CHAPTER 13 James' Point of View Nakaramdam ako ng magkahalong excitement at saya nang nasa elevator pa lamang ako. Napapangiti kong pinagmasdan ang singsing na ibibigay ko sa kaniya. Ano kayang magiging reaction niya? Para kasing nakikita ko siyang mapapalundag sa saya habang naluluha. Maari ding hindi din agad-agad siya maniniwala. Napakabilis kasi ng pangyayari. Kung ako din siguro ang nasa kalagayan niya ay hindi rin ako makakapaniwala. Ni hindi ko naisip na sa katulad niya ako magmamahal ng ganito katindi ngunit buo na ang loob ko. Kailangan ko nang harapin ito. Hindi dapat mangyari sa amin ang nangyari sa kuwento na ibinahagi sa akin ni Kuya Jasper tungkol kina Terence at Lando, lalong hindi din ako bibilang ng dalawang dekada katulad nang kina Rhon at Aris. Gusto kong magiging iba