TARGET 4: ALEXANDRE MONTENEGRO
"Here's your next target," abot ni Miss Delaila sa larawan. Pagtingin ay may malaking marka ng ekis iyon kaya kilala na niya kung sino ang next target niya. Si Alexandre Montenegro. "Kilala mo naman na siya. Hindi ko na siguro uulitin ang paalala ko. I'm trusting you," saad nito saka siya binaba sa unibersidad kung saan siya pumapasok.
Mabilis na inipit iyon sa librong hawak saka mabilis na umibis sa sasakyan upang makaalis na at maging malaya sa totoong siya kahit ilang oras lamang. Kahit papaano ay mga kaibigan na rin siya pero hindi pa rin lubos na maibahagi ang mga sarili sa mga ito dahil sa klase ng kaniyang pagkatao na binuhay ng senyora mula nang dalhin siya nito sa Maynila.
Masaya siyang nakikipagharutan sa isa niyang kaibigan papasok sa isang sikat na cafe malapit sa unibersidad nila nang biglang may makabanggahan siya. "Ouchhhhh!" tili niya at bumagsak sa paanan niya ang kaniyang libro. Bahagyang lumabas ang larawang binigay ni Miss Delaila. Agad na pinulot ang libro nang biglang yumukod ang lalaking nakabungguhan at ganoon na lamang ang gulat niya makita ang mukha ng lalaki. Nanlaki tuloy ang mata niya. Mabilis na binalik sa pagkakaipit ang larawan.
"Sorry Miss," turan ng lalaki.
"Ahhh! O-okay lang po," turan ng maramdaman niya ang pagsundot sa kaniya ni Cathy.
Ngumiti ang lalaki at lumabas ang pantay-pantay at mapuputi nitong ipin. Napangiti na rin siya. "Alex," anito.
"Alex daw!" untag ulit ni Cathy. Nang hindi pa rin siya nakahuma sa pagkabigla. "Sorry Alex, medyo na starstruck yata itong friend ko sa kaguwapuhan mo," biro ni Cathy.
"Cathy," awat rito.
Tumawa ang lalaking nakaharap. "Cathy, and my friend is Mi—" putol nito at agad na inawat ang kaibigan.
"Cathy, let's gooooo." Sabay hila dito bago pa nito masabi rito ang totoo niyang pangalan.
Mukhang tadhana na ang gumawa ng paraan para magkita sila at magkakilala ng lalaki. Ngayon ay batid na niyang madali lang ito masilo at madala sa dapat kalagyan nito.
THE INNOCENT TEMPTATION
Mabilis na sinundan ni Miya ang kaniyang target. Napangiti siya dahil nakita itong papasok ito sa isang resto-bar. Tuon ang pansin sa pagsunod rito hanggang sa makitang may babaeng naghihintay rito. Ngumisi siya. Sabagay, ano pa nga bang aasahan niya sa katulad ng mga itong maykaya sa buhay, may mataas na propesyon at gandang pisikal. Lahat yata ng babae ay kaya nilang makuha sa isang pitik ng kamay nito.
Masayang nagbatian ang mga ito habang matatamis ang tingin na pinupukol sa mga ito. Nang akmang tatayo ang lalaki ay pagkakataon na niyang tawagin ang pansin nito. Suot ang binigay ni Miss Delaila na damit. Seksi ang tabas noon, kita ang cleavage habang litaw ang makinis na likod. Maging ang mabibilog na hita ay litaw din sa eksi ng palda idagdag pa ang six-inch high heels na suot.
Sanay na rin ang paa niya magsuot ng high heels kahit pa nakikipaglaban siya. Isa iyon sa mga sinanay ni Miss Delaila sa kaniya. Ang makipaglaban kahit ano pa ang suot at ano pa ang sitwasyon.
Pag-angat ng lalaki ay siyang bangga niya rito. "Oppps! Sorry," kunwari ay maarteng wika.
"I'm sorry Miss—" putol nitong nakatingin sa kaniya. Ngumiti siya ng matamis rito. Kumunot ang noo nito na tila kinikilala siya.
"Oh hi!" mapang-akit niyang wika rito.
"Babe," turang agaw ng ka-date nito sa lalaki. Nakitang tumitig ito sa kaniya at kita ang disgusto sa kaniya.
"Hi, you're the—"
"Yes, I am. Mi—Miley," abot ng kamay at walang pakialam pa kung nakatingin man ang babaeng kasama nito.
"Alex," abot nito na kinatikhim ng babae dahil sa tamis na ngiti rito.
"Are you alone?" tanong pa ng lalaki.
"Yes, mukhang inindiyan ako ng kakatagpuin ko eh," kuwari ay turan rito.
Muling tumikhim ng babae at halata na ang inis. "What is this Alex!" gilalas nito sa inis sa kanila.
Mas lalong mapang-akit ang ngiting binigay sa lalaki. Iyong bigay na bigay. Sa inis ng babae ay agad na padabog na umalis at hindi naman sinundan ng lalaki kaya umupo na siya sa harapan nito.
Ilang karinyo ang ginawa sa lalaki. May ilang drinks ding binigay sa kaniya. Ilang beses niyaya ang lalaking umalis doon dahil masyadong maingay pero sabi nito ay masyado pang maaga. Hanggang sa tila tinatablan na siya sa kaniyang nainom. Napamura pa siya nang maramdaman ang pagyakap ng lalaki sa kaniya.
Hindi tuloy niya alam ang gagawin. Masyado ma siyang nahihibang marahil ay dulot ng alak na nainom nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nang makitang si Miss Delaila iyon ay agad na sinagot. Galit na galit ito at nang igala ang tingin ay nakita naroroon at galit na galit na nakatunghay sa kaniya.
THE ASSASSINATION
Parang bibitayin si Miya habang nasa loob ng kotse kasama si Miss Delaila. Ihahatid na siya kasi nito para sa kaniyang misyon. Handa na ang kaniyang gagamitin. "Remember, don't mess around. No evidence then we're good," anito.
Mabilis niyang sinuot ang isusuot niya. Sinuot ang baseball cap, leather jacket at black pants. Maya-maya ay inabot na ni Miss Delaila ang sniper gun na gagamitin niya. Nagbago kasi ang isip nito sa una nilang plano. Mukhang nag-alangan kasi ito na baka daw bumigay siya kagaya ng pagbigay ni Irene noon kaya napahamak si Haya.
Sumunod nitong binigay ang instruction nito. Bawat detalye at bawat galaw ay dapat tantiyado niya. May hearing ang attorney at bago ito pumasok sa loob ng korte ay dapat ay tumbado na ito. That way, iisipin ng mga otoridad na baka kalaban nila sa kasong hawak ang may pakana.
"Don't tell me natatakot ka. Ngayon ka pa ba matatakot?" Turan nito ng makita ang kaniyang pag-aalinlangan.
"I'm ready.." sagot ko na lamang para hindi pa humaba pa ang usapin.
"Good!" anito saka siya sininyasang bumaba na. Mabilis na nakita ang sinasabi nitong pagpupuwestuhan niya. Malaya niya ngang nakikita roon ang parking area kung saan laan ang sasakyan ng mga abogado. Markado na rin ang kulay ng sasakyan ng abogado kaya nang makitang bumungad ito ay naghanda na siya.
Ngunit bigla siyang may nakitang isang lalaki. May nakaumang itong baril. "s**t!" Mura niya. Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa lugar na iyon. Napasapo siya. Mukhang target din siya ng lalaki kaya mabilis na inasinta at pinakawalan ang isang putok hanggang matumba ang abogado.
THE BREAKING NEWS
"Isang mainit-init na balita. Atorney Alexandre Montenegro, patay matapos tambangan ng isang lalaking hawak na ng pulis. Ayon sa lalaki ay hindi ito ang bumaril sa abogado dahil maging ito raw ay may tama sa kaniyang braso. Ayon sa ating mga taga pagsiyasat ay tinitignan pa ang bawat anggulo. Mukha raw kasing hindi lang iisa ang sniper dahil ang balang nakuha sa biktima ay hindi tugma sa balang tumama sa ating suspect. Sa kasalukuyan ay wala pa ring matibay na motibo dahil tahasang tinanggi ng kalaban nito sa korte sa araw na ito na wala silang kinalaman sa anumang tangkang pagpatay dito. Ito ang nagbabagang balita sa oras na ito. Manatiling nakaantabay para sa mga balitang kaugnay sa balitang ito. Ako si Gino Alarcon, magandang araw."
"Good job Miya.." gilalas ni Miss Delaila matapos nitong patayin ng radyo ng sasakyan nito.
Tumingin lang siya rito at walang emosyon sa kaniyang hitsura. Ganoon naman dapat siya. Kailangan niyang maging matatag para manatiling buhay. Mayroon pa siyang dalawang misyon at kapag natapos ito ay matatapos na rin siya.
"Hindi ako nagkamaling ibahin ang ating approach. See, mukhang mababaling pa sa iba ang sisi." Anito na wala man lang sympathy para sa madadamay dahil sa kanila.
Wala siyang imik habang nakikinig lamang sa papuri ni Miss Delaila sa sarili nito.