'f**k Buddies...' 'f**k Buddies...' Paulit-ulit sa isipan ni Donessa ang salitang 'yun. Kanina pa nakaalis sina Steven at Alexandra at hindi niya alam kung nasaan ngayon si Dwight. Hinatid nito kanina sa sasakyan sina Alexandra. Muli ay hindi niya mapigilang makaramdam ng kirot. Ibig sabihin ay habang naghihirap ang kalooban niya sa New Jersey, si Dwight naman ay nagpapakasarap dito sa Pilipinas kasama ang kanyang pinsan? "Ang kapal ng mukha niyang suyuin ako habang nagkikita pa sila ni Alexandra? Bullsh*t!" Nagpupuyos ang kalooban niya sa napagtanto. Hindi niya yata kakayaning maging isa lang sa parausan ng b*wesit na lalaking 'yun. Hindi siya papayag na tapakan lang nito ang pangalan niya, nila ni Alexandra. Mukhang hindi alam ng kanyang pinsan ang nakaraan nila ni Dwight. 'F*c