After three days of staying in the hospital, at last nakalabas na din siya. Akala niya, mababagot siya habang naroon subalit dahil sa pag-aalaga at pag-aasikaso ni Kent hindi na niya namalayan na lalabas na pala siya. "For the meantime, doon ka muna sa bahay mananatili." Napabaling siya ng tingin dito habang inaalalayan siya nitong bumaba ng kama. "No! Ihatid mo na lang ako sa bahay ko. Doon ko gusto mag-stay. Kumportable ako doon." Maktol niya. It's been a long time since she went there. Nami-miss na niya ang kwarto niya. "Hindi nga pwede, okey? Alam mo naman na delikado ang sitwasyon natin ngayon kaya makinig ka naman sa akin." "Basta! Sa bahay mo ako iuwi. That's final!" aniya habang pinipilit lumayo dito ngunit mas lalong naging mahigpit ang hawa