DAHIL sa natamo kong sugat sa tagiliran ay dalawang araw din akong halos hindi makabangon sa aking higaan dahil nga nilagnat lang naman ako, pero buti na lang ay may katulong na umasikaso sa akin at tinatanong ako from time to time kung may mga kailangan ako o kung anong mga gusto akong kainin. Ngayon ay pang tatlong araw na, kahit papaano ay nawala na ang lagnat ko at sakit ng ulo ko, medyo nanghihina lang ng konti ang katawan ko at parang balisa rin, eh kasi naman dalawang din kasi ako walang ligo, puro punas lang dahil nga mataas ang lagnat ko ng sa loob ng dalawang araw na iyon. Pagkababa ko ng kama ay medyo napangiwi pa ako nang maramdaman ang konting pagkirot ng tagiliran ko dahil lang sa nasagi ito ng konti ng braso ko. Marahan akong lumakad papasok ng bathroom at naghilamos. Per