Chapter 24

2889 Words
Marcet Residence “Are you serious?” gulat na tanong ni Mommy. Ngumiti ako, “Yes, Mommy! We’re living together,” pagbabalita ko. “It’s a one-sided decision of mine, pero napapayag ko naman siya.” Huminga ako at seryosong tumingin, “Parang sasabog ang puso ko kapag hindi ko siya kasama. Alam mo iyong sakit nang iwan niya ako? Iyon palagi ang naalala ko. Then, naulit iyon nang ma-hostage siya.” Hinawakan ko ang kamay niya, “I don’t want to lose her. I really can’t!” Bumuntong hininga si Mommy at hinaplos ang aking mukha. “Wala akong tutol sa desisyon niyong dalawa. I will support and stay behind your back. If you love her? Then, express it to her. Araw-araw mong iparamdam sa kaniya ang pagmamahal mo.” Hinawi ni Mommy ang buhok ko pataas. “You are really in love, don’t you? That is the best feeling we might feel and share towards the other, especially to the one we love.” Tumingin siya sa akin, “Sooner or later baka ibalita mo sa akin kasal na kayo?! Iyan ang ‘wag na ‘wag mong gagawin. We women deserve a decent and formal wedding. Kahit simple basta hindi patago, okay lang.” “Maybe! But I will tell you the good news once it’s decided. But I guess she already said yes.” “Did you propose?” “Somewhat…” Nagkagulatan kami ni Mommy ng marinig ang kambal na nag-uusap sa aming likuran. “Did I hear it right, Erich?” tanong ni Erika. “Maybe…” sagot ni Erich at tinignan ako. “Kuya!” galit niyang tawag at sinakal ako gamit ang kaniyang braso. “Why didn’t you tell us? You know how Ate Nik-Nik is special to us.” Ngumisi ako. “Kuya, mas dapat ipakilala mo siya ng pormal sa amin. Dinner here or somewhere you want. I want to finally welcome her to our family as our future sis-in-law.” Kinuyog ako ng dalawa. “Okay…okay…” talunan kong pagsang-ayon. “Maybe a dinner here is the best,” sagot ko. “Yehey!!!” sagot ng dalawa at nag-apir pa. “By the way, where is Dad?” tanong ko. “Nagpaalam kanina na pupuntahan si Marvin,” sagot ni mommy. “For what reason? May problema ba?” dugtong kong tanong. “I don’t know the details. Pero base sa narinig ko kanina habang kausap siya ng daddy mo, he’s planning to separate with Naomi.” Natahimik kaming tatlo. “Baka naman napag-isip-isip ni Tito Marvin na baka mas mahal niya ang nanay ni Ate Nik?!” komento ni Erich. Napatingin kami sa kaniya ng marinig iyon. “That’s not the reason, Erich.” Kaswal na sagot ni mommy. “Marami pa kayong hindi alam tungkol sa mga nangyayari. But we have no right to interfere. Alam ni Marvin ang ginagawa niya.” “Katulad ng ano?” balik kong tanong. “Kakasabi ko lang, anak! Hindi tayo pwedeng manghimasok sa problema ng pamilya nila.” Tumayo si mommy. “Aalis na muna ako. Meron pa akong schedule sa salon ko ngayon.” Binalingan ni mommy ang kambal, “Want to join?” “Sure, ‘My!” sang-ayon ni Erika. “Treat ni Erich,” dugtong niya. “And why me?” balik na tanong ni Erich. “Kasi last time, ako na ang taya!” tawang sagot ni Erika. “Right, mom?” Tinawanan ni mommy ang kambal. Habang naglalakad paalis ay nagsalita siya. “Bahala kayong dalawa! Ayokong kasama kayo dahil card ko palagi ang ginagamit niyo.” “What?” tanong ni Erika. Inirapan niya si Erich, “Sabi mo ikaw ang nagbayad?” “Oo. Ako ang nagbayad gamit ang card ni Mommy,” sagot naman ni Erich. Marvin Hao & Jerald Marcet Kasalukuyan naglalaro ng golf ang dalawa habang nag-uusap. “Do you really want to do that?” tanong ni Jerald sa kaibigan. “I still thinking about it,” kaswal niyang sagot. “Kapag ginawa mo iyan, alam mong iisipin ni Naomi na si Hilarie ang dahilan?!” Bumebwelo naman si Marvin na sa pag swing ng hawak na wedge. “Alam ko. Pero, hindi ko na kayang makisama pa sa kaniya! Matagal ko ng pinagtitiisan ang ugali niya pero hindi pa rin siya nagbabago!” sagot niya. “I choose my family because that is the right thing to do. Pinilit kong kalimutan ang pagmamahal ko kay Hilarie dahil sa pagkakasala ko. Sa ngayon? Ang mahalaga na lang sa akin ay ang mga anak ko.” Tinapik ni Jerald ang balikat ng kaibigan. “Malaking desisyon ang gagawin mo, Marvin. Pag-isipan mo muna iyan. Ikaw na ang nagsabi na nakapagtiis ka na ng matagal?! Bakit hindi mo pa habaan? Para walang gulo sa pagitan ni Hilarie at Naomi. Maging ang mga anak mo ay maaapektuhan sa desisyon mo.” Tinapon ni Marvin ang hawak na wedge dahil sa sobrang galit sa sarili. “Bakit hindi ka muna mag relax? How about attending a conference abroad? Then, mag-extend ka ng ilang araw para makapag-pahinga ang utak mo at makapag-isip-isip ka ng maayos.” Bumuntong hininga siya, “I’ll think about it.” Tiningnan ang kausap. “Salamat dahil palagi kang nandito para damayan ako. Kahit paulit-ulit lang ang problema ko.” Ngumisi si Jerald, “Alam mo naman higit pa sa kaibigan ang turing ko sa iyo, hindi ba?” “That is why I’m thankful to you!” sinserong sagot ni Marvin. Napatawa ng malakas si Jerald. “Malay natin sa susunod hindi na lang tayo basta magkaibigan!” mahiwagang tugon sa kasama. Hera Nyx Taevas Naglalakad ako sa parking area papuntang elevator nang biglang may humablot sa aking braso. Dahil malakas ang pwersa ay napaharap ako kaagad sa kaniya. “Ano bida-bida?!” Ngumisi siya. “Ang galing mo rin manuhol, no? E, ang cheap-cheap naman ng mga binigay mo!” Dinuro niya ako sa braso, “Anong pinaplano mo? Kuhanin isa-isa ang loob ng mga kapatid ko? Una si Hersey, ngayon naman si Cassie?” Napahalakhak siya. “Bakit?” Muli niyang pinisil ang braso ko. “Anong hidden agenda mo, ha?” madiin niyang tanong sa akin. Nanlilisik ang mata na nakatitig sa akin. Napapikit ako ng madiin at kinakalma ang aking sarili. Nang dumilat ako ay kalmado ko siyang sinagot. “May masama ba sa ginawa ko?” tanong ko. “Kapatid ko si Hersey at Cassie. Hindi naman bida-bida ang ginawa ko kundi pagmamahal para sa kanila dahil kapatid ko rin sila. Hidden agenda? Wala! Gusto ko lang makasundo kayong lahat at kahit minsan makasama. Pero ikaw? Bakit ba galit na galit ka sa akin? Kung kailangan kong yumuko sa iyo ay ginagawa ko. Kahit wala akong ginagawang masama ay mali pa rin sa paningin mo.” Huminga ako, “Alam mo ngayon napag-isip-isip ko na hindi na kita dapat pinag-aaksayahan ng panahon. Kung ayaw mo sa akin ay ayaw ko na rin sa iyo. Gaya ni Hersey at ni Cassie na tumanggap sa akin. Pagmamahal ang igaganti ko at hindi kawalanghiyaan na katulad ng ugali mo!” “Aba’t sumasagot ka pang babae ka!” sigaw niya. Hinablot niya ako sa buhok at sinabunutan. “Wala kang karapatan na pagmataasan ako dahil tae ka lang na tinatapakan ko!” Nanlaban ako at pinilit na makakawala sa kaniya. Nang makahanap ng tyempo ay naitulak ko siya palayo. Dahil sa lakas ng pagkakatulak ay sumalampak siya sa sahig. “Hinding-hindi na ako papayag na api-apihin mo! Sawang-sawa na akong magpasensiya, unawin at pagmalasakitan ka. Hindi na ako nagtataka kung bakit malayo ang loob sa iyo ni Cassie at Hersey dahil sa pagiging matapobre mong tao.” Napangiwi ako, “Kung hindi ka magbabago, siguradong isusuka ka na ng mga sarili mong kapatid.” “May araw ka rin sa akin!” banta niya. Yumuko ako at nginitian siya. “Simula ngayon, hindi mo na ako maaapi. Kahit anong gawin o sabihin mo? Hindi na ako natatakot sa iyo.” Tumawa lang siya ng malakas at sinamaan ako ng tingin. “Tingnan na lang natin! Kung hanggang saan ang tapang mo.” Tumayo siya mula sa pagkakatumba at hinarap ako. “Tsk! Tingnan natin. Why don’t you try me, Aimee?” Nag-isip sandali. “Simulan ko kaya sa nanay mo? Ipagkalat ko kaya kung gaano siya kakati?! I will post her picture at sasabihin ko na homewrecker ang nanay mo. At ikaw? Isa kang putok sa buho!” Ngumiti ako. “Bakit hindi mo subukan? Alam mo Aimee wala ng mawawala sa amin kasi matagal ng ginawa ng nanay mo iyan. Pero kayo? Handa ka ba na harapin ang kahihiyan sa pamilya mo?” tanong ko. “May naisip ako! Samahan kaya kita at ako na mismo ang magsasabi niya sa buong mundo? Tapos magde-demand ako bilang anak sa ama mo? Mas maganda siguro iyon no? Titira ako sa mansiyon kasama kayo?!” “In your dreams, b***h!” “Hahaha! In my dreams? Okay.” Bago pa siya gumawa ng hakbang ay tinakasan ko na siya. Naka flat shoes lang ako kaya mabilis akong nakakilos. ‘Ang sarap sa pakiramdam! Sa unang pagkakataon ay nagawa kong lumaban sa kaniya. Tama si Mama. Tama si Rachel. Dapat matuto akong lumaban at hindi puro bait ang pairalin. Hindi ko napigilang tumawa ng mag-isa sa elevator. ‘Bahala na sila kung isipin nilang baliw ako. Ang mahalaga ay masaya ako.’ Pagbukas ng elevator ay natameme naman ako dahil maraming tao sa aking harapan. Dalawa na roon sina Carol at Steph. “Oi!” tawag sa akin ni Carol paglabas ko. “Hindi pa ba kayo sasakay?” tanong ko. Hinarap ako ng dalawa at kinorner sa isang gilid. “May utang ka pang explanation sa amin!” Sambit ni Steph. “At bakit wala ka na sa unit? Iniiwasan mo ba kami?” dugtong na tanong ni Carol. Umiling ako. “Hindi, ah!” tanggi ko. “Hindi?” ulit ni Steph. “Woah! Porket siu president ang -” Pinahinto ko siya gamit ang aking kamay. Tinakpan ko ang kaniyang buong bibig. “Baka may makarinig sa iyo,” bulong ko. “Mag-e-explain ako, okay? Titignan ko ang schedule niyo para lahat kayo naroon.” “Siguraduhin mo lang iyan, ha?” babala ni Carol. “Oo nga,” sagot ko. Nagtitigan si Carol at Steph. “Alis na kami,” paalam ni Steph. “Hihintayin namin ang tawag mo,” dugtong ni Carol. “Oo. Oo.” Kumpirma kong sagot sa kanilang dalawa. Napangiti na lang ako habang papaalis silang dalawa. ‘Ang swerte ko na mabiyayaan ng mga kaibigan na katulad nila. Ipapakita nila kapag galit sila. Kung may gusto silang malaman, tatapatin ka nila. Sila ang mga klase ng tao na bihirang makita. Dahil sa pagkakaibigan namin walang plastikan, walang pagpapanggap at walang sapawan.’ Madaling araw na ng makauwi ako galing sa duty. Naglalakad na ako papunta sa aking sasakyan ng businahan ako ng isang kotse. Huminto siya sa harap ko. “Honey,” tawag sa akin ng ibaba ang salamin ng kotse. Tumingin ako sa paligid bago sumakay. “Bakit hindi ka muna tumawag bago mo ko sunduin?” tanong ko. Siya na ang nagsuot ng seatbelt ng makita niyang nahihirapan ako. “Tumatawag po ako, pero hindi mo sinasagot!” sagot niya. Dinampian niya ako ng halik sa labi, “Pampawala ng pagod,” ngiti niyang sagot. “Thank you,” kaswal kong sagot. “Very tired?” tanong niya. On the way na kami pauwi sa condo. “Slight,” sagot ko. “Kumain ka na ba?” tanong ko. “Slight,” tugon niya. “I cooked dinner for us.” “Bakit hindi ka pa kumain ng marami?” tanong ko. “Hindi naman ako makakakain ng hindi ka kasabay.” Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon. “I miss you, my Captain!” “Miss you too,” kaswal kong sagot. Pag-uwi sa unit ay pinaghainan at pinagsilbihan niya ako. Wala na akong gagawin kun’di buksan ang bibig ko. ‘He's so thoughtful and caring. Like the old days. Mas sweet lang nga ngayon.’ “Before I forget, gusto ka pa lang interview-hin ng isang kilalang magazine para sa women month edition nila. Do you want to take it?” Nagkibit balikat ako. “I don’t like exposure,” natatawa kong sagot. “And why not? Marami kang babaeng mai-inspire.” Huminga ako ng malalim, “I’ll think about it. Kailan ba iyan?” tanong ko. “Maybe I can go, right? Magandang exposure iyon para sa airline company niyo.” “Not really. Pero makakatulong na mas mapaganda ang image ng airline. Wait! Kung iniisip mo lang iyan para sa kumpanya, ‘wag na. Hindi naman kasi iyan ang intention ko. I’m just proud of you and I think na magiging inspirasyon ka ng karamihan. I know how you study hard. Madugo ang ginawa mong pagtatrabaho para matupad ang pangarap mo. ” “Naks! Nakakataba naman ng puso,” biro ko. “Kaya mo lang naman sinasabi iyan dahil girlfriend mo ko.” “Of course, not! You’re incredible, Hera!” Ngumiti ako. “Okay! Ipa-set mo na lang ang interview kung kailan,” bilin ko sa kaniya. Aleric Zeus Marcet Inabot ko kay Derek ang calling card ng magazine company. “Para sa’n ito?” tanong niya. “Call them and say na pumayag na si Hera para magpa-interview for the Women Month's Issue ng kanilang magazine.” “Wow!” hangang tugon ni Derek. “Sigurado ka ba dito?” tanong niya. “Oo!” tugon ko. “At bakit mo naman naitanong? Si Hera rin naman ang may gusto.” “Okay!” kaswal niyang sagot. “Proud boyfriend ka?” pang-aasar na naman niya. “Tiyak na hindi lang babae ang magkandarapa na bumili ng magazine dahil makikita nila ang isang dyosa na piloto mula sa Marcet Airline Company. Nafe-feature ko na sa utak ko na mas marami ka ng magiging karibal ngayon. Haha. Nice! Magandang battle of love ito.” Nakangisi pa siya habang sinasabi iyon. “Tiyak na masusubok ka ngayon, President. Goodluck!” Pagkatapos niyang mang-asar ay mabilis naman naglaho sa aking paningin. Hapon na ng maalala ko na kailangan tawagan si Hera. Hindi ko nasabi sa kaniya kanina na sa bahay kami kakain ng hapunan. Kinuha ko kaagad ang aking cellphone at dinayal ang number ni Hera. “Uhm?” ungol sa kabilang linya. “Honey I forgot to inform you -,” sagot ko “Inform me what?” tanong niya. Halata sa boses na kakagaling lang sa tulog. Ilang beses ko pa siyang narinig na naghikab. “I’ll pick you up at 6 pm. Mommy wants us to join in the dinner tonight,” sabi ko. “Bakit ngayon mo lang sinabi?” complain niya. “Gusto ko pa naman matulog magdamag ngayon!” Napangisi ako, “Sorry, honey!” sagot ko. “I’ll talk to Mommy na next time na lang. Okay? Just take a rest. I’ll buy food for us tonight.” “Hindi…’wag na! Pumunta na lang tayo sa inyo. Matagal ko na rin naman hindi nakikita si Tita at ang kambal.” “See you later…” malambing kong tugon. “Okay!” Tinawagan ko si Hera ng makarating sa parking lot ng condo. Ayaw na niya akong umakyat para sunduin siya. ‘Masyado daw kasi akong nagpapa-impress sa kaniya, e kami naman ng dalawa.’ “Hi,” bati niya at hinalikan ako sa labi pagsakay sa kotse. “Smells so sweet!” sambit ko at nilalanghap pa ang amoy ng kaniyang hininga. “You’re so beautiful tonight,” puna ko. “Nge! Simple lang naman itong suot ko ah. Medyo nag-apply lang ako ng kaunting make-up para takpan ang eyebag ko.” Paliwanag niya. Tinapik niya ako sa braso. “Tara na. Ayoko naman isipin ng pamilya mo na nagpapa-importante pa ako sa kanila, hehe.” “You are indeed important to us. Gustong-gusto ka ni Mommy. Gano’n din ang kambal. Kaya siguradong matutuwa talaga sila kapag nakita ka nila.” “Gano’n? Para tuloy akong nagkaroon ng daga sa dib-dib. Bigla akong kinabahan,” seryoso niyang sabi. “Kung paano ka umakto sa harap nila noon, ‘wag mo ng baguhin iyon. Mahal at tanggap ka nila,” sabi ko para lumakas muli ang kaniyang loon. “Thank you for your courage, Zeus!” Madami kaming napag-usapan habang bumabyahe papunta sa bahay. Pagbusina ko ay kusang bumukas ang gate papasok sa aming bahay. “Are you okay?” tanong ko kay Hera. “Bakit parang namumutla ka? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?” pag-aalala kong tanong. Umiling siya, “Kinakabahan lang ako.” “Bakit? Kilala niyo naman na ang isa’t-isa?!” “Kasi noon hindi mo pa ako girlfriend. Iba naman ang sitwasyon ngayon,” paliwanag niya sa akin. Hinawakan ko siya sa kamay at hinalikan sa labi. “Zeus!” Inawat na niya ako. “Magkakalat na naman ang lipstick ko sa labi,” paalala niya. Muli niyang tinignan ang sarili sa salamin at nag retouch ng lipstick. “Done? Tara na?” yaya ko. Huminga muna siya ng malalim bago sumang-ayon sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD