Chapter 1

1333 Words
Chapter 1 Disclaimer No part of this book may be reprinted or reproduced or utilized in any form or by any electronic, mechanical, or other means now known or hereafter invented, including photocopying and recording or any information storage or retrieval system without the author's permission. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Warning: Bawal po sa bata lalo na ang mga 17 years old pa baba..may mga scenes at salita na para sa 18 pataas/matured content. Ito ay romance,spg at comedy, Kung hindi niyo cup of tea ay move on na lang po sa ibang novel. Warning??? Kung may pang yayari man po sa kwento na hindi na naaayon sa inyo ay patawad po. Ito ay gawa lang ng malikot ko na isipan. Ito po ay isang kwento lang at hwag ikumpara sa tunay na buhay. Abegail (POV) "Daddy. can i go also to the hospital?" Pamimilit ko sa Daddy dahil manganganak na si Mommy and I am so excited to see my little sister. I am sorry sweety, gabi na and kids are not allowed in the hospital. Tomorrow Yaya will go with you to the hospital to see youe little sister." Sabi ni Daddy. "Yes, sweety!." Hinalikan ako ni Daddy bago sumakay sa sasakyan na kung saan na ririnig ko si mommy na namimilipit sa sakit. HIndi ko na siya nalapitan pa dahil nagmamadali sila. "Halika na Abe, akyat na tayo sa kwarto mo at maligo ka na para bukas maaga tayong pupunta sa Hospital at makikita mo na sa wakas ang little sister mo." Sabi ni Yaya na nakangiting hinawakan ang mga kamay ko paakyat. Naligo ako at binasahan ako ni Yaya ng stories. Nagmakaawa ako na kahit 30 minutes lang manuod ng Moana, paborito ko kasi ito. Maaga ako na nakatulog dahil excited ako na makita ang aking kapatid. Sa wakas ay may kalaro na ako. Nagising ako nang marinig ko ang malakas na sigawan sa baba. Zdahan-dahan ko na binuksan ang pintuan ng aking kwarto at naglakad pababa sa may hagdanan. Nakita ako ni Yaya na pababa, kinabahan ako dahil lahat sila ay nakatali. Napansin ako ni Yaya na pababa kaya napasigaw siya. "Abegail anak magtago ka!" sigaw ni Yaya na umiiyak. Mabilis ako na tumakbo paakyat ulit at dumeretso sa kwarto nila Daddy para magtago. Narinig ko ang isang malakas na putok kaya napasigaw ako na isinara ang pinto. Patakbo ako na pumasok na secret room ni Daddy na lagi niyang tinataguan kapag naglalaro kami ng hide and seek. Iyak ako ng iyak dahil sa takot at hindi ko alam ang aking gagawin. Narinig ko ang dalawang magkasuno na putok ng baril at mga yapak ng paa na papalapit sa aking pinagtataguan. "Kailangan na mapatay natin ang bata na iyon para malaki ang bonus natin na ibibigay ni Boss. Halughugin niyo ang buong bahay nandito lang iyon!" Sigaw ng isang lalake na galit na galit. Sobrang takot na takot ako dahil sa narinig ko na papatayin nila ako. Napaihi ako sa aking pajama sa takot at pinipigilan ko ang aking sarili na umiyak ng malakas. Sa takot at pagod ko kaiiyak ay nakatulog ako. Nagising ako na nasa Secret room parin. Dahil tahimik ang buong bahay ay lumabas ako sa kwarto ng mga magulang ko. Bumaba ako sa main floor at nakita ko ang aking Yaya na duguan at iloan sa aming kasambahay na nakagapos at walang malay. Nakita ko ang aming telepono at tinawagan ko ang aking Daddy. Nakasulat ang numero ni Daddy sa likuran ng Telepono kaya isa-isa kong pinidot ang mga ito. Matagal nag ring bago niya sinagot. Abe: Daddy please come home,duguan si Yaya at may mga lalaki na gusto nila akong patayin! Sabi ko sa aking Ama na nanginginig sa takot. Daddy: Anak nan diyan pa ba sila? Abe: Wala na Daddy pero natatakot ako. Daddy: Sweety, listen anak. May mga pulis na papunta na diyan. Your sister needs me anak so please bi strong and brave like Moana. Abe: Pero please Daddy I need you here please come home! Napahagolgol na ako sa iyak at narinig ko ang mga sirena ng mga sasakyan ng mga pulis. Daddy: I think nan diyan na sila anak, be brave. Hindi ba gusto mong makita ang little sister mo? Daddy needs to save her ok? I love you. Narinig ko na may nagsabi kay Daddy na oras na. Nagpaalam siya sa akin. Umiiyak parin ako at may lumapit sa akin na babaeng pulis. Kinarga niya ako at nagdilim na nag aking paningin. Nagising ako ay nasa puting kwarto na ako. "Dadddddddy!" sigaw ko dahil natatakot ako na mag-isa. Pumasok sa kwarto ang isa namin na kasambahay at patakbo na niyakap ako. "Tahan na Abe." Sabi ni Nanay Dina. "Nay ang Daddy, Mommy at little sister ko po nasaan sila?" "Parating na ang Daddy mo anak. Gutom kana ba?" Tumango ako at pinakain ni Nanay. Pagkatapos ko na kumain ay pinaliguan niya ako. "Nay si Yaya po?" "Makikita mo din ang Yaya mo mamaya anak nagpapahinga lang siya." Pagkatapos ko na naligo at siya naman pagdating ni Daddy. Niyakap niya ako ng mahigpit at umiiyak siya. Nakita ko na may malaking tape sa kanyang pulsuhan. "Daddy na paano po ito." "We saved your little sister sweety." Sabi niya pero patuloy parin ang kanyang pag-iyak. " I want to tell you something, I know that you are smart and you will understand everything." Tumango lang ako sa Daddy ko habang hawak niya ang dalawang braso ko at nakatitig sa aking mga mata. "Your Mommy is sleeping and she will never wake up." "Para po bang Snow white daddy and she needs you to kiss her so that she will wake up?" Tanong ko, pero niyakap ako ni Daddy at sinabi niya na my Mom will never wake up. Bata pa lang ako at basta yumakap din ako sa aking Daddy. "Dad, I want to see my little sister." Tumango siya at binuhat niya ako papunta sa isang kwarto na maraming mga lalake na nakatayo at may mga hawak sila na baril. Pumasok kami at nakita ang little sister ko na maraming nakakabit na hose. "What happened to my little sister Dad?" Nakita ko na naluluha ang aking Daddy. "She is strong and brave like you sweety. She is ok now." Yun lang ang sinabi ng aking ama. Isang linggo ang nakaraan ay kinausap ako ni Daddy na pumunta kami sa mga lolo at lola ko sa probinsiya. Hindi ako pumayag dahil hindi ko kasama ang Mommy at little sister ko. Pero wala akong nagawa dahil bata pa ako at ang Daddy ko ang masusunod. Halos isang buwan akong umiiyak sa probinsiya na hinahanap ang mga magulang at kapatid ko. Nawalan akong gana na kumain at walang imik. Sobrang nag alala na ang aking mga Grandparents dahil malaki na ang aking pinayat. Marami silang binili na mga toys ko pero hindi ko sila nilalaro. Lagi nalang ako nasa bintana hinihintay ang pagbalik ng Daddy ko para kunin ako. Pero lumipas ang buwan wala parin siya kaya mas lalo ako na nalungkot at kahit mag salita ay hindi ko na magawa. Halos ayaw ko na rin gumalaw para na akong robot na dinadamitan, pinapaliguan at pinapakain. Dinala ako sa Psychiatrist pero wala pa rin pinag bago. Isang araw ay may dumating na batang lalake na kaedaran ko. Anak daw siya ng kasambahay, ngumiti siya agad sa akin ng makita ako pero nanatiling blangko ang aking mga mata. Nagpaalam ako na papasok sa aking kwarto at iniwan sila sa sala. Narinig ko na sa kwarto ko daw matutulog ang batang lalake pero wala akong pakialam gawin lang nila ang gusto nila at niyakap ko ang aking Doll na pinangalan ko sa aking kapatid na Danna. Ipinikit ko ang aking mga mata na may mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD