Narinig ni Jessica ang pagbukas ng pinto. Nakita niyang nakatayo si Kent sa paanan ng kanyang kama, magkasalubong ang kilay na nakatitig sa kanya. "Hey, what's with that look?" tanong niya rito. Nanatili itong tahimik. Lumapit ito sa kama at umupo roon. "Mabuti naman at nakapagpahinga ka na nang maayos. Pinag-alala mo ako ng husto, alam mo ba?" Bahagya siyang na-guilty sa sinabi nito. "You don't have to. Okey na naman ako di ba?" Tumalim ang titig ng binata sa kanya. "Anong okey? Kita mo ngang hindi ka pa makagalaw ng maayos dahil sa nangyari sa'yo?" "Huwag ka ng magalit. Okey na naman ako eh. I'll just have to rest and I'll be good as before." Umismid ito. "Are you sure?" Tumango siya at hinawakan ang kamay nito, assuring him that everything's fine. Humiga ito