Nagtataka si Priscela Salvatore na ina ni Donessa kung bakit hinatid ng isang katiwala ng villa sa kanilang mansion ang anak. Madaling araw na at patulog pa lamang ito. Bakas sa mukha ng ina ang labis na pag-aalala sa anak na babae. Samantalang si Donessa ay parang tuod lang na walang emosyon ang mukha. Namamaga pa ang mga mata sa sobrang pag-iyak. "Oh my! Donessa! What happen to you, my baby?" anang ina pagkalapit sa kanya. Sinuri nito ang kanyang mukha at maging ang buong katawan. Blangkong nakatitig lamang siya sa nag-aalalang mukha ng ina. "Donessa? Talk to me please..." pagsusumamo ng kanyang ina at mahigpit siyang niyakap. Kapagkuwan ay binalingan nito ang katiwala na nasa likuran nila. "Anong nangyari sa anak ko?" mahinahon ngunit may diin ang boses na tanong nito. Napayuko ang