Someone told me that it was okay to love people beyond just you. That you could care about other person, love them even and not have to be with them forever.
Tumigil ang mga paa ko sa tapat ng isang malaking puno. Nasa tuktok ako ng isang burol dito sa isla. Lumapit ako at ngumiti. Muli ako humakbang para mas makalapit pa ako sa naturang puno. Kung magtataka kayo kung bakit may nakatayong altar sa paanan ng puno ay dahil dito kami nagdadasal. Nagdadasal kami sa mga higante ng isla na ito. Kung nagtataka kayo kung bakit, maraming tagarito na noong panahon ng pananakop ng mga Espansyol, may natagpuan silang mga malalaking buto ng tao na ang konklusyon nila ay galing ito sa mga higante. Kaya tinatawag na Isla de Gigantes ang lugar na ito.
Ipinatong ko ang isang tinapay at mga napitas kong mga bulaklak sa altar. Nagdasal ako saglit. Nagpapasalamat ako sa mga higante na nagbibigay kasaganahan sa aming lugar. Marahan kong idinilat ang aking mga mata. Tumingin ako sa kawalan sabay hawi sa aking buhok na kanina pang sumasayaw sa hangin. Kumunot ang noo ko dahil makulimlim ngayon. Kumsabagay ay panahon ngayon ng tag-ulan at may pasok na ang mga estudyante, ngunit, tumatanggap pa rin kami ng mga turista sa lugar namin. Lalo na't may mga foreigner na nagpapakilala na mga vlogger o blogger daw sila. Sa tingin ko naman ay nakakatulong din naman upang makilala pa ang aming lugar.
Noong bata palang ako ay napadpad na ako sa lugar na ito. Hindi ko maipagkaila na ito ang pinakapaborito kung tambayan, hindi dahil sa tumatakas ako sa mga gawain o tumulong sa negosyo nina inay at itay. Naririto ako dahil tahimik at kampante ang kalooban ko dito.
I am an adopted child. Ang tanging kwento lang sa akin noong bata pa lamang ako ay tinulungan ako ng nakagisnan kong mga magulang na naiwan ako sa isang bangka at mahimbing na natutulog. Iyon daw ang araw na napadpad ako sa isla na ito. Tatlong taong gulang palang ako ng mga panahon na iyon. Ni hindi ko maalala ang aking mga tunay kong magulang. Ni bakas nila ay wala ako o bagay na magiging susi sa aking pagkatao.
Naisip kong bumaba na mula sa burol at pupunta naman ako sa baybay para tumulong na kina inay at itay. Tutulong ako sa pag-aayos sa beach resort na pinapatakbo ng amo namin. Lalo na't bumagyo kagabi. Sina inay at itay ay mga tauhan ng mga Wu pagdating sa pamamalakad ng resort. Ngunit tumigil ako sa paglalakad nang may natanaw akong hugis ng isang tao sa pinakadulo ng sandbar. Kumunot ang noo ko, iniisip na baka nagmalik-mata lang ako o ano.
Subalit, kusang gumalaw ang mga paa ko para mas ko pa malapitan ang tao na natatanaw ko. Hanggang nasa harap ko na ito. Totoo nga ang nakikita ko! Nakahandusay ito sa buhanginan at walang malay. Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha. Napasinghap ako nang makita ko ang kaniyang puting polo na may bakas ng pulang tinta. Mas lalo ako lumapit. Doon ko napagtanto na dugo at may tama siya ng baril. Agad ko lumuhod sa buhanginan. Ginalaw ko ang katawan para mas lalo ko makita at makumpirma kung may buhay pa ang lalaki. Kita ko na namumutla siya. Idinikit ko ang aking mga daliri sa kaniyang leeg para malaman kung may pulso pa ba siya. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata nararamdaman ko pa ang pulso niya sa leeg. Hindi pa ako kuntento, idinikit ko ang aking tainga sa kaniyang dibdib. Pinapakinggan ko kung may heartbeat pa ba siya.
Muli akong napasinghap. Inihiga ko ang kaniyang ulo sa aking kandungan. Mahina kong tinapik ang kaniyang mukha, nagbabakasakali na may malay siya.
I gently shake his shoulders and ask loudly, "Okay ka lang ba?" pero wala pa rin. Wala akong makuhang sagot mula sa kaniya. Hindi pa rin siya gumagalaw. Iginala ko ang aking mga mata sa paligid. Wala akong makita na kakilala man lang, nasa dulong bahagi pa naman kami!
Wala na akong choice. Maingat kong inihiga ang lalaki sa buhanginan. I will do CPR as a first aid.
I place the heel of one of my hand in the center of his chest and I place my other hand on top of first with interlock my fingers. With straight arms, I used the heel of my hand to push his breastbone down firmly and smoothly, so that his chest is pressed down. I did it thirty times. Binilisan ko pa ang kilos ko. I open the airway by tilting the head back and lifting his chin up. I pinch the soft part of his nose. I took a normal breath, make a seal around his mouth and breathe steadily. Until I give him a rescue breath.
Ginawa ko iyon nang paulit-ulit.
Hanggang sa bigla siyang umubo. Napasinghap ako. May mga lumabas na tubig mula sa kaniyang bibig. Napalunok ako nang makita ko ang namumungay niyang mga mata. Bumaling siya sa akin sa pamamagitan ng mag tingin niyang iyon.
"S-sir..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita.
"A mermaid..." he said breathlessly.
Kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin doon? Pero panatag ako ng kaunti dahil may malay na siya kahit papaano. "Tatawag ako ng tulong. Hold still and please, stay with me!" malakas kong sambit.
___
"Maraming salamat po, doctor Marguerite." malumanay kong pasasalamat ko sa kaniya. Siya kasi ang nag-iisang doktor dito sa isla. Bukod pa doon, asawa siya ng amo namin na si Mr. Farris Wu. Narito kami ngayon sa resort nila kahit na clinic siya na malapit dito.
Bumaling siya sa amin na may ngiti sa kaniyang mga labi. "Mabuti nalang ay agad mo siyang nakita at naidala dito. Lalo na't may tama siya ng baril sa kaniyang likuran." sumeryoso ang kaniyang mukha. Tiningnan niya ang lalaking nasagip namin. "Pamilyar sa akin ang lalaking ito... Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Hindi na bale nalang, sa oras na nagkamalay siya, tawagan mo ako agad. Nasa kabilang isla lang ako at titingin ako ng iba pang pasyente."
Tumango ako. "Opo, doktora. Maraming salamat po ulit."
Nagmartsa siya palabas ng kubo na nasasakupan pa rin ng resort na pagmamay-ari nila. Nang maisara ko na ang pinto ay nagpasya akong bantayan muna ang lalaking nakita ko sa dalampasigan kanina. Nasabi din sa akin ni doktor Marguerite na ligtas na ito. Ang tanging hihintayin nalang namin ay magising siya. Malaking pasasalamat nalang din namin dahil hindi daw natamaan ng bala ang spinal cord niya dahil sa oras na matamaan iyon, mawawalan ng pag-asa ang lalaki na makalakad.
Pero hindi ko maiwasan na titigan ang lalaking mahimbing na natutulog. I was pretty certain he was Hispanic. Dark hair, dark skin, pointed features, also, he has a pair of dark eyes na nakita ko kanina habang narerescue ko siya. Regardless, this man had a stunningly handsome face. Beautiful, almost androgynous. A face that made a person what to take pictures and hang them on the wall, kahit tulog.
Napapaisip ako kung tagasaan ang isang ito? Kapansin-pansin kasi na hindi siya taga-dito sa Iloilo. He was more like a tourist.
Huminga ako ng malalim. Sumagi sa isipan ko na magluluto nalang ng hapunan para sa oras na makauwi na sina inay at itay dito sa kubo, makakakain na sila. Ipapaliwanag ko nalang din sa kanila kung bakit hindi ako nakabalik sa resort kanina na kung tutuusin ay mag-aalay lang ako ng pagkain at bulaklak sa mga higante ng isla.
Malaking pasasalamat ko din dahil hindi nagalit sina inay at itay nang makita nila ang lalaki na nailigtas ko kanina. Naiitindihan naman daw nila. Ang buong akala nga nila ay napahamak na daw ako dahil may naiuwi akong sugatan. Nagkukwentuhan kami habang kumakain ng hapunan. Nagluto kasi ako ng tinolang manok. Native chicken ang ginamit ko dahil sa kabilang isla pa kami makakabili ng forty five days. Napapaligiran din ng mga puno at halaman ang kubo kaya hindi rin naman kami mahihirapan na maghanap ng sangkap.
Kahit sina inay at itay ay nagtataka kung bakit may tama ng baril ang lalaki. Pero sa huli ay sumuko na kami. Ayaw naming isipin na masamang tao ang lalaking nailigtas ko kanina. At saka, sa hitsura naman nito ay mukha naman siyang mabait at hindi nananakit ng kapwa.
"Brooklyn, matulog ka na." malumanay na sambit ni inay nang papasok na sila sa kuwarto ni itay.
Ngumiti ako at tumango. "Opo, matutulog din po ako."
"Siya nga pala, kahit huwag ka munang sumama sa amin sa resort, bantayan mo muna iyan hanggang sa magkamalay para naman malaman niya kung nasaan siya ngayon kapag nagtanong." bilin pa niya.
"Opo, inay."
Pinapanood ko siya kung papaano siya pumasok sa loob ng kuwarto. Bago man ako pumasok sa silid ko ay nagpahabol pa ako ng sulyap sa lalaki ng ilang segundo. Binawi ko din ang aking tingin at pumasok na sa loob.
___
Abala ako sa pagwawalis ng bakuran. Tulad ng sabi ni inay ay pupuwede muna akong hindi muna pumasok ngayon. At saka, alam din naman ni doktora Marguerite tungkol sa nangyari kaya maiitindihan naman siguro ng asawa niya. Mahigit bente quatro oras na siyang tulog. Hindi ko malaman naka coma ba siya o ano. Pero nanatili pa rin akong nagtityagang naghihintay sa kaniyang pagkagising. Itinapon ko ang basura na nawalisan ko sa apoy. Puros mg tuyong dahon lang naman ang mga ito.
Pabalik na sana ako ng kubo nang napasapo ako sa aking dibdib at napasinghap nang mahagip ng aking mga mata ang bulto ng isang lalaki na nasa nakatayo sa aking harap. May pagitan man aming dalawa ngunit, sapat na iyon upang masilayan ko siya.
Pinapanood ko lang siya habang iginagala niya ang kaniyang paningin sa paligid. Tila naninibago siya sa kaniyang nakikita. Ngumiti akong lumapit sa kaniya na dahilan para makuha ko ang kaniyang atensyon. "Hello," bait ko.
"Anong lugar ito?" tanong niya sa pamamagitan ng baritono niyang boses.
"Uhm, nasa Isla de Gigantes ka." sagot ko. Kung kanina ay matamis akong ngumingiti, ngayon ay napangiwi na dahil napagtanto ko na benda lang ang kaniyang pang-itaas. "Ang mabuti pa, sa loob muna tayo dahil sariwa pa ang mga sugat mo..."
"I need to get outta here." aniya.
Umaawang ang bibig ko. Base sa obserbasyon ko, he sounds like bossy, hm? "Mamaya na natin pag-usapan iyan. May sugat ka..."
"It's nothing. I need to go—"
Nagpakawala ako ng malalim ba buntong-hininga. Relax lang, Brooklyn... Hindi mo rin inaasahan na makulit ang isang ito. "Ang sabi ng doktor, hindi ka muna pupwedeng..."
"I have a duty."
Nagpameywang ako. Tumaas ang isang kilay ko dahil sa iritasyon. "So aalis ka nang wala man lang pasasalamat, ganoon ba?" matigas kong sambit.
Natigilan siya. Tumitig siya sa akin.
"Halos mag-agaw buhay ka nang matagpuan kita sa dalampasigan tapos ganito lang ipapakita mo, ha?" kahit sa boses ko ay bakas ang inis.
"You saved me?"
Tumango ako. "Oo, may angal ka?"
Kita ko ang paglunok niya. Dumapo ang tingin niya sa lupa. "S-sorry... I was in the middle of my duty.... And I'm so sorry, I can't tell because it's confidential..."
"Wala akong pakialam kung nasa kalagitnaan ka ng duty mo o ano. Hay, ambot sa imu! Makadto ka na nga lang sa sulod!"
Kumunot ang noo niya. "S-sorry?"
I rolled my eyes. "Ang sabi ko, pumasok ka muna sa loob at mag-usap nang masinsinan. Teka nga, ano bang pangalan mo, ha?" humalukipkip ako. "At taga-saan ka ba?"
"Harris Hochengco. I lived in Cavite..." huminga siya ng malalim at muli niya akong tiningnan. "How about you? What's the name of my savior?"
"Brooklyn. Brooklyn Barquio."
He grinned. "It's nice to meet you, my mermaid."