Straight
CHAPTER V
JAMES' POINT OF VIEW
Ang turing ko kay Xian ay tropa, kapatid, kaibigan at kasangga. Siya yung laging nandiyan para sa akin. Alam niya ang lahat ng pinagdaanan ko. Lahat ng kuwento ng buhay ko ay bukas na aklat sa kaniya. Madami akong gustong itanong sa kaniya ngunit nanatiling tikom ang aking mga labi. Ayaw ko siyang ma-offend. Sa dami ng utang na loob ko sa kaniya ay ayaw ko sanang mag-isip ng kahit ano laban sa kaniyang pagkatao. Isa pa, wala pa naman siyang ginawang hindi ko nagustuhan.
Hindi ako manhid lalong hindi din ako tanga. Puno ako ng katanungan at pagtataka. Kakaiba ang trato niya sa akin, hindi yung karaniwang kaibigan lang. Sa kaniya ko naramdaman ang pag-aasikaso at pagmamahal na kahit kailan ay ipinagkait ng aking asawa. Iba ang kaniyang titig sa aking katawan kapag wala akong damit. Napapansin ko din ang lagkit ng kaniyang tingin sa aking harapan ngunit lahat ng paghihinalang iyon ay nanatiling palaisipan lang sa akin. Anong karapatan kong husgahan siya kung wala naman siyang ginagawang hindi kanais-nais sa akin? Ni hindi ko nga kaya siyang tanungin kung bakit ganoon ang mga ikinikilos niya. Kung ibang tao lang sana siya ay baka harap-harapan ko nang pinaamin.
Ngunit sakali mang may gagawin siyang hindi ko magustuhan ay doon na lamang siguro ako tuluyang sasabog. Kahit gaano pa siya kabait sa akin ay isang panlolokong maituturing kung tuluyan siyang bibigay. Hindi ko siguro alam kung paano ko tatanggapin na ang kaisa-isa kong totoong tropa at barkada ay hindi naman pala tunay ang pinakita niyang pagkatao sa akin. Basta naniniwala akong ang barkada ay barkada. Iyon lang ang alam kong kaya kong maibigay. Pakikipagkaibigan lang ang siyang alam kong kayang-kaya kong maisukli sa kaniya. Walang labis, walang kulang. Isa pa, dahil sa kabaklaan namatay si Mama na siyang naging dahilan ng pagkawasak ng aking pamilya. Huwag naman sanang pati ang matalik kong kaibigan ay magiging katulad ni kuya dahil alam kong magiging masalimuot lang ang buhay naming dalawa.
Ngunit may mas malaking problema ang dumating sa buhay ko na kahit sabihing napaghandaan ko nang mangyayari ay sobra pa din akong nasaktan nang ito'y tuluyang nagkatotoo. Hindi ang asawa ko ang naisip ko kundi ang mga kaawa-awang mga anak ko. Ayaw kong matulad sila sa akin na naging magulo ang pamilya. Ang pinakamasidhing takot ng ama ay ang matulad ang mahal niyang mga anak sa masasakit at mahihirap na karanasan niya. Hangga't maari ay ayaw kong maranasan ng mga anak ko ang mga iyon ngunit sadya yatang mapaglaro ang tandhana sa akin. Sadya yatang hinahamon akong subukin ang aking katatagan. Sobra akong nalungkot, grabeng sakit ng loob na hindi ko mailabas sa mga panahong iyon. Hindi kayang maibsan ng sigaw at pag-iyak ang naipong magkahalong galit, pagkamuhi, inis at sakit ng damdamin na naramdaman ko laban sa asawa ko. Iniwan niya ang mga anak namin at ipinagpalit lang ako sa pera. Ipinagpalit niya ang pamilya niya sa kaginhawaan. Labis akong nag-alala para sa mga anak ko at hiniling ko sa kapatid ko na kung maari ay mabawi niya ang mga anak ko sa mga biyenan ko. Kahit lahat ng sahod ko ay mapunta sa kanila, kahit walang maiwan sa akin. Ang tanging pinahahalagahan ko ay ang kinabukasan nila.
Sa gabing iyon ay gusto kong maglasing. Gusto kong lunurin ng alak ang bigat ng dinadala ko. Naibuhos ko kay Xian ang sakit ng loob ko. Nang malasing na ako ay sa kaniya ko inihinga lahat. Sa balikat niya ako umiyak. Nakagagaan din pala sa loob na may hahaplos sa likod mo kapag alam mong hindi mo na kaya. Sa buong buhay ko ay noon ko lang naranasang umiyak na may yumakap sa akin na parang sinasabi niyang lahat ay malalagpasan ko din. Yakap na nakapagbibigay ng kaginhawaan... ng seguridad na hindi ako mag-iisa at kahit kailan ay hindi ako iiwan.
"Lahat tayo ay dumadaan sa mga masasakit na pagsubok. Sa katulad natin na mga nasa ibang bansa, ang pinakamasakit na dumadating sa buhay natin ay ang may magkasakit, mamatay, makalimot ng tuluyan o kaya ay madisgrasiya na mahal natin sa buhay habang malayo tayo sa kanila. Pera lang ang alam nating itapat sa lahat ng mga nangyayaring iyon. Iyon lang ang alam nating itulong dahil hindi tayo agad-agad makakauwi para sa kanila . Tibay ng loob lang ang tangi nating sandata. Iyon lang ang kailangan natin dito sa ibang bansa. Kailangan natin ang sandosenang lakas ng loob. Naiintindihan ko yung sakit. Hindi kabawasan ng iyong p*********i ang pag-iyak. Iyon lang ang tanging paraan para maibsan ang naiipong sakit sa dibdib mo lalo pa't nasa ibang bansa tayo. Walang barako sa ibang bansa lalo na dito sa Middle East ang hindi tinatamaan niyan. Lahat tayo dumadaan sa ganyan at ang tanging paraan para maibsan ang dinadala nating lungkot at hirap ay ang pag-iyak. Lumaban ka...ipakita mo sa kaniyang kaya mo." Iyon ang sinabi ni Xian sa akin na siyang parang nagpapagaan sa loob ko.
Wala akong maisagot dahil punum-puno na ang dibdib ko ng galit, sakit ng loob at kabiguan. Napakarami ko nang dinadala noon pa man at ngayon ko lang inilabas ang lahat. Ngayon lang ako muling umiyak na naman. Tama siya, hindi kahinaan ang pag-iyak. Kahit noong una ay naaalangan akong ipakita sa ibang lumuluha ako. Para sa akin noon, isang kaduwagang maituturing ang pagluha. Ngunit kapag nasa ibang bansa ka pala iyon lang ang puwede mong gawin para maibsan ang bigat ng iyong dinadala.
Noon ay lasing na ako kaya lakas loob kong sinambulat sa kaniya ang naipon doong sakit. Hanggang hindi ko na nakaya pa. Ngunit ramdam ko ang buong nangyari. Maaring lasing na lasing na ako at hindi na kaya ng katawan ko ngunit hindi ang utak ko. Alam ng utak ko ang buong pangyayari. Wala lang lakas ang katawan kong pigilan ang lahat. Inaantok man ako at nahihilo ngunit ramdam ko ang ginawa niya sa akin.
Nagsimula iyon ng halos matumba akong tumungo sa banyo. Hindi kasi siya gaanong uminom dahil inalalayan lang niya ako. Sa tatlong shot ko, isa lang sa kaniya. Akala ko hindi pa ako natamaan nang naiihi ako. Tumayo ako. Mabilis niya akong inalalayan nang muntik na akong matumba. Akala ko hanggang sa pintuan lang ng banyo ngunit hindi ko akalain na pati sa pagbaba ng zipper ko na alam kong kaya ko pa naman ay siya na din ang gumawa. Naalala ko pa nga na pinilit kong tinanggal ang kaniyang kamay sa zipper ko ngunit mapilit siya.
"Ako na, huwag kang mag-alala, hindi ko bibigyan ng malisya. Ngayon ka pa ba naman mag-isip ng iba e higit dalawang dekada na tayo magkakilala?" iyon ang alam kong sinabi niya. Kung nagkamali man ako, alam kong iyon ang punto ng sinabi niya na dahilan para ipaubaya ang pagbaba niya ng zipper ko.
"Ako na pha-re..." pagtanggal ko sa kamay niya ngunit mabilis niyang inilabas ang tulog na ari ko sa aking maong na short. Medyo nakaramdam ako ng kakaiba noon. Tinulak ko ang kamay niya ngunit kasabay niyon ng parang biglang pagkahilo ko. Iyon bang parang gumagana ang utak ko at may gusto akong gawin ngunit hindi ko kaya dahil hindi ko kayang utusan ng tama ang buong katawan ko na gawin ang nasa kung ano ang iniisip ko. Pagbalik namin sa kuwarto ay akbay parin niya ako.
"Hinom pha tayo.. p-pha-re" bulol kong wika.
"Hindi mo na kaya tol. Tama na." inagaw niya ang basong may alak sa kamay ko.
"Hiindhi thol! Hindi pa ako lashing! Khya kho pa thol!" pangungulit ko.
"Hindi na nga. Pahinga ka na lang. Halika ka't ipahiga kita sa kama mo."
Kahit pumipikit na ang mga mata ko ay nakita ko siyang nakatitig sa aking mukha. Lumapit siya sa akin. Pinatayo niya ako at inalalayan hanggang sa aking kama. Dahil sa bigat ko siguro ay natumba kaming dalawa sa aking kama at natungan niya ako. Hindi muna siya noon kaagad tumayo. Nakatitig lang siya sa aking mukha. Itinulak ko siya noon maalala ko ngunit mas malakas siya sa akin. Hanggang sa naramdaman ko ang labi niya sa aking labi. Noon ay buong lakas ko siyang itinulak.
"Bhakit moh ako hinalikan tol? Pwe! Pwe!" Nagdudura ako. Nandiri ako sa ginawa niyang paghalik sa aking labi. Kung nakakatayo lang ako noon ay baka nasuntok ko siya ngunit kahit gusto ng utak ko ay hindi talaga kinakaya ng katawan ko. Muli akong napapikit. Ngunit hindi! Hindi ako puwedeng makatulog at baka ano ang magawa niya sa akin. Pinilit kong tumayo at bumangon ngunit napasalampak ako sa sahig. Pinilit niya akong patayuin ngunit tinulak ko ang kamay niya.
"Huwag khang lumapit! Huwag mo akong Hawakhan!"
Ngunit mapilit siya at kasabay iyon ng parang umiikot na ang paligid ko. Nakaramdam ako ng kaginhawaan nang inihiga niya ako sa kama. Ilang sandali pa ay lumabas siya ng kuwarto at hinayaan kong gapiin ako ng hilo ngunit tumatakbo parin ang utak ko. Inaantok ang pakiramdam ko ngunit hindi ang takbo ng utak ko.
Naramdaman ko ang mainit-init na towel sa mukha ko. Sa dibdib ko... sa tiyan... at naramdaman kong tinanggal niya ang short ko. Hanggang sa may kakaibang sensasyon nang mailapat ang maligamgam na tuwalya sa hita ko pataas doon. Nang makaramdam ako ng malambot na labi sa labi ko ay naitulak ko ang mukha niya. Kung noon ay aksidente ang pagdampi ng labi ko sa labi niya nang sinubukan ko siyang yakapin para magpasalamat, alam kong hindi ito aksidente lang. Sinadya na niya ang paghalik sa akin. Walang nagawa ang paggalaw ng aking ulo para tuluyan niyang itigil iyon.
"Ha-nong ginagawa mo sa akin p're." Gusto kong malaman niya na kahit lasing ako ay alam kong hindi tama ang ginagawa niya sa akin ngunit parang wala siyang narinig. Naramdaman ko ang mainit niyang palad na pumasok sa aking brief at sapulna sapol niya ang alaga ko, hinahaplos niya iyon, marahan niyang sinalsal at sa tulad kong walang s*x na higit anim na buwan ay mabilis iyong lumaban sa binigay na sensayon. Kahit sabihin pang haplos ng kapwa ko lalaki, ang mahawakan iyon ng ibang palad ay iba ang magiging dating. Napapikit na lang ako sa hatid nitong kakaibang sensasyon. Ngunit hindi tama iyon. Alam ng utak kong nakakadiri yung ginagawa niya sa akin ngunit nang maramdaman ko ang dila niya at manit na bunganga na sumubo sa akin ay parang lahat ng pagtanggi ay ginapi ng kakaibang sarap. Alam kong hindi buong tanggap ng utak ko ngunit ano ba ang kaya nitong gawin kung tuluyan ng ginusto ng buo kong katawan. Napapikit ako. Hindi na si Tol Xian ang nasa isip ko ng mangyari iyon. Babae ang naglalaro sa isip ko. Babae ang sumusubo sa aking kargada. Dinadamdam ko ang kakaibang kiliti, ang kakaibang paghagod nito mula dulo hanggang sa puno. Napadaing ako sa kakaibang sarap. At alam ko, bago ako tuluyang nakatulog ay pumutok ang katas. Lalo akong nanghina at dahil nademonyo ng alak ang utak ko ay parang sa sandaling iyon ay okey lang ang nangyari ngunit paggising ko kinaumagahan ay alam kong hindi iyon tama. Iyon ay isang kamalian. Isang nakakadiring kamalian.
Kinabukasan ay wala na siya. May nakalagay na note sa mesa.
"James, (Naisip ko, walang na ang tawagan naming tol)
May Advil dito. Mag-almusal ka na muna bago mo inumin ito. Mas mainam din na uminom ka ng uminom ng malamig na tubig para matanggal ang hang-over mo. Ingat sa pagpasok.
See you mamayang gabi.
Xian.
Pinunit ko ang sulat sa pinakamaliliit na piraso. Nakaramdam ako ng pandidiri. Naligo muna ako at lumabas. Nag-almusal ako sa Pilipino Souq sa Pinoy Bakery at dumaan ng Panadol para sa sakit ng aking ulo. Tumunog ang cellphone ko. Si Xian. Pinatayan ko siya.
Nang nasa trabaho ako ay hindi na ako mapakali. Nagkakaproblema na nga ako sa pamilya ko at heto pa ang isang problema. Ang taong tumulong sa akin, nag-alaga, kaibigan at kasama sa bahay ay isa sa mga kinasusuklaman kong alanganin. Ngayong tuluyan ko nang alam na ganoon siya ay parang tumigil na ang ikot ng aking mundo. Siya na lamang ang tanging pamilya ko dito. Siya lang ang kaibigan ko. Siya ang taong napagsasabihan ko ng lahat lahat tapos, ganito pa ang nangyari. Pakiramdam ko ay parang wala na akong ibang matatakbuhan pa.
Ilang tawag pa niya ang hindi ko sinagot at mga text na hindi ko na pinag-aksayahan ng panahong basahin.
Dumating ako kinagabihan na parang pasan ko ang daigdig. Tulad ng dati, may mga masasarap na namang pagkain na nakahain. Hinihintay na naman niya ang pagdating ko. Iniwasan ko siyang masalubong ang kaniyang mga tingin. Alam kong ramdam niya iyon ngunit sadya yatang may kakapalan ang mukha ng mga katulad niya. Kahit gutom ako ay wala akong ganang kumain. Wala akong panahong kausapin siya. Galit ako sa ginawa niya sa akin. Nasusuklam ako.
"Kain na tayo. Nagluto ako ng paborito mong ginataang kalabasa at sitaw, pritong isda at dumaan na din ako diyan sa baba ng papaitan." wika niya ng nakapagpalit na ako ng pantulog. Hindi na ako naghubad ng damit. Mahirap na. Asiwa na din akong maghubad sa harapan niya.
"Hindi ako gutom. Ikaw na lamang ang kumain. Gusto ko ng magpahinga. Huwag mo na lang akong kausapin." Hindi ko siya tinignan. Mabigat ang bawat bitaw ko. Gusto kong kahit papaano ay kausapin siya ng matino ngunit nangingibabaw talaga ang inis ko.
"Saan ka naman kumain. Huwag kang matulog na walang laman ang tiyan mo. Kahit konti lang." pakiusap niya.
Hindi na ako sumagot. Ni hindi ko nga siya tinapunan ng tinin. Humiga ako. Binalot ko ng comforter ang katawan ko. Baka mamaya dakmain niya pa ako.
"Sayang naman yung mga niluto ko. Saka bawal daw na pinaghihintay at hinihindian ang grasya." Pangungulit niya.
"Sinabi ng huwag mo muna akong kausapin."
Bumuntong hininga siya. Umupo sa gilid ng aking kama.
"Galit ka ba sa akin James?" nanatiling mapagkumbaba ang tono niya.
"Makulit ka din ano? Nakakaintindi ka ba? Marami na akong iniisip at sana lang, huwag mo ng dagdagan pa. Please!"
"Dahil ba ito sa nangyari kagabi?"
"Tang-ina naman oh... uulitin ko ha...huwag na huwag mo na muna ako kausapin!" Tumayo ako. Gusto kong palampasin ang galit ko. Binalabag ko ang pintuan ng kuwarto namin.
Pumasok ako sa banyo at nagshower. Kung sana mapalamig ng ulo ko ang malamig na tubig na nanggagaling sa faucet. Niloko niya ako. Sa tagal naming magkaibigan sana binigyan niya ng halaga iyon. Sana nirespeto niya ako kahit pa sabihing lasing na lasing ako. Alam naman niyang babae ang trip ko at hindi ang kagaya niya. Napapamura ako sa inis habang hinuhugasan ko ang kargada kong buum-buo niyang isinubo kagabi. Sa tuwing naalala ko ang ginawa niya ay nangingibabaw talaga ang pandidiri. Parang kapatid ko na ang gumawa sa akin ng ganoon!
Pagpasok ko sa kuwarto ay wala na ang nakahain na pagkain. Nakahiga na rin siya at nakatalikod. Alam kong umiiyak siya dahil sa naririnig ko ang kaniyang paghikbi. Ang paghikbing iyon ay tuluyang natigil nang narinig niya ang langitngit ng aking kama dahil sa paghiga ko. Siguro ay nahihiya siyang malaman ko na iniiyakan niya ako kaya minabuti na lang niyang itigil iyon.
Kahit anong pilit kong matulog sa gabing iyon ay hindi ako makatulog. Alam kong ganoon din si Xian dahil nararamdaman ko ang paglabas-masok niya sa kuwarto. Binalot ko na din ng comforter ang aking katawan at inilagay ang unan sa tapat ng aking kargada. Malay ko ba. Mahirap na. Hindi na lamang ako gumagalaw para akalain niyang tulug na tulog ako at bago matapos ang gabing iyon ay nagdesisyon na ako sa dapat kong gawin.
Kinaumagahan pagkapasok niya sa trabaho ay namili na ako ng mga sarili kong gamit sa pagluluto. Bumili ako ng sarili kong bigas, ng mga sarili kong abasto na pagkain at lahat ng mga damit ko marurumi ay inipon ko na sa labas ng kuwarto. Nilagyan ko sa ibabaw nito ng note na "Huwag Pakialaman". Inilagay ko ang mga aparador sa gitna ng aming mga kama para may dibisyon kaming dalawa. Bago ako pumasok sa araw na iyon ay nag-iwan ako sa kama niya ng pera at sulat na nagsasabing iyon ay bayad ko sa pagtira ko sa kuwarto niya. Iyon ay kalahati lahat ng naitabi ko sa walong buwan. Ayaw ko ng umutang sa kaniya ng kahit na ano...pera man, serbisyo o utang na loob.
Hindi ko alam ngunit nakadama ako ng pagsisisi sa ginawa ko noong nasa trabaho na ako. Inisip ko lahat ng mga ginawa ni Xian sa akin ngunit sa tuwing bumabalik sa isip ko ang sakit ng pinagdaanan ko dahil pagiging bakla ni kuya ay naisip kong tama lang ang ginawa kong pag-iwas sa kaniya ng tuluyan.
Pagdating ko sa bahay nang sumunod na gabi ay wala siyang imik na nakatingin sa akin. Nakapagluto na siya at nakahain na iyon sa maliit naming mesa.
"Kain na tayo." Yaya niya sa akin na parang walang nagyari. Hindi ko alam kung tanga lang ba talaga siya.
"Huwag na. May naluto na akong pagkain ko. Iinit ko na lang. kung tapos ka na kumain sabihin mo lang at susunod na lang ako mamaya." Seryoso kong tugon sa kaniya. Kinuha ko ang ulam ko sa ref. Lumabas ako sa kuwarto at inilagay ko sa oven ang ulam.
"Ano itong ginagawa mo James?" tanong niya. Sumunod din pala siya sa akin.
Hindi ako nagsalita. Tuloy lang ako sa ginagawa kong pag-init ng ulam.
"Hindi mo naman kailangang bumukod e. Nakapagluto na ako. Hinintay kita. Hindi pa din ako kumakain."
"Mula ngayon, hindi mo na ako dapat hintayin. Huwag mo ng pakialaman ang madudumi kong mga damit. Huwag na huwag kang pumasok sa teritoryo ko. Bayad na ako sa iyo. Yung renta ko sa buwan na ito ibibigay ko sa iyo sa katapusan."
"Hindi kita sinisingil. Saka bakit mo ba ginagawa ito? Pinapahirapan mo ang sitwasyon nating dalawa."
"Pinapahirapan? Ikaw ang nagsimula ng lahat ng ito. Huwag kang magkunwari na walang problema dahil alam mong meron. Huwag mong isiping walang nabago sa atin dahil alam mong mula't sapol ay galit ako sa katulad mo. Huwag kang mag-ilusyon na matanggap kita dahil kahit kailan Xian ay hindi mangyayari iyon."
"Gano'n n lang ba iyon? Nang dahil lang sa nangyaring iyon lahat ng pinagsamahan natin, ga'nun na lang 'yun? Pasensiya ka na. Hindi ko na kasi napigilan ang sarili ko. Hindi na mauulit. Sana hindi magbago ang tingin mo sa akin dahil sa nangyaring iyon kagabi."
"E, tarantado kang bakla ka e. Siguro naman patas na tayo, tinulungan mo ako pero binaboy mo ako at tinikman. Di ba kaya mo ako pinapunta dito para matikman ako. 'Lang ya! Kung alam ko lang sana pagdating ko pa lamang ay ginawa mo na iyon at hindi mo na kailangan pang lasingin ako. Ibigay ko iyon nang hindi ka na umasta pang mabait, matulungin at parang asawa ko. Sana din lang ay hindi na ako naniwalang mabait ka lang talaga kaya mo ginawa ang lahat ng ito sa akin. Kaya mo akong ahasin e tropa mo ako mula pagkabata. Nagkunyarian ka pang mabait at matulungin iyon pala may iba ka lang talagang gusto. O, ngayon nakuha mo na ang gusto mo. Siguro naman hahayaan mo na lang ako."
"Gano'n ba ang tingin mo sa akin? Ganun ba kababaw ang tingin mo sa katulad ko James?" nangilid ang luha niya.
"At anong gusto mong tingin ko sa ginawa mo? Dapat bang palakpakan kita at sabihing "Wow, ang tropa ko binabae!" Kung sana marunong kang magpahalaga ng pagkakaibigan at pinagsamahan, sana hindi mo ginawa ang ginawa mo sa akin kagabi. Ngayon, tatanungin mo ako kung bakit ganoon na lang kababaw ang tingin ko sa'yo?"
Hindi siya sumagot. Umagos ang luha sa kaniyang pisngi. Tumalikod siya. Pumasok sa kuwarto. May kaunting kirot sa didbdin akong naramdaman. Isang kurot na parang sakop ang buo kong pagkatao. Ngunit iyon ang alam kong dapat. Iyon ang alam kong tama para sa katulad niya. Gusto kong kamuhian niya ako. Magalit siya sa akin ng tuluyan para siya na mismo ang magpalayas sa akin at tuluyan na din akong makalipat ng tirahan. At marami pa akong naging plano na siyang lalong nagpatindi ng paghihirap niya at pasakit. Alam kong sa paraang ganoon ay tuluyan na niyang kalimutan kung anuman ang maaring nararamdaman niya sa akin. Tutulungan ko siyang kalimutan niya ang maling pagkagusto niya sa akin kapalit man ng tuluyan niyang paglayo at pagkamuhi sa akin. Simula palang iyon. Madami pang mas masasakit siyang pagdadaanan at hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya niyang gawin para sa akin.