JERICHO POV
Tinanong niya sakin yung problema ko pero di ko siya sinagot ng matino. Natatawa ko sa sarili ko dahil mula nung nakabanggaan ko siya. Di na maalis yung mga mata ko na tignan siya. Di ko naman siya gusto.
Pero kaganda niya ngayong gabi. Nakasuot siya ng kulay violet na gown na para bang madaming glitters, nakakulot din siya ng buhok na lalong bumagay sakanya at bakit ba kasi parang ibang tao siya ngayon?Nababaliw na yata ako para obserbahan siya ng ganito. Sa lahat ng makakakuha ng attensiyon ko ngayong gabi. Siya pa talaga.
Di ko talaga maalis yung mga mata ko sakanya. Tinitigan ko siya dahan dahan mula ulo hanggang paa. May kung anong pakiramdam ang naramdaman ko. Napakainit ng paligid siguro dahil marami lang akong nainom.
Pero hindi—hindi ko mapigilan yung nararamdaman ko. Nabigla nalang ako ng gumalaw ng kusa yung katawan ko at hinalikan siya. Hindi naman siya pumalag dahil na din siguro sa alak. Di ko mapigilang halikan siya bumugso nalang bigla 'tong di ko mapigilang nararamdaman. Di pa nakuntento ang katawan ko at pumatong sakanya at inihiga ang kinauupuan niya. Napakainit di ko mapigilan ang sarili kong katawan. Naramdaman ko namang yumakap siya sakin at patuloy lang din sa pag respond sa halik ko.
Napakasarap niyang halikan na parang may kung anong matamis akong nalalasahan. Napakahigpit naman ng yakap niya sakin tuloy lalo kong nararamdaman yung init ng katawan niya. Wala na kong naiisip pang iba. Na tila ba blangko na ang lahat sakin. Basta ang alam ko lang gusto ko 'tong ginagawa naming dalawa. Na gusto ko siyang mapasakin ngayong gabi...
Ilang saglit pa, nagulat ako na wala na kaming damit na suot at tila nageexplore ang mga labi ko sa katawan niya. Kahit ganun pa man. Hindi parin ako tumigil at nag patuloy lang sa ginagawa ko sakanya. Kasarap ng pakiramdam damang dama ko ang bawat pag dikit ng mga katawan namin at para bang mas nadadala pa ko dahil sa pag ungol niya ng mahihina sa tenga ko.
◂ ❚ ⊱ꕥ⊰ ❚ ▸
Tulog pa siya ng magising akong nakayakap sakanya.
Yung nangyari kagabi...Hindi ako makapaniwala. Siya ang first kiss ko at naging FIRST ko sa lahat ng bagay...kahit kailan man di ako nakaramdam ng ganon kagabi lang. Makita siya ngayong nakahubad ay nakakaakit pero hindi nako lasing nakokontrol ko na yung sarili ko. Kaya naman nilagyan ko siya ng saplot. Mabuti nalang at sobrang tinted ng sasakyan ko kung hindi pinagkaguluhan na kami kagabi.
"Aray ang sakit ng ulo ko." Mahina niyang bulong na ikinalakas ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong kinabahan ng marinig ko yung boses niya.
"Mag bihis ka na at mag breakfast tayo. Sa fastfood nalang at nagugutom nako." Ilang kong salita sakanya pero bigla nalang siyang nag hysterical at niyakap ang sarili.
"HOY! IKAW! ANO GINAWA MO SAKIN?!" Sigaw niya sabay takip pa ng damit. Kaya naman napabuga nalang ako ng hangin habang di makapaniwala sa inaasta niya.
"Bakit mo 'yon ginawa?! Plano mo 'yon noh?!" Sigaw niya pa ulit sabay palo ng palo sakin.
"Aray! Aray! Pwede ba tama na di ko naman 'yon ginusto eh! Nadala lang ako! Bakit virgin padin naman ako nun ah!" Sigaw ko habang pilit na pinapatigil siya.
"Eh kahit na! Lalaki ka! Ok lang 'yon sa lalaki pero sakin HINDI! Saka anong nadala ka lang?!" Sigaw niya sabay palo ulit.
"Hoy! Ang sakit na ah!!! Bakit ikaw man nagpadala ah! Di mangyayari 'yon kung pumalag ka! Bakit nagustuhan mo din naman ah!" Pabalik kong sigaw sakanya kaya napatigil siya. Inirapan niya ko at tinignan ulit ng masama.
"Manyak ka manyak!" Inis na sigaw niya habang mabilis na nag bibihis at bumaba ng sasakyan.
"Ano walkout ka? Tignan mo nga yang mukha mo. Kalat kalat yung lipstick kala mo ka narape!" Sigaw ko sa salamin. Nahinto naman ako bigla ng tumingin siya sa bintana. Nakakatakot.
"Bakit inaamin mo na bang nirape mo ko?" Salita nanaman niya.
"Hay talaga naman! Ang nirape nanlaban! Eh ikaw hindi! So hindi 'yon r**e! Bahala ka nga jan basta ako aalis na ko at kakain!" Inis kong sabi. Sabay patakbo ng sasakyan.
Sira ba siya? Bakit ginusto niya din naman ah? Saka sa dami daming babae na baliw na baliw sakin na mas maganda sakanya. Bat pako mang rerape?! Diba?!
Pero napapreno ako ng mapatingin ako sa center mirror umiiyak siya. Hay. Abante na Jericho! Abante na hay atras~~nakakainis kasi...
"Sumakay ka na nga." Asar kong tapat sakanya ng sasakyan. Pero di niya parin ako pinansin. Kaya naman bumaba nako at isinakay siya sa kotse.
"Wag ka ng umiyak, ok? Kung iniisip mo na baka may mabuo jan. Pananagutan ko, ok?" Asar kong tingin sakanya. Bigla nanaman niya kong tinignan ng masama at bumusangot sa harapan ko.
"Hindi mo kasi naiintindihan...wala akong maiipagmalaki sa buhay! Wala din akong pamilya dahil iniwan na nila ako nung bata pa ko at hindi ako mayaman katulad mo. Nagtratrabaho ko araw hanggang gabi may makain lang at matiran. Kaya wala akong mapag mamalaki sa magiging asawa ko! Tanging 'yon lang ang pagiging virgin ang tanging mabibigay ko sa kanya tapos kinuha mo pa?!" Sigaw niya habang nakadukdok umiiyak.
Totoo naman. Nabigla lang din ako at nadala sa nangyari. Hindi ko naman sinasadyang gawin 'yon sakanya. Lalo na't hindi ko naman siya gusto.
"Naiintindihan mo ba yung sinasabi ko?" Balik niya ulit sakin.
Napalalim nalang ako ng hinga habang umaalis ng tingin sakanya."Ano gusto mong gawin ko? Kahit ano pa sabihin mo sakin. Di ko na 'yon mababalik sayo ok?" Nakukunsensiya kong sabi habang di makatingin sakanya na umiiyak pa din.
"Bakit kasi nilapitan mo pa ko?!"
"Dapat kasi di nalang ako sumama."
"Dapat talaga hindi na ko umattend."
"Kung alam ko lang."
Tuloy tuloy niya pang bulong sa passenger seat. Kaya naman napatahimik nalang ako at nag simula ng mag drive.
Ilang sandali pa napansin kong nanahimik na siya. Kaya naman napatingin ako sakanya kung ok naba siya. Pero mali ako, umiiyak padin siya habang nakatulala sa bintana. Naiirita nako sakanya pero inabutan ko parin siya ng panyo at "Hindi ko kailangan niyan." Masungit niya pang sagot sakin.
Nag mamabuti na nga ako tapos hindi niya pa tinanggap!
"Pwede ba tumigil kana?" Nakukunsumi ko ng sabi sakanya.
"Wala kang pakialam. Napakasama mo." Galit niya pang balik sakin.Papatulan ko pa sana ulit kaso baka humaba lang ang usapan.