"And who are you?" matigas na tanong ko habang nakatingin sa katulong na nasa harapan ko. Tingin ko nasa middle twenties ang babae at hindi ako pamilya sa mukha niya. Walang nasasabi sa akin si Aling Ason na may bagong katulong ngayon dito sa hacienda.
"Me? Sir, hindi ko alam na---"
"Fck! Hindi mo ba ako kilala? Saang lupalop ka ba galing at hindi mo ako kilala!" inis na tanong ko sa babae na matapang ding nakatingin sa akin.
"Hindi, sir. Hindi ko po talaga kayo kilala at isa pa..." Tumingin ito ng diretso sa mga mata ko. "Ikaw ang may kasalanan sa akin!"
Lalo akong nainis sa sagot nito sa akin. Masakit ang likod ko na binato nito ng plastic dustban at may naiwan pang hibla ng walis tambo sa buhok ko dahil sa pagkahagis nito no'n sa akin.
"Hatt, you lose again!" malakas na sabi naman ni Chase na lumabas mula sa loob ng bahay. Tatawa-tawa ito habang pababa ng hagdan.
Tumingin si Chase sa babae. "Strong girl, huh? I'm sorry. Hindi ko naiwasan ang putik kanina sa daan dahil sa pagmamadali ko. Hindi iyon kasalanan ni Hatt dahil kadarating lang niya. And also... same kami ng kulay ng kotse ngayon. Nagkakamali ka na siya ang sisihin mo, cute girl." Ngumiti pa ni Chase habang kausap ang babae.
Lumapit naman si Manang Carmen sa babae at hinila ang kamay nito.
"Enang, ano bang ginawa mo!" galit na sabi ni Manang Carmen dito.
"Sir Hatt, pasensiya ka na. Bagong katulong lang kasi si Enang at hindi pa niya kayo kilala, siya ang sinasabi kong pansamantalang kapalit ni Lot dahil sinusumpong ang rayuma. Siya si Eidena Malaikah, ang pamangkin ni Lot," pagpapakilala ni Manang Ason sa babae.
"Bring her to my office, manang. And tell her to pack her things." Matalim kong tinignan si Enang na nakayuko ngayon sa harapan ko. Inihagis ko kay Chase ang susi ng kotse ko at naunang naglakad dito. "Ayoko na ng kotseng iyan, mabilis akong mapahamak."
Natatawang sinundan ako ni Chase. "I'm sorry, bro. But she's cute ha."
Nilingon ko ito habang nakasunod sa akin. "So?" Binuksan ko ang pinto ng office ko at kasunod ko itong pumasok.
"She's not your type?" pang-aasar pa nito sa akin.
"Fck her to my bed... well... yes. Kilala mo naman ako, Chase. Hindi na ako nagpapasok ngayon ng babae sa buhay. Isa pa, masyado siyang matapang para magustuhan ko... p'wede siguro siyang maging private security guard ko."
"Idiot!" Ibinagsak ni Chase ang sarili sa couch. "Ang tapang lang talaga niya... nahulog tuloy ang puso ko sa pagiging inosente niya."
"Kawawa naman siya kung tatanggalin mo bilang katulong. Ako naman talaga ang may kasalanan."
"Kung gusto mo siya na lang ang kunin mo bilang katulong sa bahay mo. Hindi ba naghahanap ka ng katulong? Ayoko ng sakit ng ulo dito sa hacienda kaya mas mabuti na ilayo mo siya sa akin. Do whatever you want to her. I don't care." Itinaas ko ang mga paa ko sa ibabaw ng lamesa. "Nandito ako ngayon para magbakasyon at mapag-isa habang nagi-stay."
"Ano kaya ang sasabihin sa iyo ng mga kaibigan mo kapag nalaman nila na may inapi kang katulong?"
"Ako ang inaapi ng mga babae, Chase. Busy sina Cold at Storm ngayon sa kanilang mga buhay kaya nga ako muna ang mamahala dito dahil ayokong mapagalitan ni Cold. Hintayin mo na si Enang at sa iyo ko siya---"
Malakas na tumawa si Chase. "Gusto mo bang hiwalayan ako ni KC kapag nalaman niyang may katulong akong babae."
"Tsk, ang lakas mo mambabae pero natatakot ka na hiwalayan ka ni KC. Tsk. Sira ulo."
"I just came here to see the place. Gusto kasi ni KC na dito kami sa hacienda ninyo ikasal dahil gusto niya ng ranch wedding. At dahil kaibigan naman kita... at ibinigay ko sa iyo ang napanalunan kong kotse sa casino kahapon."
"Ayoko na ng kotseng iyon dahil may kasamang kamalasan."
"Sir Hatt." Boses ni Aling Ason.
"Nakabukas iyan, manang."
Bumukas ang pinto at pumasok si Aling Ason na kasunod si Enang.
"Bro, see you tomorrow. Kailangan ko na kasing umalis dahil may kailangan pa akong gawin." Humakbang ito patungo sa nakabukas na pintuan at huminto sandali sa tapat ni Enang. "I'm sorry." Iyon ang salitang bumuka sa bibig ni Chase bago umalis.
"Sir Hatt, pagpasensyahan na lamang ninyo si Enang. Baguhan pa siya at---"
Seryoso akong tumingin kay Aling Ason. "You may go, Manang. Mag-uusap kami ni Enang." Humalukipkip ako habang nakatingin sa babae.
Lumabas ng pinto ang matanda na inihatid pa ng tingin ni Enang.
Ibinaba ko ang mga paa ko sa lamesa at saka isinandal ang likod ko sa swivel chair.
"Sir, sorry po!" Yumuko sa harapan ko si Enang at nagulat na lamang ako nang lumuhod ito at nagyuko ng ulo.
"Kasalanan kasi iyon ng kaibigan mo, sir. Wala naman po talaga kayong kasalanan sa akin. Nagkataon lang po talaga na naisip ko na... na kailangan gumawa ako ng paraan para hindi ako inaapi ng kahit na sino. Sir, para akong basang sisiw kanina sa daan, at hindi man lang ako hinintuan ng kaibigan ninyo para magpaliwanag. Siya ang may kasalanan nito at hindi kayo sir."
"And? That's it?" naiinis kong tanong dito. "Pinalo mo ako ng walis tambo at hinagisan ng dustpan. At ngayon nagso-sorry ka pero sinisisi mo ang kaibigan ko?"
"Sir, hindi ko naman siya sinisisi. Gusto ko lang malaman ninyo ang side ko. Sir, alam ko naman na mali ako at hindi ko napigil ang sarili ko. Ayoko lang talaga na trinatrato akong basura ng ibang tao. Katulong mo lang ako, sir. Ngunit hindi naman ako basta-basta nagpapaapi lang."
"Gusto mo bang sabihin ngayon na inaapi na kita?"
Nag-angat ito ng ulo at tumingin sa akin. Hindi ko alam na umiiyak na pala ito habang nakayuko kanina.
"Sir, bukod kay Tita Lot ay wala na akong ibang pamilya. Iniwan ako ng Tatay ko para sumama sa ibang babae at si Nanay hindi ko man lang nakita at nakilala. Kung tatanggalin mo ako ngayon sir. Paano naman kami ng Tita Lot ko? Ano ang sasabihin ko sa kanya kapag umuwi ako na dala ang mga gamit ko? Sir, hindi ako p'wedeng mawalan ng trabaho dahil lang sa ginawa sa akin ng kaibigan mo. Parusahan mo ako, sir. Maglilinis ako ng banyo, magtratrabaho sa mango farm, huwag mo lang akong alisin dito dahil mahirap humanap ngayon ng trabaho."
"You may now leave!"
Tumayo ako at saka ito nilapitan. "Tumayo ka ka riyan at umalis. Marami ka pa namang---"
"Sir!" Humagulgol ito ng malakas na halos mabingi ako.
Nasapo ko ang noo ko sa ginawa ng babae.
"Okay, fine!"
Bigla itong tumigil at saka tumingala sa akin habang sumisinghot.
"You can stay... for now. Kapag inulit mo pa ang ginawa mo kanina, Enang. Kahit pa umiyak ka dito buong araw hindi na magbabago pa ang isip ko."
Muli itong umiiyak nang malakas. "Sir, thank you. Sorry po talaga, sir!" paulit-ulit na sabi nito sa akin.
And she reminds me of Juvy.
Ganitong-ganito din, matigas ang ulo ay palaban. Now she's happy with Cold and me? I'm afraid to commit mistakes again and again because of love.