XIAN's Point of View Hindi ko alam kung ano ang dahilan at biglang nagbago ang pakikitungo sa akin ni James. Naguguluhan ako ngunit dinadaig ng kaligayahan ang mga agam-agam ng mga ipinakita niyang pagbabago. Nang magkasakitan kami ni Jomel at nakita niyang umuwi akong may mga pasa sa mukha ay iyon na ang naging susi ng muli naming pagkakaayos. Nakainom siya ngunit hindi lasing. Alam kong alam niya ang ginagawa niya ngunit itinutulak ng alak ang kalooban niyang ihayag ang gusto niyang sabihin at gawin ang gusto niyang isakatuparan. Dahil sa lapit ng mukha niya sa mukha ko ay hindi ko na naman nakakayanan ang tukso. Nakapalakas ng kabog ng aking dibdib at nanlalamig ang aking mga daliri. Sinubukan kong itulak ang kaniyang dibdib dahil pakiramdam ko ay lalo akong bibigay dahil naamoy ko na