CHAPTER 17

1804 Words
“LET’S have dinner later,” sabi ni Nicolo nang makasabay niya si Haze sa elevator. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang dalaga. Mukhang galing yata ito sa labas ngunit marami itong hawak na mga papel kaya naman kinuha niya ang ilan. “Let me help you.” “Thanks.” Aniya kapagkuwan umiling si Haze. “I don’t want to.” Tugon niya sa pag-aya sa kaniya ni Nicolo na kumain sa labas. “Why?” tanong ni Nicolo. “I’m disappointed.” Aniya. Natawa lang naman ng mahina si Haze saka napailing. “I don’t want to eat outside. It’s too costly.” “I’ll pay.” Umiling si Haze. “I’ll just cook for dinner. Come to my apartment later.” Aniya saka natigilan at nagtaka sa mismong sarili. She actually invited Nicolo to her house without any second thought. Nagulat si Nicolo. “You will let me in?” he asked, still in disbelief. Tumango na lamang si Haze. Wala na siyang magagawa. Nasabi na niya, eh. “Wala ka namang gagawing masama hindi ba?” Hindi pa masyadong nakakaintindi si Nicolo ng Tagalog kaya naman tinignan niya lamang si Haze. Though Haze was teaching him Tagalog words. Marami pa rin siyang hindi alam. Though he didn’t understand Haze’s words, he saw her expression. “I won’t do anything to you.” Itinaas niya ang kanang kamay na parang nanunumpa. Ngumiti si Haze. Magkasabay silang lumabas ng elevator nang bumukas ito. Hinatid ni Nicolo si Haze sa table nito at ibinigay ang papel na kinuha niya mula rito kanina. Bumalik siya sa table niya at ramdam niya ang tingin sa kaniya ni Jade. Tinignan niya ito at nakita niya ang talim ng tingin nito sa kaniya. Nginisihan lamang ni Nicolo si Jade. He saw Jade fisted. Mahinang tumawag si Nicolo saka nagpatuloy sa trabaho. He thinks he really pissed Jade because he noticed the whole day that Jade was scowling. At ibinubunton nito ang galit nito sa mga ka-trabaho nila. Napailing na lamang si Nicolo. Nang sumapit ang hapon, nakahinga si Haze ng maluwang. “Sa wakas. Makakauwi na rin.” Aniya sa pagod na boses saka sumandal sa kinauupuan. Tinignan niya ang mga kasamahan. Nagsisi-ayos na ang mga ito ng kanilang gamit at katulad niya gusto na rin ng mga itong makauwi. Haze removed her eyeglasses and closed her eyes for a while to rest. Mahapdi na ang mata niya kakatitig niya sa computer. Dahil siguro sa pagod hindi namalayan ni Haze na nakatulog siya. Napabalikwas siya nang makitang madilim na sa labas. “You’re awake.” Mabilis na tinignan ni Haze ang likuran niya. Nakita niya si Nicolo na nakaupo roon at abala sa pagkalikot sa cellphone nito. Then he turns off his phone and put his phone in his coat pocket. Tumayo si Nicolo at lumapit sa kaniya. “Let’s go?” “Let me arrange my…” Napahinto si Haze sa pagsasalita nang makitang maayos na ang lamesa niya. Nasa loob na rin ng laptop bag ang laptop niya at alam niyang si Nicolo ang naglagay. Ngumiti si Nicolo. “I’ve already arranged it for you. You looked tired so I didn’t wake you up.” Tipid na ngumiti si Haze saka tumayo. Tinignan niya ang oras at nakitang alas sais na ng gabi. Tumingin siya kay Nicolo. “Sorry but I don’t have the strength to cook. Let’s just have dinner next time.” “It’s okay. Come on. Let’s eat first before I send you home.” “No need. I’ll eat noodles later.” Sumama ang mukha ni Nicolo. “That’s not healthy.” Hindi napigilan ni Haze ang bahagyang tumawa dahil sa sinabi ni Nicolo. “For someone who doesn’t know how to cook, you know that instant noodles are not healthy.” Hindi pinansin ni Nicolo ang sinabi ni Haze. Then he noticed that Haze was cold. Kaya naman hinubad niya ang suot niyang coat saka ito ibinigay sa dalaga. “Wear it.” Nang hindi kinuha ni Haze ang coat ni Nicolo, napabuntong hininga na lamang siya saka siya na mismo ang nagsuot ng coat kay Haze. Haze was indeed cold. Manipis ang suot niyang white long sleeve polo. Manipis ito kaya nagsusuot pa siya ng sando sa loob. The office uniform for women was a pair of white long sleeve polo and a pencil cut skirt. Kaya naman minsan talagang malamig lalo na at aircon pa ang opisina nila. Kinuha ni Nicolo ang laptog bag at sling bag ni Haze saka ito inilagay sa kanang balikat niya. “Let’s go.” Hinawakan niya ang pulsuhan ni Haze saka ito masuyong hinila paalis sa opisina nila. Napatitig naman si Haze sa kamay ni Nicolo na nakahawak sa pulsuhan niya. Hindi niya alam ngunit hindi niya maramdaman niya gusto niyang hinalain ang kamay niya. Sa hawak kasi ni Nicolo pulsuhan niya, parang ramdam niya na ligtas siya. Nicolo’s grip to her wrist was firm but not hard. “Wait for me. I’ll go and get my car,” said Nicolo when they reached outside the building. Haze nodded. “My bag…” Mahinang napabuntong hininga si Haze nang hindi na siya pinansin ni Nicolo. Hawak pa rin nito ang bag niya papuntang parking lot. Kumain muna sila bago siya hinatid ni Nicolo sa apartment niya. Nagpalit lamang ng damit si Haze saka natulog na. Malalim ang naging pagtulog ni Haze dala na rin siguro ng pagod. Haze and Nicolo’s friendship grew deeper and they became closer together. Lagi na silang magkasama. Laging sinusundo ni Nicolo si Haze sa apartment nito at hinahatid niya rin ito sa hapon. Minsan nakikikain si Nicolo ng agahan sa apartment ni Haze since wala naman talaga siyang alam sa pagluluto. Lagi silang magkasama kaya naman napagkakamalan na silang magkasintahan kahit magkaibigan lang naman talaga sila. “Bakit ganiyan ang tingin mo sa akin?” tanong ni Haze kay Janine nang makita niyang naniningkit ang tingin nito sa kaniya. They were at the café and Janine invited Haze to go out. “Umamin ka nga sa akin. Anong mayroon sa inyo ni Nicolo?” tanong ni Janine na parang nag-i-imbestiga. Kalmadong sumagot si Haze. “Wala.” Uminom siya ng kape. “Wala?!” Medyo lumakas ang boses ni Janine. “Lagi kayong magkasama na parang magkasintahan na kayo. At isa pa, mukhang nakalimutan mo na yata na may kaibigan ka pa.” Haze smiled. “We’re just friends.” “Hindi ako naniniwala.” Sabi ni Janine. Nasa boses nito na hindi talaga ito naniniwala. “Bahala ka. Nagsasabi naman ako ng totoo.” Janine narrowed her eyes at Haze. “Are you sure that you and Nicolo are just friends?” Haze nodded. “Kasi iba ang nakikita ko sa mga kilos ni Nicolo patungo sa ‘yo. He cared for you too much.” “Hindi ba pwedeng concern lang ‘yong tao?” Sabi naman ni Haze. Umiling si Janine. “Ayaw maniwala ng utak ko. Basta naniniwala pa rin ako na may something sa inyong dalawa ni Nicolo. You two are sweet. Mukha talaga kayong magkasintahan.” “Mukha lang naman,” sabi ni Haze saka nagkibit ng balikat. Pero likod ng kaniyang isipan, may napapansin rin siya kay Nicolo. The way he cared for her was really different from being a friend. May point si Janine sa sinabi nito. Pero ayaw naman niyang mag-assume na may ibang ibig sabihin ang mga ginagawa ni Nicolo. Inubos ni Haze ang kape saka napabuntong hininga. “Janine, I have a question for you.” “Ask me.” Haze took a deep breath before she spoke, “you have an ex-boyfriend, right?” she asked. Tumango si Janine. “Yeah. Alam kong wala sa ‘yo. No need to tell me.” Haze rolled her eyes. “I’m not talking about that.” “Then what do you want to tell me?” tanong ni Janine at kumagat sa hawak nitong cupcake. Bumuka ang bibig ni Haze pero walang lumabas na salita. “What?” Janine asked as she was waiting for Haze’s question. Malalim na napabuntong hininga si Haze. “This is the situation—” Napatigil siya sa pagsasalita nang itaas ni Janine ang kamay nito. “Huwag mo na akong paikutin. Alam kong ang sarili mo ang tinutukoy mo. Don’t mention other people,” sabi ni Janine saka tinaasan ng kilay ang kaibigan. Natawa ng mahina si Haze saka tumango. “Alright. I’m not a stupid person so I know what I am feeling right now. Tell me, paano mo masasabi na gusto mo ang isang tao?” Lumaki ang mata ni Janine sa tanong ni Haze. “Seryoso?” Tumango si Haze. “I just want to make sure. I never had a boyfriend before and I always distance myself from men. You know that.” Janine nodded. “Then Nicolo came. He’s gentle and caring. He never did anything that will cross the line,” said Haze. “And I feel comfortable and safe whenever I am with him. Sa kaniya ko lang naramdaman ang matiwasay na pakiramdam. If I am with him, I am not cautious. Yeah, at first, I am very cautious. But when I got to know him, things had changed.” Napatango si Janine. Isang buwan na simula ng dumating si Nicolo sa kumpanya, At sa loob ng isang buwan na lumipas, nakita niya kung paano nagbago ang kaibigan niya. One months ago, Haze was very reserved and distancing herself from other people especially from men, but when Nicolo arrived, Haze changed. Ngumiti si Janine. “What do you think? Why do you feel comfortable and safe with him?” Umiling si Haze. Janine smiled mysteriously. “Though I know the answer, I won’t tell you. It’s better if you will know the answer yourself. Kapag sasabihin ko kasi sa ‘yo baka maguluhan ka lamang. Wala kang mapapala kung ganun.” Nangalumbaba si Haze. “Alam mo ang sagot bakit hindi mo na lang sabihin sa akin?” “Like I have said, it will only make you feel awkward when you’re with him. Just let it be, okay? Hayaan mo na lang ang nararamdaman mo. Isang araw malalaman mo rin ang sagot sa mismong tanong mo.” Sabi ni Janine. Haze pouted. “Mean.” “I am not being mean.” Sabi ni Janine. “I am just being a friend to you.” She snorted, “though you never treat me anymore as your friend.” “You’re my friend.” “You have Nicolo.” “He’s a male friend. You’re my girlfriend.” Sabi naman ni Haze. Napailing na lamang si Janine. While Haze fell into deep thoughts. What should I do? I didn’t fall for him, right?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD