangon.   Dahan-dahan siyang umupo at sumandal sa headboard.    What the hell happened last night?    Nang magising na pati ang diwa niya, doon pa lang nag-sink-in ang lahat-lahat.   Agad niyang tinignan niya ang sarili at doon siya nakaramdam ang kaba. Ibang mga damit na ang suot niya. Tinignan niya ang paligid niya at hindi niya mahagilap ang mga damit niya kagabi. Kaninong kwarto ba 'to? Anong nangyari kagabi?! Nasaan siya?!   Bigla siyang napahawak sa ulo niya. "Oh my God..."   "Anong magagawa ko kung nasasaktan pa rin ako?! Kasalanan ko bang nasasaktan pa rin ako?" Kahit ayaw niya ay kusang tumulo ang mga luha niya. "Bestfriend..."   Ramdam niya ang himas ng kamay ni JL sa kanyang likod kasama ang mga bulong nito. Wala na siyang ibang matawagan para samahan siya kundi ang bestfriend niya lang. Laking pasasalamat niya ng sunduin siya nito at ngayon nga ay nandito sila sa isang club.   "Ang sakit-sakit. Ang tagal-tagal na pero bakit ganito siya? Bakit babalik-balik pa siya?" Napahagulgol na naman siya ng maalala ang itsura ni Carlisle.   Bakit ba kailangan pa nitong bumalik at guluhin siya ng ganoon?   Akala niya okay na siya pero nang makauwi siya...   "Jeanna..."   "Pagod na pagod na ako. Bakit ba bumalik pa siya?"   Nagsabi sa kanya si Carlisle kung pwede daw ba itong manligaw at maging sila ulit. Nasa mata ng binata kanina ang dating pagnanasang nakita niya noon bago ito manligaw. Ilang beses nitong sinabing mahal na mahal pa siya nito.   Gulong-gulo na naman siya at bumalik na naman ang lahat ng sakit na dapat ay hindi na niya nararamdaman ngayon.   Then he remembers Kieth.   That man saved her. She never felt safe with anyone like that. She never felt secured. She never felt that everything will be simply alright.   Matapos niyang ubusin ang alak sa harap niya ay wala na siyang maalala sa mga sumunod na nangyari.   Ano na bang nangyari kagabi matapos noon? Nasaan si JL? Why in the hell is she in a room she can't recognize? Nasaan rin ba ang mga gamit niya? Ano na lang ang sasabihin ng kuya niya?   Bago pa siya makatayo para hanapin ang mga gamit niya ay biglang bumukas ang pinto. Iniluwa noon ang magandang babaeng ngayon niya lang nakita.   * * * * * * * * * *   "Gising ka na pala." Nakangiting bati ng babae at naglakad papunta sa mga bintana. Inayos nito ang kurtina. "Pasensya ka na at baka nasisilaw ka na sa araw. Hindi kasi nagsasara ng kurtina ang mga anak ko."   Wala siyang masabi at napatitig lang siya lalo dito. Ginang na pala ito at may mga anak na! Ang bata ng itsura nito. Kung tititigan nga ito ay parang mas matanda lang sa kanya ito ng kaunti. Napalunok siya. Bigla siyang kinabahan.   Nang harapin siya ng ginang ay lalo na siyang kinabahan. Napakakalma ng ngiti nito. "I'm Kiera. You can call me Mommy Kie. Hintayin na kita?"   Iyon na nga ang ginawa ni Kiera. Hinintay siya nitong mag-ayos ng sarili bago sila lumabas na dalawa. Kahit na wala siyang kaide-ideya kung bakit nandito siya sa pamamahay ng ginang ay wala na siyang magawa. Hindi nga niya makuha ang lakas niyang magsalita. Nakasunod lang siya hanggang makarating sila sa staircase ng bahay. This is not a simple house, it's a mansion.   Nasa hagdan pa lang sila ay may mga naririnig na siyang mga boses. Mga lalaking boses.   "Pasensya na at maingay talaga sila. Nandito ka rin kasi at lahat kami excited na makilala ka."   Makilala? Ano bang pinaggagawa ko kagabi?!   Nang makarating sila sa kusina ay tumambab sa kanya ang tatlong kalalakihan. Ang dalawa ay nakapaharap sa kanila at ang isa naman ay nakatalikod. Kahit na ganoon ay may kutob na siya kung sino ang binatang ito.   "Mahal!" Bati ng isang lalaking may edad na kumpara sa katabi nitong binatang mas bata pa sa kanya.   Natawa ang binata at napangisi. "You're really pretty, ate."   Doon na nag-init ang pisngi niya. Sino ba ang mga ito at kung makatingin sila sa kanya ay mukhang inaasahan na talaga siya dito?    Napangiti si Kiera. "Mukhang kanina pa nga siya gising. Anak, why don't you introduce her to us?"   Sa pagharap ng lalaking nakatalikod sa kanila ay hindi niya na alam ang gagawin niya.   Paanong napunta siya sa bahay ni Kieth Montelvaro?!   * * * * * * * * * *   "So, you mean to tell me, you met his whole family?"   Lalong napakamot si Jeanna ng batok dahil sa bestfriend niyang si JL. Mukha pa itong masayang-masaya sa mga nangyari sa kanya kaninang umaga.   "I did and I still don't have any idea what I did to meet them like that. Wala silang ibang sinabi and all they did was to welcome me."   Doon na natawa si JL na nagpakunot ng noo niya. Nagdududa na siya dito.   "Wait here, at mukhang kailangan mo talagang malaman ang lahat." Nagmamadali nitong sabi at umalis na papunta yata sa kusina.   Matapos ang makatindig balahibong umagahan kasama ang mga Montelvaro, hindi niya alam kung paano pa siya naka-survive. Wala siyang kaide-ideya kung bakit siya nandoon maliban sa sinabi ni Kieth na kaya siya nandoon ay dahil nalasing siya. Na-explain naman ni JL na nagkaroon ng emergency at si Kieth nga ang naghatid sa kanya. Bakit hindi na lang sa unit nila? For sure JL could give him their unit. Or sa mismong bahay nila! He should have known their house because she knows by now that Kieth is one of his kuya's friends. Oh goodness, kahit sa isang hotel na lang!   Kinuha niya ang tasa nang lumamig na niyang kape at tinungga iyon. Nababaliw na siya kaiisip kung anong pinaggagagawa niya kagabi. Ang consolation na lang niya para maging maganda ang araw niya ay ang text ng kuya niya na kasama pa nito ang ate niya. Plus, he wouldn't worry about her and about what happened to her last night.   "Here you go!" Hinihingal pa si JL ng inabot niya ang mga dyaryo sa kanya.   Nanlaki agad ang mata niya nang makita mukha niya doon! Mukha siyang sabog at namumula pa siya sa kalasingan.   Oh my...   "Kaya siguro ayaw nila lang sabihin sayo." Pagsisimula ni JL. "Hindi ko naman alam na ganito pala ang ginawa mo noong nasa loob ako ng hospital. Si dad kasi napilay na akala ko kung ano nang malalang nangyari kaya I had to leave you to him pero okay naman pala si dad..."   OWNER OF MONTELVARO WINERY GOT THE SHOE!   Iyon ang headline ng balita. Hindi na niya naririnig si JL. Sa picture na nandoon ay ang pagbato pa niya ng stiletto sa ulo ng binata. What the hell! May ilan pang mga dyaryo na naglalaman ng mga litrato niyang inaaway ang binata at iisa lang ang laman ng balita. Napagkamalan na siyang kasintahan ng binata at sinasabing may lover's quarrel sila! Ngayon pa lang na-issue ang big time new owner ng Montelvaro Winery na may kasamang babae... at ganito pa ang kinalabasan.    May ilan pang detalye ang balita na siya na daw ang matagal nang pinaghihinalaang rumored girlfriend ni Kieth Leandro Montelvaro.   Meron pang parody news na dinaig pa daw nila ang movie ng Cinderella sa nangyari. Si Prince Charming na binato ni Cinderella ng stiletto.   Paano niya lilinisin ang image niya ngayon? Ni hindi nga siya close sa binata. Hindi sila magkakilala ng lubusan kaya naman anong ipampapaliwanag niya ss kuya niya kung bakit siya laman ng mga tabloid?!   Nakakahiya! Nakakahiya ang lahat-lahat ng mga pinaggagagawa niya!   "Fuck..."    "Ewan ko ba naman kasi kayo, bestfriend." Naiiling na lang si JL pero kitang-kita ang pagka-amuse nito sa kanya. Nags-scroll ito sa mga social media kung saan siya rin ang pinag-uusapan. "Bakit mo ba naman kasi inaway si Kieth? Wala naman siyang masamang ginawa kundi tulungan lang tayo. Siya pa nga ang nagprisinta na maghatid sa atin. What's worse, Jeanna Vera de Lara, binato mo ang stiletto mo sa kanya. Ikaw 'ha, nagkakaroon na kayo ng thing for stilettos."   Paano niya ba sasagutin ang mga tanong mula sa mga ginawa niyang hindi man lang niya maalala?   Nagring ang cellphone ni JL kaya naman naputol ang usapan nila at naiwan na naman siyang mag-isa. Tinignan niya na rin ang cellphone niya. Buti na lang at wala pa naman doong text o missed call ang Kuya Jeno niya patungkol sa mga nagawa niya kagabi. Hindi pa siguro nito nalalaman ang balita.   Kalat na kalat na ang balita sa buong bansa. Sa dinami-dami ba naman ng babatuhin ng stiletto at aawayin niya ay isa pang sikat na tao. Malay niya bang sobrang high-profiled pala ang binata?   What's worse was that the guy has never been in a scandal or even been photographed with a woman! Ngayon lang at siya ang dahilan ng mga iyon!   "Jean-Jean, si Jeanna?"   Isang face palm na lang ang nagawa niya. Wala ngang text o missed call, napauwi naman pala niya ang kuya niya.   Nakipagsukatan na lang siya ng tingin sa kuya niya hanggang marating nito ang harapan niya. Poker-faced ito na hindi niya matanto kung galit ba o ano. Napairap na lang siya umupo ng maayos.   Isang buntong-hininga na lang ang ginawa ni Jeno. Naupo ito sa tabi niya at inilapag sa lamesa ang hawak-hawak nitong mga kahon. Macarons. Nandoon pa rin si JL sa kusina at mukhang may kausap pa rin.   Saglit ring katahimikan at nagsalita na nga ang binata. "Hindi mo ba siya kilala?"   Umiling siya kahit may alam konting alam na siya sa binata. "Kakikilala ko lang sa kanya."   "He's my friend. All of the Montelvaros, actually. Jeanna..." Nag-aalala ang ekspresyon nito. "...are you okay? Bakit hindi mo ako tinawagan agad? Kung hindi ko pa napanood sa balita, baka hindi ko pa nalamang naglasing ka pala kagabi."   Napangiti na lang siya. "Kamusta si ate?"   Kahit paano ay gumaan ang ekspresyon ni Jeno. "She's fine. We both are." Inakbayan na siya ng binata. "Next time, drink with me. 'Wag ka ng magpapakalasing na si Jean-Jean lang ang kasama mo. You got so drunk and look where it got you. Inaway mo lang naman ang isang Montelvaro. Mind you, he's Kieth. He's really never been seen with a woman before, you know."   Doon na siya lalong kinabahan. Kanina lang nang makaharap niya ang mismong pamilya ni Kieth ay muntikan na siyang matunaw. Alam ng mga itong wala naman siyang kahit anong koneksyon sa binata at hindi man lang sila magkakilala. Mr. Leonardo Montelvaro, ang papa nito, Mrs. Kiera Montelvaro, ang mama nito, at ang nag-iisa nitong kapatid na si Kyren Lewis. Ang mga taong kahit kailan ay hindi niya in-expect na makikilala niya—sa ganoong sitwasyon pa!   Ano ba itong pinapasok niya sa buhay niya? Kung ano-anong gulo ang dinadala niya at kung sino-sino pang dinadamay niya! Nakakahiya! Ano na lang ang mukhang ihaharap niya kapag lumabas siya?   Plus, sobrang strike na siya sa mga atraso niya kay Kieth. That man has shown her nothing but kindess and she really couldn't do anything but to mess things up! Anong muna na lang talaga ang ihaharap niya lalong-lalo na sa binata ulit?!   Hinalikan ni Jeno ang noo niya. "Are you ready?"   Napakunot ang noo niya. "Ready for what?"   Just in time, bumalik na ang bestfriend niya na mukhang alam na alam ang mga nangyayari. "Bestfriend, Mrs. Kiera Montelvaro is looking for you."   Hindi ba pwedeng kainin na lang talaga siya ngayon ng lupa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD