It's been a month mula ng bumalik sa Pilipinas ang mag asawang Calvin at Stacey.
Matalino at magaling na negosyante itong si Calvin kaya naman kahit nakaratay ang ama sa ospital ay hindi ito naging hadlang. Nagawa niyang mapagtagumpayan lahat ng mga negosyong naiwan nito. Nahikayat niya ang maraming negosyante na mag-invest sa kanilang kompanya.
"Can I not go with you tonight?" nag-aalangang tanong ni Stacey sa asawa.
Abala ito sa pagtsi-check ng mga emails sa kaniyang laptop ngunit, agad napabaling ang tingin kay Stacey.
Isang malaking party ng mga business tycoons ang magaganap ngayong gabi sa isang five star hotel.
"Why? Are you not feeling well?" may pag-aalala sa tono ng boses na tanong nito.
Sunod-sunod ang pag iling niya.
"No, it's just that I'm scared," nag-aalangang sagot niya.
"Scared of what?" balik tanong ni Calvin na nangunot ang noo.
"What if he's there? What if we accidentally bumped on each other in that event?"
He heaved a long sigh.
"I know where you're coming but, don't you think it's about time? You cannot hide for so long. Napakaliit ng mundo, imposibleng hindi kayo magkita."
Napayuko siya sa tinuran nito.
Tama ang kanyang asawa hindi habang buhay ay makakapagtago siya, isapa ilang okasyon na ba ang tinanggihan niyang samahan ito?
______
Makailang buntong hininga ang ginawa niya, nagbabakasakaling maibsan kahit konti ang tensiyon na nadarama.
Napakaraming malalaking tao ang nagsamasama sa event na iyon.
Sa totoo lang ay wala siyang kahilig-hilig sa pakikipag-sosyalan, nasanay na siyang nasa bahay lang at inaasikaso ang mga pangangailangan ng kaniyang asawa ngunit, hindi maiiwasang kailangan niya paring makisalamuha sa iba at pumasok sa mundo nito.
Abala si Calvin sa pakikipag-usap sa mga taong naroroon gusto man niyang isama at ipakilala si Stacey sa bawat negosyanteng nakakasalamuha niya ay hinayaan na lang niya itong manatili sa table na naka-assign para sa kanila at makapagpahinga dahil alam naman niyang kanina pa ito napapagod hindi lang ito makapagreklamo. Napaka supportive nito at lahat ay gagawin para makatulong sa kaniyang career.
_
"I'll just go to the powder room, honey," pabulong na paalam ni Arriane sa nobyo kararating lang nila sa event naisipan niya munang mag-retouch bago makihalubilo sa mga kilalang negosyante na naroroon nanggaling pa kasi sila sa ancestral house ng mga Saavedra dahil birthday ng kapatid ni Fritz na si Vhia.
"Excuse me, miss! You left your lipstick!" maagap na tawag niya sa babaeng papalabas na sana ng powder room. Wala namang ibang tao roon kung hindi sila lang namang dalawa kaya nakasisigurado siyang sa kaniya iyon.
"Oh, thank you!" Pumihit ito paharap kay Arriane.
Medyo natigilan naman siya nang makita ang kabuuan ng kausap. She looks so familiar pero hindi naman niya maalala kung saan niya ito nakita.
"We have the same brand." Nakangiting inabot niya rito ang mamahaling lipstick nito.
"Oh, that's great!" tuwang sagot nito habang kinukuha ang lipstick sa kaniya.
"Yeah, and I like your shades," segunda pa niya.
Matamis na ngiti ang isinukli nito sa kaniya.
"I'm here with my boyfriend, hope to see you again outside." sabi niya rito matapos i-abot ang lipstick.
"Yeah sure, join us later then, I'm with my husband," masayang tugon naman nito.
__
"Where have you been?" bungad tanong ni Calvin sa asawa nang makaupo na ito sa katabi niyang upuan.
"I just freshen up."
Kinabig siya nito at niyakap.
"Oh, I thought you got bored and went home." Malambing na pagkakasabi nito na ikinatuwa naman ni Stacey.
Calvin always looks strong and dignified, but when it comes on her, he can be as soft as a teddy bear.
He hugs him back and kisses the tip of his nose.
"Tsk! Do you think I can do it to you,
Mr. Adecer?" Maya'y tumaas ang kilay na tanong niya.
"Ha!ha!ha! Of course not," tuwang sagot nito.
" I got panicked when I did not see you here. You make me so worried."
"Hmm... I'm sorry then."
Bahagya niyang pinisil ang kaliwang pisngi ni Stacey na ikinasimangot naman nito nang todo.
"Hey, pati ba naman dito dinala mo yang mannerism mo na 'yan?" Panay ang irap niya sa asawa na lalo namang ikinatuwa nito.
Hindi mapigilang mapahalakhak ng todo ni Calvin sa sinabi ng asawa.
__
Nangunot ang noo ni Fritz, he heard someone's laughing and sounds so happy but, he doesn't know why it irritates him.
His eyes roam around the area trying to find who's the owner of that disturbing sound, para lang ma-sorpresa kung sino ang nabungaran ng kaniyang mga mata Two tables away from them, he saw the famous businessman Calvin Adecer hugging someone while laughing out loud. Biglang bumilis ang pintig ng puso niya. Kahit nakapuwesto patalikod sa kaniya ang babaeng kayakap nito ay hindi siya maaaring magkamali he knows exactly who she is even the strand of her hair. She's no other than Stacey Del Castillo, the woman who broke his heart into pieces.
They're both looking happy while caressing each other at sa eksenang iyon may isang bahagi ng puso niya ang para na lang kinukurot sa sakit.
"Tsh! Napakabilis niyang makalimot! How could she be so happy while there is someone hurting?" bulong niya sa sarili.
"We better get going!" Nilagok niya pa muna ang lamang alak ng hawak niyang baso at agad tumayo.
"Hey, aalis agad? Eh, kadarating lang natin." Nagtatakang napasunod namang si Arriane sa kaniyang nobyo. Kababalik niya lang mula sa powder room, ni hindi pa nga siya nakakaupo.
"I have important things to do."
"Much more important than this big event?"
Napahinto siya sa paglalakad, waring natauhan sa kaniyang inasal. Ginawa niyang lumakad ng sobrang bilis at hindi niya naisip ang sitwasyon ng nobya na halos matapilok na sa taas ng takong makahabol lang sa kaniya.
"I'm so sorry, babe!" paumanhin niya rito sabay hawak sa kamay nito.
"I don't know what's happening but, whatever your reason is. I'm thankful for changing your mind."
Napamaang siya sa tinuran nito.
Nagtatanong ang mga matang tumingin siya rito.
"Honestly speaking, I'm tired and all I want is to go home but I can't complain coz I don't want you to get disappointed."
Napailing siya sabay kabig dito.
"Let's go home then."
Magkahawak kamay silang lumabas ng hotel at nagtungo sa parking kung saan naroroon ang kanilang sasakyan.
___
"Oh, that's good to hear! I can't wait to see you." Kitang-kita ang excitement sa mukha ni Calvin habang may kausap sa kaniyang cellphone.
Matamang nakamasid lang dito si Stacey.
"He's coming back!" Excited na balita nito sa kaniya ng matapos patayin ang kaniyang cellphone, tapos na itong makipag-usap sa kabilang linya.
Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maging reaksyon sa ibinalita nito but, one thing she is sure of...
Things will never be the same.