CHAPTER 9

2662 Words
KINABUKASAN ay maaga rin akong gumising kahit wala namang pasok si Kamahalan. Sanay lang talaga ako na gumising ng maaga. Nang pagkamulat ko pa lamang ng aking mga mata ay bigla akong napangiti nang bumungad sa paningin ko ang mukha ni Kamahalan. Payapa siyang natutulog! Nahihimbing siya habang nakayakap sa ’kin nang mahigpit ang braso niya at gadangkal na lamang ang layo ng mukha namin sa isa’t isa. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa baywang ko saka maingat na bumangon sa kama. Nagpalit muna ako ng damit bago lumabas ng kuwarto para magtungo sa kusina at magluto ng umagahan namin. Habang abala sa pag-aasikaso ng pagkain namin... hindi ko namalayan at nagulat na lang ako nang mayamaya ay may biglang yumakap mula sa likuran ko. “Morning! Mmm! Bango naman.” Malambing na saad niya saka ako hinalikan sa pisngi ko. Napangiti naman ako nang matamis. “Goodmorning din! Ang aga mo atang nagising?” tanong ko. “Wala ka na kasi sa tabi ko kaya nagising ako,” sagot niya at isiniksik pa ang mukha niya sa leeg ko. “Hmp! Bolero! E, kagabi lang naman tayo nagkatabing matulog,” sabi ko. Pero deep inside, labis akong kinilig. Tumawa lamang siya nang mahina at mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Ano ba ’yan, umagang-umaga, naglalambing na naman siya! Hindi ako sanay na sweet siya sa akin. Mas gusto ko pa ’yong nakasalubong ang mga kilay niya habang nakasigaw na inuutusan ako. Pero aaminin ko ring sobra akong kinikilig sa mga pa-sweet niyang ginagawa sa ’kin ngayon. Nakakababae ng sobra! “Upo ka na roon at maghahain na ako,” sabi ko. Tinanggal naman niya ang kaniyang mga braso na nakapulupot sa baywang ko pero hindi siya umalis sa likuran ko. Sa halip ay pinihit niya ako paharap sa kaniya at pinakatitigan niya ako nang mataman sa aking mga mata. “Bakit?” takang tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya. Ewan ko kung ano ang dapat kong maramdam sa klase ng ngiti niya. Pero naiilang ako! “Why are you wearing like this?” tanong niya. Nangunot bigla ang noo ko at napatingin sa sarili kong ayos ngayon. “Wala lang,” kibit-balikat na sagot ko. “Bakit, bawal ba ako magsuot ng ganito?” tanong ko pa sa kaniya saka inirapan siya at naglakad palapit sa lamesa. Sumunod naman siya sa akin. Nakasuot kasi ako ngayon ng skimpy shorts and spaghetti strap na sando. “Hindi naman sa bawal, babe,” sabi niya. “I’m just surprised to see you like this.” At muling ngumiti sa akin. “Are you trying to empress me by your body?” tanong pa niya saka umupo na sa puwesto niya. Ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko dahil sa sinabi niya. Oo na! Aaminin kong hindi ako mahilig magsuot ng mga pa-sexy na damit, pero napilitan akong magsuot ng ganito ngayon dahil bigla akong na-insicure sa mga babaeng dinadala niya rito no’ng nakaraan. Pati ’yong babae sa office niya. Napaisip kasi ako kanina. Paano kung ngayon lang ako magustuhan ni Kamahalan? Tapos maisip niya na ang badoy ko talaga manamit, tapos ipagpalit niya agad ako sa iba? Kaya naisip ko kanina na magsuot ng maiksing short at sando para naman kahit papaano ay makita niyang may ibubuga rin naman ang katawan ko! Na hindi lang ang mukha ko ang maganda, pati rin ang katawan ko. Oo na! Ano’ng masama na purihin ang sarili? Hindi ko naman puwedeng laitin ang sarili ko, ano! “W-wala! Naiinitan lang ako kaya nagsuot ako ng ganito.” Pagdadahilan ko pa. Ngumisi lang siya sa ’kin. “Really?” “Oo nga! Kumain ka na nga diyan. Dami pang satsat, e!” ani ko saka sinubuan ko siya ng bulate—este hotdog pala! Ngumiti pa siya sa akin ng nakaloloko. “Come here. Kain ka na rin. Subuan mo na lang ako, huh!” paglalambing pa niya at kinabig ako paupo sa kandungan niya. Wala na akong nagawa kun’di ngumiti na lang sa kaniya nang matamis. Siguro nga kailangan ko na rin masanay sa ka-sweet-an at lambing niya sa ’kin sa araw-araw. “DALI NA KASI! Ang arte pa, e!” “Bakit ba kasi ako ang inuutusan mo? Ang sarap ng upo ko roon, e!” pagrereklamo niya habang hatak-hatak ko ang kamay niya papasok sa kabilang banyo. “E, nasira nga kasi ang washing machine mo kaya ikaw ang gagawa niyan,” sagot ko nang makapasok na kami sa banyo. “Sino ba ang amo rito at ako ang inuutusan mo?” salubong ang mga kilay at nakapamaywang na tanong niya sa akin. Aba, ang loko! Ang sarap sapakin, e! Tinaasan ko rin siya ng kilay saka namaywang din sa kaniya. “Ano mo ba ako?” mataray na tanong ko. “Girlfriend!” “So, sino ang masusunod sa atin ngayon?” tanong ko ulit. Napapakamot naman siya sa ulo niya at ngumiti sa akin. “S-sabi ko nga babe... kung ano ba ang gagawin ko? Ikaw naman masyado kang highblood.” Aniya. “Tulungan mo akong pigain ’yan lahat! Ayaw kasi gumana ng dryer, e!” saad ko sa kaniya. Agad naman siyang tumalima. “Wow, exciting, babe! Alam mo bang gusto kong matuto maglaba?” malapad pa rin ang ngiti niya sa akin. Hindi ko na rin napigilan ang matawa dahil sa kakulitan niya sa akin. Kahit naman pasaway si Kamahalan ginagawa niya naman ang sinasabi ko. Isang linggo na mula nang maging kami. Masasabi kong okay naman siyang boyfriend... mas lalo siyang naging sweet sa ’kin. Mabait. Maalaga. Madalas nga lang makulit at laging nagpapalambing. Pagkakauwi niya galing trabaho ay parati siyang may pasalubong sa akin. Sa kuwarto ko na rin siya palaging natutulog. Ewan ko ba sa sungit na ito... may silid naman siya, pero laging nagsusumiksik sa akin. Pero okay lang din, kasi pinayagan niya naman na ako na pumasok sa kuwarto niya. Ako na ang naglilinis doon. Inabot na kami ng ilang oras bago natapos sa paglalaba. Ayaw kasi niyang ipalaba sa iba ang mga damit niya. Ako lang daw ang gagawa. Walang-hiyang boyfriend! Mas gusto pang mapagod at mahirapan ang jowa niya kaysa magbayad sa laundry shop! Hindi naman siya maghihirap kung magbabayad siya ng ilang piso, hindi ba? “Kakapagod!” aniya. “Halika na babe at magpahinga muna tayo at may kukunin pa ako sa ’yo mamaya.” Saad pa niya. Kunot ang noo na napatingin naman ako sa kaniya. “Na ano?” tanong ko. “Alam mo na ’yon. ’Yong usapan natin. Akala mo nakalimutan ko na?” ngumiti pa siya ng nakaloloko habang nagtataas-baba ang mga kilay niya saka ako biglang binuhat at naglakad palabas ng banyo. Akala ko rin ay nakalimutan niya na, e! Nalintikan na! “Ano’ng usapan? May pinag-usapan ba tayo?” kunwari ay nagtatakang tanong ko sa kaniya nang maupo siya sa sofa, naka-upo naman ako sa kandungan niya. “You forgot what we talked about last week, babe? After five days?” tanong niya sa akin at nilalaro ang hibla ng buhok ko. Hindi ko nakalimutan iyon. Kaya nga kinakabahan ako ngayon, e! Parang gusto ko ata bawiin sa kaniya ang sinabi ko no’ng nakaraang linggo! Napalunok na lang ako nang sunod-sunod nang magsimula siyang halikan ang leeg ko. Pakiramdam ko nagtayuan lahat ng balahibo ko sa batok. “Ahh—ano, a-amoy pawis pa ako,” sabi ko sa kaniya. “A-ano... saka pagod ka pa... pati ako! Hindi ba?” nauutal at kinakabahang saad ko at pilit na ngumiti sa kaniya nang tumigil siya sa paghalik sa leeg ko. “Babe, isang linggo akong naghintay. Mmm!” sa halip ay saad niya saka paunti-unti akong hinalikan sa pisngi ko, sa gilid ng labi ko. Hanggang sa naramdam ko ang masuyong paghaplos ng palad niya sa likod ko papunta sa tiyan ko. Dahil sa ginagawa niyang iyon, pakiramdam ko ay unti-unti ring nabubuhay ang init ng katawan ko at parang nasasabik akong tugunin ang maliliit niyang halik sa gilid ng labi ko. Mayamaya ay napasinghap pa ako nang biglang dumapo sa isang dibdib ko ang kamay niya. “Ahhh!” ungol ko kasabay ng pagsakop niya sa mga labi ko. Ayokong magprotesta dahil sobra akong nasasabik at nasasarapan sa bawat halik niya sa akin, isama pa ang masuyong pagpisil-pisil niya sa dibdib ko. Naninindig ang mga balihibo ko! Nag-init na nang tuluyan ang katawan ko at buong pagmamahal kong tinugon ang mga halik niya sa akin. Kumilos siya at marahan niya akong inihiga sa sofa. Mayamaya ay saglit siyang tumigil at bahagyang lumayo sa akin. “Please, babe!” tila nahihirapan at nagsusumamong saad niya sa akin. Nangungusap ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Ilang saglit akong nanahimik, mayamaya ay masuyo akong tumango sa kaniya at napangiti. Inihanda ko na lang ang sarili ko nang mabilis niyang hinubad ang mga saplot niya maliban sa brief. Ganoon din ang ginawa ko. “I love you, Sinag ko!” bulong niya sa akin at nagsimula akong hagkan. Mula sa leeg ko ay naglandas ang mga labi niya pababa sa dibdib ko. Sinamba niya ang mga ito hanggang sa mag-sawa siya roon. Pakiramdam ko bawat parte ng katawan ko na dadaanan ng mga labi niya ay may naiiwang apoy roon na nagdudulot ng kakaibang init sa katawan ko. Hanggang sa makarating siya sa pinaka-iniingatan ko. Ramdam ko ang mabilis na pagtanggal niya sa natitira kong saplot doon. Mayamaya ay umangat siya upang tingnan ako. Nakita ko pa ang matamis at kakaibang ngiti sa mga labi niya bago siya yumukong muli. Sunod-sunod akong napaungol nang masuyo habang napapasabunot pa sa buhok niya. Oh, jusko! Bakit napakasarap sa pakiramdam ang kaniyang ginagawa sa aking perlas? Para na akong mababaliw! Ngayon ko lamang naranasan ito kaya hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Basta, para na akong baliw sa puwesto ko. Napuno ng mga ungkol ko ang buong sala. Walang sawang pinaligaya niya ang aking perlas ng silanganan. Hindi nagtagal, biglang nanghina ang buong katawan ko nang maramdaman kong parang may lumabas na likido sa pagitan ng mga hita ko. Oh, jusko! Ano ’yon? Naihi ba ako? Damn. Nakakahiya sa kaniya! Gusto ko sanang pigilan siya at palayuin sa pagitan ng mga hita ko, pero hindi ko nagawa iyon! Dalang-dala kasi ako sa sarap na nararamdaman ko sa mga sandaling ito! Ilang segundo pa, umangat siyang muli upang pumantay sa akin. Malapad pa ang pagkakangiti niya sa akin. “Ready, babe?” tanong niya at muli akong kinintalan ng mabilis na halik sa labi ko kaya hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Kagat ang pang-ilalim na labi ay ngumiti ako at tumango sa kaniya kahit kinakabahan ako nang husto! Kahit parang mapupugto na ang hininga ko dahil sa labis na kabog ng puso ko. “All right, babe! Let’s do this.” Aniya at pumuwesto siya nang maayos sa pagitan ng mga hita ko. Umayos din ako sa aking pagkakahiga sa sofa. Makaraan ang ilang segundo ay naramdam ko ang isang bagay na matigas na nasa may bukana ko na. “C-caspian!” kinakabahang sambit ko sa pangalan niya at bigla kong nahawakan ang isang kamay niya. Ngumiti naman siya at muling dumukwang sa akin at hinalikan ako ulit sa mga labi ko. “I’ll be gentle, baby!” bulong niya sa akin. “K-kinakabahan ako,” sabi ko sa kaniya. “Don’t worry. It’ll be alright, baby.” Naramdaman ko na nga ang unti-unti niyang pagpasok sa lagusan ko. At dahil ito ang unang karanasan ko, hindi ko napigilang mapakislot nang makaramdam ako ng kirot dulot ng pagpupumilit niyang makapasok sa akin. “C-caspian!” daing ko. “Shhh! It’s fine, baby!” Walang ibang namutawi sa bibig ko kun’di ang masuyong pag-ungol na may kasamang paghikbi dahil sa kirot na nararamdaman ko habang unti-unti kong nararamdaman ang kabuuan niya sa loob ko. “Caspain, m-masakit!” Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha nang labis na sakit at kirot ang naramdaman ko sa sumunod na mga sandali. “Aw! B-babe, teka... ang sakit! A-aray!” naituon ko pa sa dibdib niya ang mga kamay ko para sana pigilan siya at patigilin sa kaniyang ginagawa. Pero parang wala ata siyang narinig mula sa akin at pilit na idinidiin sa akin ang sarili niya. “P-please! C-caspian. H-hindi ko kaya! Ang sakit! Maawa ka!” hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko dahil sa sakit na iyon. “I’m sorry, babe! Sorry! Shhh! I can’t stop. But I promise you... the pain will end so soon, okay? I’m sorry.” Aniya saka sinakop niya ang mga labi ko habang dahan-dahan na siyang gumalaw sa ibabaw ko. Kahit masakit at pakiramdam ko ay parang tinutuhog ako ng buhay... pero tama nga siya! Unti-unti nang nawawala ang sakit at hapdi na nararamdaman ko sa aking kaibuturan. Ang sakit ay unti-unting napapalitan ng maliliit na kiliti at sarap sa kaibuturan ko. Napaungol na rin siya. “Babe, you’re so tight. Ohhh!” Puro ingay naming dalawa ang pumuno sa apat na sulok ng sala habang pinagsasaluhan namin ang mainit na mga sandaling ito. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayari. Basta, labis na akong nalunod sa sarap na ginagawa namin ngayon ni Caspian. Tuluyan na akong nawala sa sarili ko. At habang tumatagal, pabilis nang pabilis ang bawat paggalaw niya sa ibabaw ko na labis ko rin namang nagugustohan. “I love you, Sinag ko.” Masuyong bulong niya sa akin at pagkuwa’y bumagsak siya sa tabi ko. Kinintalan din niya ng mabilis na halik ang labi ko at nagyakap ang mga hubad at pawisan naming katawan. “I love you too, Kamahalan ko!” buong pagmamahal na tugon ko sa kaniya at nagsumiksik sa katawan niya. “Akala ko bulate e, malaki pala.” Napahagikhik pa ako at ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Mabuti na lang talaga at nakatago sa dibdib niya ang mukha ko. Kun’di, malulunod na ako sa hiya ngayon dahil sa sinabi ko! Narinig ko naman siyang tumawa dahil sa sinabi ko. “Naughty, babe!” aniya. “Now you know na hindi siya bulate. I love you and thank you, babe.” Bulong niya sa puno ng tainga ko. Nagsumiksik pa ako lalo sa kaniya at niyakap din siya nang mahigpit. “Mas mahal kita!” sagot ko sa kaniya. “Lipat tayo sa kuwarto babe para makarami pa tayo at—” Pinalo ko siya bigla sa dibdib niya at masamang tingin ang ipinukol sa kaniya nang mag-angat ako ng mukha. Ang manyak talaga, e! “Ano’ng makarami? Masakit pa nga e, tapos uulitin mo agad?” kunwari ay pagalit na saad ko sa kaniya. Hinawakan naman niya ang baba ko at muling inangkin ang mga labi ko. “Kaya nga uulitin natin para mawala ang sakit, babe.” Saad niya nang pakawalan niya ulit ang mga labi ko. “Let’s go at hindi pa tapos si Prince Caspian! Look.” Nakaloloko ang ngiti niya sa mga labi nang yumuko siya upang tingnan ang kaibigan niya. Awtomatiko rin naman akong napatingin sa Prince niya. At oo nga! Buhay na buhay pa rin ’yon. Muling nag-init ang buong mukha ko. Ngayon ko lang kasi siya natitigan ng mabuti at malapitan. Wala sa sariling napalunok tuloy ako nang sunod-sunod at nag-iwas ng tingin sa kaibigan niya. Tumawa naman siya ng malakas! “See? Let’s go babe at naghihintay na siya para sa second round.” Nagulat na lang ako nang bigla siyang bumangon at binuhat niya ako at malalaking hakbang ang ginawa niya para makapasok sa kuwarto niya. “Puwede bang—” “Hindi na puwede, babe. Ni-lock ko na ang pinto, e!” saad niya at inilapag ako sa malambot niyang kama at mabilis na inangkin ulit ang mga labi ko. Wala na nga akong nagawa kun’di ang muling magpaubaya sa kaniya. Jusko! Ganito pala siya kapag nakikipagtalik? Sunod-sunod at wala manlang breaktime?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD