Lunes na ngayon at araw na nang flight ni Dwight pabalik sa New Jersey. Malungkot na nakatanaw lang si Donessa sa terasa mula sa ikalawang palapag ng villa. Si Georgina ang maghahatid dito sa airport. Ni hindi man lang siya nilingon ni Dwight na alam niyang alam nitong nakatanaw siya. Mapait ang ngiti niya habang sinusundan ang papalayo nitong sasakyan. Hindi niya namalayan ang isang butil na luha na pumatak mula sa kanyang mga mata. Hanggang sa nasundan ng dalawang patak, tatlo at sa hindi na niya mabilang ang sunod-sunod na pag-agos ng kanyang mga luha. Nasasaktan pa rin siya at muli'y siyang iiwan ni Dwight. Is she not worth loving for? 'Dwight...' sambit ng isip niya. Hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin siya rito. Dahil ba sa ito ang pinag-alayan niya ng kanyang p********e? Ma