Zemira
Babe, anong plano ng management para sayo? May nauna na bang napag-usapan or yun na yun after contest goodbye na? Tanong ko kay Raggo ng makauwi kami sa bahay after nong competition, kina-usap sya kanina ng management after sya tinanghal na champion.
Bukas pa namin pag-uusapan pa yan babe, about sa kontrata, sa ilang policy at maging direction ng career ko. Nagustuhan nila ako, gusto nila akong pasikatin kaya bukas babalik ako sa network.
Eh paano ang trabaho mo?
Depende sa maging kasunduan namin babe o kung ano ang gusto ng management. Kapag malaman ko na lahat saka na ako magdesisyon about sa trabaho ko. I think sila ang magma-manage sa akin. Titingnan ko pa kung conflict sa schedule ko at sa gusto ng management. Kung need kong ma- resign sa trabaho gagawin ko, ito priority ko babe, mas malaki naman kita ko dito kung maging sikat ako in the future.
Iyong pera natanggap ko, ipunin natin yun para if in case may kailangan tayo may magamit kaagad, magpadala ako kina nanay ng kaunti, saka bayaran natin itong boarding house ng ilang buwan para di na tayo mamoblema. Saka iyong utang ko sayo at mga utang natin sa mga kaibigan bayaran natin lahat.
Sige, para wala na tayong iisipin pa. Paano iyong pag-aaral mo?
Titingnan ko pa kung kaya kong isingit, kung alanganin talaga eh di need kong tumigil muna kasi ito iyong priority ko ngayon, ito iyong pangarap ko eh ang sumikat. Back up plan ko lang at pag-aaral ng Business Ad, pag makaluwag ng time mag-aaral ako uli.
Sayang naman nagasto mo, kahit itong sem lang matapos mo, kung makaluwag ka I di saka mo na balikan.
Well see kung ano maging kalabasan ng pag-uusap namin tomorrow. Babe, ito na simula ng tagumpay natin, nakikita ko na ang pag-aasenso natin.
Nakatulog kami ng gabing yun na may ngiti sa labi, excited sa future.
The day after, naghihintay ako kay Raggo di pa nakauwi. Pumunta sya sa tv station para sa meeting nila.
Babe pasensya na natagalan ako, ang dami palang dapat isa alang alang at dami naming diniscas.
Kumain ka naba? Tanong ko sa kanya.
Oo, tapos na sa network na kami kumain, nagpakain sila.
Anong sabi ng network, anong sabi sa kontrata?
Magpermahan kami ng kontrata next day para ma-launch na nila ako as new star ng network. Kanina mga policy pa lang yun pinag-usapan at sa anong pwede mangyari sa career ko.
Ima-manage ako sa network, nakita nila ang potential kong sumikat. Gusto nila ako hasain pa, may magco-coach sa akin, tapos pati physical ko igo-groom daw nila ako na parang artista, pati speaking voice ko the way magsalita ng English may magti-train sa akin. Nakitaan naman nila ako ng potential na sumikat.
Kanina they ask me kung may girlfriend na ako or anong relasyon natin kasi nakikita ka nila na kasama ko palagi.
I told them na girlfriend kita. Sabi nila need ko daw hiwalay ka, i-hide or i-deny ang relationship natin kung gusto kong sumikat kasi mahirapan silang i-build up ako sa tao kung may sabit, magiging conflict daw. Mostly sa mga fans gusto nila single, you know pampakilig.
Makaapekto sa career ko kapag may karelasyon, mawawalan ng gana ang mga tao. Kaya napilitan akong mag-yes sa kanila kanina. Sorry babe, di ko sinasadya. Pacensya na hah, alam mo naman mahal kita, kailangan lang natin magtiis muna para magtagumpay, kapag andoon na ako sa taas, ipakilala kita kaya di na mahirap sa kanila tanggapin ka or tayo kung sikat na ako, sa ngayon need natin magtiis wala pa akong napapatunayan.
Nasasaktan ako sa nangyayari pero wala akong magagawa, need naming magtiis kasi kasisimula pa lang nya. Kailangan niya ang suporta ng network at dapat sundin niya yun kung gusto niyang sumikat. The harsh reality of showbiz.
Ok lang yun, ang importante mahal mo ako ng totoo, di natin kailangan ipagsigawan ang relationship natin, ang feelings natin sa isat isa yun ang importante. Tayo ang nagkaintindihan.
Thank you babe for understanding me, ikaw ang karamay ko sa journey na ito. Tiis lang muna tayo hah, para sa atin naman ito lahat.
Dahil sa nangyari, naging busy si Raggo. After nong signing of contract, kaliwat kanan ang show nya, training, appearance sa tv pati sa ibang lugar, may pa motorcade pa, di ko na siya halos nakikita, maaga umalis, gabi na kung dumating minsan di pa makauwi.
Tiniis ko lahat yun. Kailangan ko siyang suportahan.
One time nakita ko siya nasa tv, he was invited by the show ng network na may hawak sa kanya. Pino-promote ang new single niya na kanta, he looks so gwapo sa tv. Napangiti ako sa aking nakikita, di akalain na sa wakas makikita ko siya dun.
Inenterview siya ng host.
Raggo, maraming curious, kung anong status ng heart mo ngayon? May chance pa ba ang iba na makapasok? Sabi ng host kasi maraming fans dumomog sa kanya,naghihiyawan pa.
Di siya makapagsalita kaagad, he was caught off guard pero nakabawi din.
Nanahimik ang puso ko ngayon; saad nya na nakangiti sa mga nanunuod. Mas lalong naghiyawan ang mga fans.
It means guy he is single at welcome kayong mangarap na masungkit ang isang Raggo Castillion; masayang saad ng host.
In that moment nasasaktan ako, di madirectang inamin pero same parin ang kalabasan. Our relationship is been denied, though alam ko naman na ganoon pero di ko mapigilan na masaktan. Masakit pala kapag narinig mo na mismo sa kanyang bibig. Umiyak ng ako ng tahimik, hanggang sa nakatulugan ko ang pag-iyak
In my sleeping state, may naramdaman akong may humalik sa pisnge ko.
Babe, I'm sorry, di ko sinasadyang magsinungaling sa kanila at ideny ka pero mahigpit kasi bilin ng management na iyon ang sasabihin ko eh.
Okay lang naintindihan ko naman ang sitwasyon mo.
Natulog kami ng gabing yun na magkayap kasi di na niya ako binitawan pa. He is trying to appease the situation by giving me comfort.
Kinabukasan inaabangan ako ng mga kaklase ko na mga friends ko din
Zem, hiwalay na kayo ni Raggo? Bakit ganun ang sagot sa interview nya? Tanong ni Chassy.
At that moment di ko alam kung sasabihin ko sa kanila ang buong katutuhan or magsinungaling
Kung ganun pala eh di wala siyang kwenta, kung kailan sumisikat na sya ngayon ka pa niya bitawan; Saad ni Rocky.
Sayang lang tulong at sacrifices namin sa kanya kung ganun lang pala, nakakawalang gana; wika ni Grace
Sa narinig ko kailangan ko ipangtanggol si Raggo, sila ang tumutulong sa amin ng Raggo competition sa damit at support sa voting at kaibigan ko sila kay natural na magalit sila kay Raggo.
Ang totoo niyan kailangan niyang gawin yun, mahigpit ipinagbilin ng management na yun ang sasabihin niya. Di sya pinayagan na i-declare ang relationship namin, kasi daw makakasira sa image niya. Nasa contract nakasaad, kaya napilitan si Raggo i-deny ako. Kaya sana di ito makarating sa iba, atin atin lang to; saad ko sa mga kaibigan ko.
Naintindihan namin Zem, mas mabuti siguro din yun para maprotektahan ka sa mga fans niya, kasi pag malaman ng madla, susundan at sisiraan ka, wala ka ng privacy. Mas mabuti na tahimik lang buhay mo, di ka paman sanay sa maraming tao.
Oo nga Zem, tama si Chassy, hayaan mo nalang ang mga chismis.
Pasalamat ako na di makikitid ang pag-iisip ng mga kaibigan ko, naintindihan nila. Alam ko marami pa akong pagdaanan na sakit at trials sa relation namin pero dahil mahal ko siya titiisin ko at susuportahan siya sa bago niyang laban.