KASALUKUYANG nagluluto sa kusina ang dalaga nang maramdaman niyang may nagmamasid sa kanya. Nalingunan niya si Kent na nakamasid sa kanya habang nakasandal sa hamba ng pintuan. Hindi niya mapigilang mailang sa mga titig nito na para bang siya lang ang babaeng nakikita nito. A glimpse of naughtiness was on his eyes as he stared at her. "Don't stare at me like that!" angil ng dalaga rito. Naglakad ito palapit sa kanya. Huminto ito ng halos isang dangkal na lang ang pagitan ng kanilang katawan. "Bakit?Paano ba kita tingnan?" Napalunok ang dalaga. Hindi niya malaman kung ano ang isasagot dito lalo na nang lalo pang lumapit ang binata. Hindi niya magawang makalayo dito dahil nasukol na siya ng binata. Hindi niya ito magawang tingnan dahil halos magkadikit na ang kanilang katawan. Pilit niya