TARGET 5: SEBASTINO LOPEZ
"Really? Oh my God! Sasali ka?" Maang na turan ni Cathy habang nanlalaki ang mga mata nito.
"Oo nga.." natatawang turan niya. Nang malaman niya kasing isa si Sebastino Lopez sa judges ay naisipan niyang kagatin ng offer sa kaniya ng kanilang course coordinator. May kaba man dahil first time niyang sasali sa ganoong patimpalak ay gagawin niya makuha lamang ang atensyon ng kaniyang susunod na target.
Napangisi siya dahil sa kaniya ay ito may pinaka-charismatic sa limang lalaki. She just getting excited teasing him. Too bad hindi siya pwedeng mainlove dito. "Hoy!" Untag ni Cathy sa kaniya. "Mukhang may pinaplano ka diyan ah..see that in your face.." turan nito.
Agad na pinalis ang ngiti sa labi. "Wala ah..kinausap lang ako ni Mrs. Sanchez kaya ako sasali.." katwa niya.
"Sus! Nagdeny pa..." anito saka siya tinukso nito. Hindi niya kasi maiwasang hindi ma-excite ang lalaki. We'll para nga raw itong nagpapalit ng damit kapag nagpalit ng girlfriend pero imbes na ma-turn off ay mas lalo pa siyang naexcite.
Hindi niya rin maiwasang magpaganda ng husto para sa patimpalak na iyon. Kung talino ang pagbabasehan ay may laban siya. She just need to do something to her looks dahil napaka-plain ng mukha niya at hindi siya nag-aayos.
Napansin nina Miss Delaila at senyora ang kaniyang pagbabago sa hitsura niya. "Nice..I look your new look? What is this for?" Puna ni Senyora.
"Ah....eh...sasali po kasi ako ng beauty contest around the campus. Don't worry, I am doing this to get the attention of my next prospect. Sebastino will be one of the judges so..." tigil niya at tumingin sa dalawa. "....so gonna get him as soon possible.." pagtatapos rito. Nakita ang reaksyon ng mga ito. Mukhang kumbensido naman sa kaniyang sinabi.
THE CHASING BEAUTY
"Girl, this is it pansit!" Tili ni Cathy nang matapos siyang ayusan nito. Maarte ito kaya magaling sa make up.
"Thanks beshy.." turan naman dito.
"Basta hati tayo sa prize.." ngiting-ngiti pa ring turan nito.
'Sure, kaht sa'yo pa lahat. Makuha ko lang ang isang Sebastino..' aniya sa isipan.
"May sinasabi ka friend.." untag nito.
"Ako...wala ah.." anito. Maya-maya ay narinig na nila ang emcee at tinawag na sila sa kanilang production entrance. Halos lumabas ang puso sa dibdib sa sobrang kaba. Lalo pa at nasilip kanina na naroroon na si Sebastino Lopez. Naggagandahan ang mga babaeng pumila sa kasama niya. Walang maitulak-kabigin dahil sa magic ng make up.
"And now the last but not the least...candidate number 12 Miss Miya—." Halos hindi na niya nagawang marinig ang buo ang introduction ng emcee sa kaniya sa lakas ng kabog ng dibdib.
Confident na lumabas siya sa entablado. Tamang pustura at lakad. Tinignan ang bawat hurado. Hanggang sa mapako ang tingin kay Sebastino Lopez. Intense ang mga matang nakatitig rito.
Tili ng kaibigang si Cathy ang nangingibabaw dahilan upang mapangiti ng matamis sa lalaking kanina pa tinititigan. Mukhang hindi rin nakahuma ang lalaki sa lagkit at magneto ng kaniyang titig.
'Its showtime..' aniya sa isipan lalo pa nang pagbalik ay swim suit na ang isusuot niya. She master the art of flirting. Iyong tipong malapitan at malayuan. Gaya nga ng sabi ni Miss Delaila. You have to know the weakness of your prospect by looking at him. Mukhang alam na alam na niya ang tipong babae ng isang Sebastino Lopez.
"Oh—M—G, gurl tiyak magkakagulo ang mga lalaki sa labas niyan. Grabe ang abs mo at ang tone ng legs wapak na wapak. Tell me beshy, nag-gym ka noh.." anito na nanlalaki ang mata. Hindi kasi nito alam iyon dahil lagi naman sila nakauniporme at kung normal cloth naman ay tama na ang jeans at tshirt sa kaniya. Ang hulma ng katawan niya ay epekto ng batak na insayo ng halos tatlong taong pamamalagi sa pugad nina Senyora at Miss Delaila.
Muling rumampa. Heads up, beast in and butt out. Perfect form of a strong woman. Tama ang kaibigang si Cathy, nagwala ang mga kalalakihan mula sa iba't ibang departamento lalo na si Sebastino Lopez. He look at her intensively at tila hinuhubaran siya nito. Mas lalong naghiyawan ang lahat ng pabalik na siya sa intablado. Para na kasing tback ang nangyare at very daring ang kaniyang swim suit. Bahagyang inikot ang ulo at tumingin kay Sebasyan saka nagpakawala ng isang matamis na ngiti. Ngiti ni Kamatayan.
THE NAKED DEATH
"I never thought na mapapasakin ka..." usal ni Baste sa kaniyang tainga. Panay ang halik nito sa kaniyang leeg habang sapo ng dalawang palad nito ang dibdib.
"I'm yours.." usal na sagot rito. Nakita ang pagngiti nito. Muli siyang sinibasib ng halik nito sa labi at tinugon naman iyon. Hinawakan ang mukha nito at pinakatitigan. Ngumiti ito.
"Alam kong guwapo ako.." anito na natatawa. Tumawa na lang din siya. 'Sayang nga lang at walang makikinabang sa kaguwapuhan mo.' Aniya sa isipan.
Muling naglumikot ang kamay nito sa kaniyang katawan. "Seb...nasa park tayo.." turan dito.
"Ano ngayon, walang tao rito. Kapag ganito ay madalang ang nagpupunta rito. Gusto lang kitang madama.." giit nito. Ngumiti siya at muling nakipaghalikan rito. Mainit at nakakadarang ang mga halik nito. Tila natutuksong hayaan na lamang ang lalaki sa ginagawa nito.
Isang malakas na palo. Nakipagbuno. Mukhang magaling rin ang lalaki sa martial arts. Nakipagbuno hanggang bumulagta na lamang si Sebastian. Sa takot ay mabilis na umiskapo. Lalo pa at may ilang taong papunta na sa gawi nila.
Nagpalingon-lingon si Miya. Tinignan at hindi siya nasundan ninuman. Mabilis na pumasok sa CR ng park na iyon at hinugasan ang kamay na tigmak ng dugo. Mabilis na nagpalit ng damit at nilagay ang tot bag na laging bitbit. Nilagay lahat ang damit at normal na lumabas ng CR.
Walang emosyon ang mukha. Mission is done. One more to go.
THE GRUESOME SCENE
"We will never stop until we put that killer to jail. My family will be given one million peso to anyone who gonna shade a light to a possible suspect." Matapang na mensahe ng ina ni Sebastino Lopez sa panayam ng isang interview nito sa sarili nilang network.
"Iyan po ang matapang na mensahe ni Ginang Lopez at nakakarimarim nga po ang crime scene natin. Kung titignan niyo po rito sa likod ko ay may maliit na puno kung saan ginapos pataas ang mga kamay ng biktima na hubo't hubad at sabi pa nga po ng ilang nakasaksi ay tinanggal daw po ang private part nito. Makikita rin dito na talagang nanlaban din ang biktima ngunit maaaring mas malakas ang attacker nito. Sa kasalukuyan ay patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang halos sunod-sunod na pagkamatay ng mga taong naging involve sa r**e-slay murder case noon. May kilamana ba ito, is this an act of revenge or talagang may serial killer..ito po si Ralph Dionesio ang iyong tagapagbalita sa oras na ito."
Napatawa si Miss Delaila matapos ang balitang iyon. Saka bumaling ito sa kaniya. "Tell me Miya, we're did you put the thing?" Anito na hindi mapigilang mapatawa pa rin.
Napakunot noo siya sa ibig nitong sabihin. Nakita nito ang reaksyon niya. "Do I need to tell you that exact word...okay fine? I just heard sa balita na timanggalan mo ng putotoy...kaya tinatanong ko kung saan mo dinala at mai-display natin.." anito na tumapang na ang hitsura.
Doon ay na-gets na niya ang ibig nitong sabihin. Ngumiti na lamang siya at hindi pa nagsalita pa tungkol doon. Ang importante ay natapos niya ang dapat ay misyon niya.