prologue

995 Words
Kahit tahimik at patuloy na umuusad ang barko ay kinuha ni Harris ang pagkakataon na ito upang mahuli niya ang target. Lagi niyang isinasaisip kung sino ang tao na kaniyang huhulihin. Hindi niya maipagkaila na galit at poot ang nangingibabaw sa kaniyang sistema. Kinuyom niya ang kamao. Hinahanda niya ang kaniyang sarili sa oras na makakaharap niya ang tao na kaniyang hinahanap. Hinding hindi niya papalagpasin ang pagkakataon na ito. Hindi lang dahil sa trabaho kaya tinanggap niya ang assignment na ito. May dahilan pa. Maybe we can say, it's a personal matter. Dahil malalim na ang gabi, paniguradong karamihan sa mga pasahero ng barko ay tulog na, o hindi kaya mahimibing na ang mga ito na natutulog. Tumalim ang tingin ni Harris sa pinto na nasa kaniyang harap ng cabin kung saan napag-alaman niya kung nasaan ang lalaking hinahanap niya—ang lalaking may utang sa kaniya. Dumapo ang isang palad niya sa doorknob at pinihit niya iyon ng kaunti. Naniningkit ang mga mata niya dahil sa pagtataka, nakabukas ito. Iisa lang ang ibig sabihin nito—natunugan siya ng kalaban. Pero hindi iyon ang pumigil sa kaniya para magkorner niya ang kaniyang target. Binitawan niya ang doorknob at humakbang paatras. Dinukot niya mula sa likod ang tinatago niyang baril. Kinasa niya iyon bago niyang tinadyakan nang malakas ang pinto. Nagbukas ito sabay tuktok niya ng baril sa paligid. Dinoble niya ang pagiging alerto dahil paniguradong binabantayan din siya ng mismong target niya, lalo na't madilim pa naman ang cabin. Humakbang siya papasok sa loob nang maingat. He gritted his teeth. He started to pull the trigger. Ngunit biglang may sumipa sa kaniyang tyan. Napaatras siya at dumaing ng kaunti. Natagpuan niya ang kaniyang sarili na nakasandal na sa pader ng silid. Nanlalaki ang mga mata niya nang susugurin sana siya ng target niya. Mabuti nalang ay nagawa niyang umilag. Gumulong siya sa sahig. Itututok pa sana niya ang hawak niyang baril sa kalaban ngunit huli na siya, nasipa ng lalaki ang kaniyang kamay. Tumilapon ang baril sa hindi naman kalayuan. Kukuin sana ng kalaban ang baril niya nang kusang gumalaw ang kaniyang katawan. Niyakap niya ang bewang niya hanggang sa bumagsak sila sa sahig. Nagawang suntukin ni Harris ang mukha nito pero mukhang nagpapatinag ang kalaban niya. Nanlaban ito. Napahiga s Harris sa sahig. Kahit na putok na ang labi niya, hindi niya ininda. Sinikap niyang tumayo at muli niyang sinugod ang lalaki. Hinawakan niya ang kwelyo ng damit nito. Hanggang sa sinakal niya ito sa pamamagitan ng mga braso niya. "Tang ina!" matigas na sambit ng lalaking hawak niya. "Bitawan mo ako, putang ina ka." "Sino ang mastermind ninyo, ha?! Sumagot ka!" nangaggalaiting tanong niya. "Hinding hindi ko sasabihin sa iyo!" "Kung ako sa iyo, sabihin mo nalang kung gusto mo pang mabuhay!" mas hinigpitan pa niya ang pagkasakal niya sa lalaki. "Dahil may kakalagyan kang gago ka!" Tumawa ito na ipinagtataka niya. "Bakit hindi mo nalang tanggapin ang katotohanan na pinagtaksilan ka niya?" "Dahil hindi ganoon ang pagkakilala ko sa kaniya!" hindi na niya makontrol ang galit. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakasakal niya sa lalaki hanggang sa napagtanto niya na wala na itong buhay. Dahan-dahan niyang binitawan ito. Nagtaas-baba ang kaniyang dibdib. Dinampot niya ang kaniyang baril at ibinalik niya ito sa kaniyang likod. Pawis man pero hindi ibig sabihin ay pagod na siya. Hinding hindi siya susuko hangga't hindi niya matagpuan ang mastermind. Ang hinayupak na lalaking iyon. Bago man siya mabawian ng buhay, makaganti man siya kahit ang kapalit pa ay ang posisyon na meron siya sa militar. Gagamitin niya ang posisyon at trabaho niya para mahanap ang salarin. Nagpasya siyang lumabas ng cabin. Nagpasya siya pumunta muna sa forecastle ng barko para magpahangin. He need to be collective after his wrath. Inilabas niya ang kaniyang vape at humithit siya mula doon. Tumingala siya't binuga niya ang makapal na usok. Sa pamamagitan nito, magiging kalmado na siya. Tatawagan niya ang kapitan ng barko na ito upang ibigay paalam niya na may criminal record ang lalaking nakasagupa niya kanina. "Ugh!" daing niya nang may naramdaman niya na may tumama sa kaniyang likod. Nanlalaki ang kaniyang mga mata, sinikap niyang lumingon para makumpirma niya ang lahat. Umaawang ang bibig niya nang tumambad sa kaniya ang kapitan ng barko na humihithit ito ng tabacco. Ang mas hindi niya inaasahan ay may apat na lalaki na nasa likuran nito. 'What the f**k?!' sa isip niya. "Welcome to death, Mister... I mean... Major Harris Hochengco..." nakangising sambit ng kapitan sa kaniya pagkabuga nito ng usok mula sa hawak nitong tabacco na siya naman nabitawan niya ang vape. Bumaba ang tingin ni Harris sa sahig. Kita niya na tumutulo ang dugo doon. Paniguradong binaril siya. Bago man siya makakilos ay naunahan na siya ng mga tauhan nito. Tagumpay ang mga ito na hawakan siya. Marahas siyang isinandal sa raiilings ng forecastle. "Mas mabuting itikom mo nalang ang bibig mo.... Ayokong maistorbo mo ang negosyo ko...." bumaling siya sa mga tauhan nito. "Alam ninyo na ang gagawin." bilin nito bago man ito tumalikod at bumalik na sa loob. "Putang in—" hindi naituloy ang sasabihin niya nang bigla siyang sinikmurahan ng mga ito. Sunod-sunod ang ubo niya.  Ang mas hindi niya inaasahan ay binuhat siya ng mga ito at hinagis sa dagat. Pakiramdam ay unti-unti hinuhugot ang lakas niya. Hindi niya magawang humabol sa barko dahil sa natamo niyang sugat. Nanlalabo na din ang mga mata niya. Marahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. Sumagi sa isipan niya ang pamilya na kaniyang nakagisnan. Alam niyang tutol ang mga ito, kahit ang foster brother niyang si Vladimir na maging sundalo siya. Pero anong magagawa niya?  Ito talaga ang gusto niya kahit noon pa man. Hindi lang ang paglingkod sa bayan ang gusto niyang gawin, gusto niya rin tuparin ang pangako na binitawan niya sa babaeng napakahalaga sa kaniya... "I'm sorry, dad... Mom... Vlad..." mahina niyang sambit habang patuloy pa rin siyang inaanod ng malaking karagatan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD