“HAZE, sandali lang.” Hinawakan ni Jade ang braso ni Haze upang patigilin ito sa paglalakad.
Mabilis namang inagaw ni Haze ang braso na hawak ni Jade. “Anong kailangan mo?” tanong niya sa kalmadong boses.
Ngumiti si Jade. “Kayo na ba ni Nicolo?” tanong nitos.
Napabuntong hininga si Haze saka napailing na lamang. Hindi niya sinagot ang tanong ni Jade at tinalikuran na lamang ito. Ngunit humarang si Jade sa daraanan niya.
“Haze, sandali lang.”
“Don’t touch me.” Saad ni Haze saka umatras palayo kay Jade. “I’m not comfortable.”
Jade sighed. “Must you be like this towards me, Haze? You didn’t treat the Assistant CFO like how you treat me.” Sabi niya.
Because you two were different. Haze thought. “Jade, we have nothing to do with each other. Kaya naman inaasahan ko na huwag kang makialam sa buhay ko.” Walang emosyong sabi ni Haze. “Kung anuman ang mayroon sa amin ni Nicolo, wala ka na doon.”
Isang pilit na ngiti ang ipinakita ni Jade. “Judging from what you said, you two are already dating…”
Ngumiti ng peke si Haze. “What between me and Nicolo has nothing to do with you.” Aniya.
“Haze, I like you first. I met you first. You only knew Nicolo for one month.” Sabi ni Jade.
Hindi na sumagot si Haze saka tinalikuran na lamang si Jade. Automatikong gumuhit ang ngiti sa labi niya nang makita si Nicolo sa labas ng gusali. Nakatayo ito sa gilid ng kotse at may kausap sa cellphone. Nakapamulsa si Nicolo habang may katawag. He looks cool in his posture. Nang makita siya nito, kumaway ito sa kaniya. Haze waved back and walked towards Nicolo.
Kumuyom naman ang kamay ni Jade nang makaalis si Haze. Because of Nicolo, nawalan siya ng pag-asa kay Haze. Mabilis niyang sinundan si Haze sa labas ng gusali pero nakita niya ito kasama si Nicolo.
“I told you, wala ka ng pag-asa kay Haze,” sabi ni Kylie nang makalapit siya kay Jade. Naghalumikipkip siya sabay tingin kay Haze at sa foreigner na kasama nito.
“Shut up.” Medyo galit na sabi ni Jade habang matalim ang tingin kay Nicolo. Hindi siya papayag na maagaw ng iba si Haze. Sa kaniya lang si Haze. Hindi niya matanggap kung mapunta ito sa iba. Hinding-hindi ‘yon mangyayari.
Jade came up an idea on how to deal with Nicolo. Kailangan itong mawala sa landas niya. May tinawagan siyang numero at agad namang sumagot ang kabilang linya.
“May ipapagawa ako sa inyo,” sabi ni Jade.
“Basta maayos ang bayad, pare.”
Ngumisi si Jade. “Magbabayad ako basta gawin niyo ng maayos ang trabaho niyo.”
“Oo naman. Sabihin mo lang kung ano ang dapat naming gawin.” Saad ng nasa kabilang linya.
Ngumisi si Jade at inutos ang gusto niyang mangyari.
“Tignan natin kung magtatagal ka pa,” sabi ni Jade matapos niyang patayin ang tawag.
NICOLO let out a sigh when he saw that he was out of liquor. Tinignan niya ang oras sa suot na relong pambisig. Hindi pa naman malalim ang gabi kaya naisipan niyang lumabas para bumili. Nagsuot siya ng jacket, kinuha ang cellphone at pitaka saka siya lumabas.
Pumunta siya sa pinakamalapit na supermarket na malapit lang sa condominium na tinitirhan niya. Nang mabili niya ang sadya niya sa supermarket, bumalik na siya sa condo niya. Pero habang pabalik siya doon, naramdaman niyang may mga sumusunod sa kaniya. Pasimple siyang sumulyap sa kaniyang likuran at nakita niya ang limang lalaki na nakasunod sa kaniya. Alam niyang siya ang sadya ng mga ito dahil nakita niya ang mga ito kanina sa labas ng supermarket.
Nicolo purposely walked into the dark alley. Medyo napalayo na siya sa condominium niya pero ayos lang. He waited for the people who were following him.
“Nasaan na siya?”
“Boss, dito siya pumunta, eh.”
“Ay, bwiset! Ang dilim.”
Nicolo could only grinned. Sa loob ng isang buwan marami na siyang natutunang lenguwaheng Filipino. But still, he couldn’t speak Filipino language. Minsan kasi na nagsalita siya ng tagalog, may accent pa siya kaya tinawanan siya ni Haze kaya naman hindi na niya inulit pa.
Ibinaba ni Nicolo ang hawak na cellophane saka namulsa. “Am I the one you’re looking for?” he asked as he showed himself.
Nagulat pa ang limang lalaki dahil sa biglang pagpapakita ni Nicolo sa mga ito. Nakita ni Nicolo na may hawak ang mga itong baseball bat. He’s not a fool not to know what those people want from him.
Nanatiling kalmado si Nicolo habang nakapamulsa. “I’m warning you, just turn around and leave if you want your body intact after you leave this place.”
“Boss, anong sinasabi niya?” tanong ng isa sa mga ito.
“Mga bobo kayo!” Binatukan ng lider ang alipores nito. “Mag-aral nga kayo ng English! Pero mag-isa lang siya. Lumpuhin niyo na!”
Sumunod ang mga alipores saka inatake si Nicolo.
Nanatili naman si Nicolo sa kinatatayuan at hinintay ang mga ito. His hands were still on his pockets while he fought the five men. Sinipa niya ang mga ito sa tagiliran, sa dibdib at sa ulo habang iniilagan niya ang paghampas ng mga ito ng baseball bat sa kaniya. Inagaw niya ang isang baseball bat mula sa isang kalaban niya saka ito ang ginamit niya upang hampasin ang mga kalaban niya.
Binitawan ni Nicolo ang hawak na baseball bat nang nakahandusay na sa semento ang mga kalaban niya at hindi na makatayo dahil sa sakit. At mukhang nabali niya yata ang buto ng mga ito.
Pinulot ni Nicolo ang cellophane na naglalaman ng binili niya na ibinaba niya kanina. Hinarap niya ang mga kalaban niya na namimilipit sa sakit. Ngumisi siya. “I don’t care who sent you but do tell him that if he sent someone to kill me, make sure that those people he will sent are not weak like you.”
Napailing si Nicolo saka naglakad paalis. Bumalik siya sa kaniyang condo.
KINABUKASAN. Hindi inaasahan ni Nicolo ang taong napagbuksan niya ng pinto. Akala niya namamalik-mata lang siya. “Alonzo?”
Alonzo bowed his head. “Young Master.”
Nicolo was surprised. “What are you doing here?” he asked as he opened the door to let Alonzo in.
“I’m here per the Master’s order, Young Master. I’m here to protect you,” said Alonzo.
Hindi na tinanong ni Nicolo kung paano nalaman ni Alonzo kung saan siya nakatira. Sigurado siyang nagtanong ang kaniyang ama sa asawa ng pinsan niya.
“Are you alone?” Nicolo asked as he walked towards the kitchen and Alonzo followed him.
Nang hindi sumagot si Alonzo, tinignan niya ito. Umiling si Alonzo.
Sa pag-iling ni Alonzo, napabuntong hininga na lamang si Nicolo. “How many of you?” he asked.
“Ahmm…Young Master, even if you want to send us back. We can’t because it was the Master’s order,” said Alonzo.
Nicolo looked at Alonzo lazily. “How many?” he asked.
“A hundred and fifty, Young Master.”
Nahilot ni Nicolo ang sentido. “Where are they?”
“Our subordinates were just around, Young Master. We will protect you secretly and we won’t interfere in your business. Of course, we will also heed your order, except if you send us back to Italy. The Master won’t accept us.” Pagtukoy ni Alonzo sa Boss ng Parisi Family.
Pakiramdam ni Nicolo, sasakit ang ulo niya. Kaya naman tinawagan niya ang kaniyang ama. “Stay here,” sabi niya kay Alonzo saka siya nagtungo sa kaniyang kwarto.
“Hey, son. Long time no hear,” masayang pagbati ng ama ni Nicolo.
“Dad,” Nicoli’s voice was questioning. “Summon them back to Italy.”
Naging seryoso ang boses ng ama ni Nicolo. “I’m sorry, son. I won’t do that.”
Nicolo sighed. “Dad—”
“Don’t worry, Son. I told Alonzo to protect you only. They won’t interfere in your business,” said Nicolo’s father. Then he cleared his throat. “Take care, son.” And the call ended.
Malalim na napabuntong hininga si Nicolo saka pumasok sa banyo para maligo. After bathing and wearing his office attire, he went out of his room.
“I’m going to work. Stay here if you want.” Nicolo said to Alonzo.
“Young Master, I’m also going to work.”
Kumunot ang nuo ni Nicolo. “Don’t tell me…”
Alonzo smiled innocently. “You guessed it, right, Young Master. Some of us had entered the Romero’s Company.”
Hindi na umimik si Nicolo saka hinayaan na lamang si Alonzo. Napaisip siya. His father won’t send Alonzo to protect him for nothing. Sigurado siyang may nangyayari ngayon sa Italy.
“Alonzo, what is happening in Italy?” Seryoso niyang tanong.
Umiling si Alonzo. “It was peaceful, Young Master.”
“Don’t lie.”
“I’m not lying, Young Master.”
Tinignan ni Nicolo si Alonzo gamit ang malamig niyang tingin pero sinalubong ni Alonzo ang tingin. Indikasyon na hindi talaga ito nagsisinungaling.
“It must be the oldies again,” he mumbled.
Sending Alonzo to protect him. There must be something happening that his father didn’t want him to know. And if he went back to Italy, Alonzo wouldn’t let him. His father thought of everything so he took precautions sending Alonzo and his subordinates to the Philippines.
Nicolo throws the key to Alonzo. Agad namang nasalo ni Alonzo ang susi na naibato sa kaniya. “Drive my car.”
“Yes, Young Master.” Alonzo nodded.
Nicolo sent a message to his father. Hoping that his father would tell him what was happening right now.