Tanghali na nang bumaba sa hagdan si Dwight. Kunot-noo siyang napatingin sa dalawa na mukhang paalis na. Ngayon pa lang pala aalis ang b*wesita nito samantalang napakaaga nitong mang-isturbo. Nang makababa na siya ay nakita siya ni Donessa. Mataman siyang nakatitig dito. Kita niya ang pagkataranta sa mukha nito. "Ahmm...punta lang kami sa rancho, Dwight," paalam nito na hindi nakatingin sa kanyang mga mata. Ang akala niya ay uuwi na ito pero mukhang ipagpatuloy pa ng mga ito ang moment sa ibang lugar. Naiinis na nag-isip kaagad siya ng sasabihin. Sa pag-aalalang baka pupunta sa talon ang mga ito ay naalarma siya. Naiinis siya sa isiping may ibang magnanasa sa katawan ni Donessa lalo na at halos hubad kahit may suot pang damit. Malamang ay babakat ang nakakaakit nitong katawan sa basang da