Zemira
Bihira nalang kami magkita ni Raggo these days, sa sobrang busy niya di na kami halos magkatagpo. Messages nalang sa phone ang aming communication. Patapos na ang school year for this year, next pasukan last ko sa engineer, more on practical na kami, on job training. Sa dami kong absences before, di ko na nagawa ang mga projects ko, kailangan kong bumawi sa eskwela.
Buti nalang andiyan si Raven, minsan sinasalo niya ako sa mga project, may time masa-shock nalang ako na mayroon na akong gawa, kahit wala ako sa time na yun. Si Raven pala ang gumawa kasi alam nya busy ako, ayaw daw niya akong bumagsak ng dahil lang sa wala akong project. I'm so thankful talaga sa taong iyon, isa sya sa mga friends ko at classmate sa engineering.
Ang dami kong dapat ihabol, naging super busy din ako.
Zem, kilala mo si Jessica Brilla diba? Tanong ni Chassy sa akin nong sa canten kami, break time namin.
Oo, iyong contestant din na singing contest, kasama si Raggo? Oo friend ko yun since high school, same kami ng school, bakit?
Nakita namin sila sa isang mall show kahapon, sweet sila ni Raggo; sabi ni Chassy sa akin, di ko alam pero kinabahan ako sa naring pero di ko pinahalata sa mga friends, protective pa naman sila.
Baka nagpromote lang ng song nila kasi same sila ng management eh tapos 1st place pa si Jessica, sabay silang inilunsad ng network as one of their star; saad ko sa gropo na sakin ang tingin.
Sabagay, alam naman natin ang systema ng mga tv network para lang kagatin ng madla ang gimik nila, para mas lalong kumita.
Di ko nalang pinagtuunan ng pansin ang balitang yun, kasi I have trust on Raggo. After ng break bumalik na kami sa kanya kanyang subject.
Kumusta Zem, napasa mo naba lahat ng project natin? Deadline na tomorrow; kausap ni Raven sa akin ng mag katagpo kami sa hallway papasok sa room.
Di pa nga Raven eh, kulang pa ako sa material, ask na lang ako ng favor kay Prof na ihabol ko nalang.
Ano ba kulang mo, baka may maitulong ako? Sinabi ko sa kanya ang mga kulang.
Patingin nga ng gawa mo baka may magagawa ako.
I showed him my project, ang dami pa talaga kulang. Sabi nya he can help me to fix it. May mga sobrang materials siya sa boarding house, since malapit lang sa school boarding house niya, sumama nalang ako sa kanya after ng klase namin. Final submission na bukas sa project, kailangan madaliin. Naging busy kaming dalawa, natapos namin ang ginagawa overnight kaya di ako naka-uwi sa bahay that night. Good thing may dala ako palagi na damit at undies sa bag, kaya kini Raven narin ako nakiligo at pasok sa school after. Blessing si Raven for me, he had done so many things sa akin.
Babe, asan ka ba, bakit wala ka dito sa bahay? Ilan lang sa messages ni Raggo nabasa ko kinabukasan, dahil sa busy at concentration ko sa project di ko nagawang buksan ito.
Tinawagan ko nalang sya after ko mabasa ng message on the way na ako school nun.
Few rings wala parin sagot, mukhang may katawag kasi busy ang line. So I decide na pumasok na.
After ng first subject ko, tinawagan ko sya uli,
Babe, saan ka ba kagabi? I'm worried; unang sabi nya when he accepts my call.
Sorry babe, nag-over night kami ng kaklase ko, tinulungan akong gumawa ng project ko na final submission later, wala pa nga akong tulog.
Bakit kahit message at call wala kang ginawa o sagutin ang tawag ko?
Nakasilent kasi phone ko at sobrang busy nakaligtaan ko na. Matagal na kasi ang project na yun, di ko magawa-gawa kaya natambakan na ako project, inabutan ng final.
Okay talk to you later, busy din ako ngayon para sa pictorial namin. Bye
Iba na talaga kami ngayon, sa sobrang busy di na kami magkatagpo kahit sa tawag din bihira na at kung mayroon man sandali nalang. Ni walang I love you na. Gusto kong malugmok pero tiniis ko lang.
Pumasok ako sa next subject na kulang ang energy.
What happen to you? Bakit ka nakasimangot? Raven ask, classmate kami sa subject na ito.
Wala lang, na-missed ko lang si Raggo, halos di na kami nagkikita at bihira na din magkausap; sumbong ko sa kanya, i guess i need outlet sa emotion ko.
Sikat na kasi, dami ng commitment, kaya habaan mo pa ang pacensya.
Yun na nga siguro ang gawin ko, kailangan ko siyang suportahan eh.
Submission ng project namin sa last subject ko.
Nakapasa ang project ko, nabunutan ako ng tinik. Di na talaga ako magpitiks pitiks sa susunod. I will make it as my priority na.
Thanks Raven hah kasi kung di dahil sayo, bagsak ako sa subject na ito, salamat sa lahat ng tulong; sincere kong pasalamat sa kanya.
Wala yun, kung may magagawa ako why not. Wag kang mahiya mag-ask ng help.
Grabe si sir noh, ang iba binagsak talaga nya ng di nakapasa today, kung di ko yun natapos at di mo ako tinulungan kasama ako sa ibagsak nya; ngumiti lang siya sa akin.
Umuwi ako ng bahay na medyo okay na ang pakiramdaman dahil natapos na ang problema ko sa project.
Pagdating ko ng bahay malungkot naman ako kasi nag-iisa nalang. Dati sa mga ganitong oras magkatulong kami sa pag-aasikaso ng dinner namin at sabay kumain, sabay manood ng tv at nag-uusap, ngayon ako mag-isa. Di ko alam kung anong oras sya maka-uwi. i decide to message him
Babe, what time ka maka-uwi ngayon? Hintayin kita sa dinner, nagluto ako ng adobong manok. Send ko message sa kanya, I'll wait for his reply
Mag-alas 10 pm nalang wala parin at gutom na ako, ni walang response sa message ko, kaya natulog nang ako after kumain.
Kinabuksan when I woke up, kinapa ko ang kama, andun siya tulog na tulog, mukhang puyat kaya di ko nalang inisturbo, bumangon ako at ng prepara ng breakfast. Ni di kinain ang niluto ko kagabi.
I took at bath after makapagluto at kumain. I ready myself for school.
Tulog parin si Raggo. Nang paalis na ko, pinuntahan ko sya sa kwarto. Ang lalim parin ng tulog nya, this few days mukhang wala na syang sapat na tulog, kaya I decide not to disturb him, I made a note for him.
I look at him one more time.
Babe, di na tayo tulad ng dati bakit ganun, marami ng nagbago? I missed you; usap ko sa kanya ng mahina. I kissed him before I go.