"Masyado naman 'atang seloso ang asawa mo?" pagbibiro ni Oscar at tumawa pa ito na ikinagulat ni Angelique.
Kasalukuyan silang nasa pool side upang mag-usap. Napilit din niya si Felix na makapag-usap sila ng dating kasintahan. Nakita pa niya kung paano ito nag walk-out na animo'y bata na nagdadabog.
Tumango lamang si Angelique. Hangga't maaari ay ayaw niyang pag-usapan nila ang tungkol dito.
Mula sa pagkakaupo ay tumayo si Oscar at naglakad malapit sa pool. Nilagay nya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa. Nakamasid siya sa swimming pool.
"I can't imagine living a happy life without you being part of it, Angelique...
...there will never be a day when I won't think of you..."
He stopped and turned around. Pinagmasdan niya si Angelique na nakaupo at matamang nakatingin sa kanya.
"...kanina. Nu'ng-- no'ng tinitignan ko kayong dalawa ni Felix. Bigla akong napaisip..." He took a deep breath at muling nagsalita.
"...that sometimes, the people you can't imagine living without, can actually live without you." He laughed sarcastically.
Angelique stood up. Akmang lalakad siya palapit kay Oscar. Dama niya ang pait sa bawat tawa ni Oscar at nasasaktan siya sa mga sinasabi nito.
"No please... Don't... Kapag lumapit ka sa'kin maaaring matalo na naman ako ng aking nararamdaman. Baka ipaglaban na naman kita at agawin sa kanya."
"Oscar, I don't know what to say." Lumunok ng malalim si Angelique bago muling nagsalita. Pinipigil niya ang pagpatak ng kanyang mga luha. "I'm so sorry. I don't know what happened, but one day. I just woke up and I knew--"
"--Huwag mo ng ituloy, Angelique. Nakikita ko na, kaya sana 'wag mo nang sabihin pa. Maniwala ka at sa hindi ay naiintindihan ko kung anong nangyayari, and I'm not mad at you o kahit sa asawa mo. I'm here because I want to say goodbye."
"Goodbye?" ulit ni Angelique.
"Yes. I'll be leaving tonight. Babalik na ako sa Washington. Wala naman ng dahilan upang mamalagi pa ako rito."
"Sorry Oscar!" Tumulo na ang kanyang mga luha. Tinakpan niya ang kanyang mukha ng dalawang palad. Pinipilit na huwag makita ng dating kasintahan ang kanyang pag-iyak.
Ayaw man ni Oscar, ay napilitan pa rin siyang lapitan si Angelique. Niyakap niya ito. Hanggang ngayon ay mahal niya pa rin si Angelique.
"You don't need to apologize. Wala kang kasalanan. Mahal kita Angelique, at hindi ko pagsisihan na nakilala kita at habang buhay kong ipagpapasalamat 'yun sa'yong asawa. Na kahit sa kaunting sandali ay pinahiram ka niya sa akin."
"What do you mean, pinahiram?" nagtatakang tanong ni Angelique.
Si Oscar ang tumapos ng kanilang yakapan at pinunasan ang luha ni Angelique.
He smiled. "Nothing."
"I need to go now. Just promise me one thing! Don't forget about me."
Hinawakan niya ang kamay ni Angelique at sa huling pagkakataon ay pinagmasdan niya ito na para bang kinakabisa niya ang bawat detalye ng mukha ng dating kasintahan. Napalunok siya at pinipilit pigilan ang mga luha.
Bago pa tumulo ang kanina pang namumuong luha sa kanyang mga mata, ay tumalikod na siya kay Angelique at mabilis naglakad palayo.
Nakasalubong pa niya si Felix.
"Kailangan din natin mag-usap. Alam ko na ang lahat." At mabilis niyang nilisan ang lugar na 'yun.
Bahagyang nagulat si Felix sa sinabi ni Oscar sa kanya.
'LAHAT?'
"DO YOU regret being with me instead of him?" Pinuntahan ni Felix ang asawa na patuloy ang pag-iyak. Nakababad ang dalawang paa nito sa swimming pool.
He also sat down beside her at nagbabad din ng paa.
Angelique looked at him, at pinunasan ang sariling luha gamit ang likod ng palad.
"Nakokonsensya lang ako. Kasi dati, akala ko ay mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang mawala siya. Pero ngayon, nasasaktan ako dahil alam ko sa puso ko na wala na ang pagmamahal na 'yun. Bakit napaka bilis nawala? Bakit sa isang iglap ay narito na ako sa'yo? Hindi na ako sigurado kung minahal ko nga ba talaga siya."
Nakikinig lamang si Felix. Alam niyang sa ganitong paraan ay madadamayan niya ang asawa.
"Almost three years din kami na naging magkasintahan. Siya lang ang karamay ko sa mga panahong iniisip ko kung ano ang aking maitutulong kila mommy at daddy."
"Almost three years?" ulit ni Felix na parang hindi narinig.
"Yeah! I was 23 back then," she answered him.
Felix frowned like he's doubting.
Angelique notice it. "Why?"
Mabilis na umiling si Felix. "N-nothing. Continue. I'm listening."
"Are you sure?"
He just nodded.
"I worked to his company as a secretary, that's where I met him. I thought I fell in love with him, but I guess I didn't. That maybe, I'm just in love with the idea of being in love. When I woke from my coma, my memories is kinda blurry. I feel like...
"...I'm a new person, and he was the first stranger I've known. He took care of me. He was very patient towards me."
"So I must thank him then." He smirk ayaw niya magtunog nagseselos. Ngunit hind n'ya maiwasan. Pulos magaganda ang sinasabi ng kanyang asawa sa ibang lalaki. Hindi nya maiwasan ang masaktan.
"I must stop. I don't wanna argue Felix. I'm not in the mood."
"I'm not arguing. I'm just telling you." He still sounds jealous and it's obvious he coudn't hide it.
Angelique stood up. Kinuha ang towel na nakasampay sa upuan at pinunasan ang kanyang paa.
"Ikaw ang nagsabi na ituloy ko at makikinig ka. Pero bakit mukhang nagagalit ka na?"
Felix stood up at nagpunas din ng paa bago humarap sa asawa.
"I am not! Sorry, okay? Hindi ko lang maiwasan ang magselos. Sino ba naman ako kumpara sa kanya, hindi ba? Ilang araw pa lang tayong nagkakasama."
"I know t--"
"Angelique, anak. Kanina pa nag-ri-ring ang phone mo. Naiwan mo kanina sa lamesa." Si Manang Ising ang dumating at nag-abot sa kanyang telepono.
Tinanggap ni Angelique nang iabot nito na kanyang telepono. Tinignan muna niya sandali si Felix bago sinagot ang tawag. Umupo lamang siya sa reclining chair.
"Mommy. Napa tawag po kayo?"
Nakita pa niya ang pag-upo rin ng asawa sa parehong reclining chair sa kanyang bandang likod. Pinulupot nito ang dalawang kamay sa kanyang tiyan.
"Bukas na ng gabi ang aming flight pauwi, anak. Makakarating kami diyan, the day after tomorrow na. Masusundo mo ba kami?" salita ng kanyang ina sa kabilang linya.
"Of course, mom! Susunduin ko po kayo ni Daddy! "
Felix started to kissed her neck.
Napaiktad pa siya sa ginawa nito.
"I'm talking to my mom," halos bulong ni Angelique sa lalaki. Pero parang wala itong narinig. Nagpatuloy ito sa paghalik sa kanyang leeg.
"What is it, sweetheart? 'Di ko masyadong narinig. Mahina ang boses mo."
"W-wala mommy. 'Yung lamok kasi panay ang dapo sa leeg ko."
"Ang daddy mo ay lumabas sandali. Bumili lang ng ipapasalubong sa'yo."
Felix slide her top strap and kissed her shoulder and back.
"N-no! Felix ano ba?" halos walang lumabas na boses sa kanyang bibig dahil sa sensasyon na nararamdaman.
"Hindi pwedeng NO! Ang tagal namin nawala. Dapat lang na meron kang pasalubong. " Akala ng kanyang mommy ay siya pa rin ang kausap.
"Mom! Can you call me later kapag nariyan na si Daddy. May gagawin lang po ako."
"No problem, anak. I love you!"
"I love you, mom! "
At mabilis niyang pinatay ang linya.
"What are you doing? Kausap ko ang mommy ko."
"Pwede naman kayo mag-usap. Busy naman ako rito." He smiled teasing her.