Chapter 1

1546 Words
Ayshelle's Point of View "How could you do this to me, Marlon? I trusted you! But why did you do this to me? You cheated on me!" I shouted as I tearfully stared at the man standing in front of me. "I didn't cheat, babe! Please, believe me!" He was about to grab my arm but I quickly avoided it. "No! Stop lying to me! I saw it with my own eyes! You kissed her! You f****d her inside that room!" I pointed to the closed door of the VIP room of this club. “No babe, wala akong alam! Inakit lang ako ng babaeng 'yon at—” “Oh, alam mo naman pala na inaakit ka na! Pero nagpaakit ka pa rin! And worse pinatulan mo pa! Alam mo ba kung gaano kasakit ang ginawa mong pagtataksil sa akin?” Gamit ang aking nakakuyom na kamao ay mahina kong binayo ang dibdib ko kung saan banda ang puso ko. “Masakit banda rito, Marlon! Sinaktan mo ang damdamin ko! Dinurog mo ang puso ko! Winasak mo!” Mahina akong umiling-iling habang nakatingin sa kanya at patuloy ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata. “I can't take this anymore. Let's break up!” Pero ganoon na lang ang paglaki ng mga mata ko nang bigla ako nitong niyakap ng sobrang higpit na halos hindi ko na ikahinga ng maayos. “No babe! Don't say that! Alam mong mahal na mahal kita! Please pakinggan mo muna ang paliwanag ko! Maniwala ka hindi ko ginusto 'yon. Ikaw lang ang gusto kong sipingan at anakan!” Para akong kinilabutan sa narinig, pakiramdam ko'y nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Damn! This f*****g old man! Parang gusto ko na lang tadyakan! Malakas kong binaklas ang mga braso nito sa pagkakayap sa akin at inis na tinulak na muntik na nitong ikatumba kundi lang nakakapit sa isang lalaking napadaan. “I don't need your explanation! Magmula sa araw na 'to huwag ka nang magpakita pa sa akin! Ayoko nang makita pa ang pagmumukha mo kahit kailan!” Mabilis na akong tumakbo papuntang exit nitong club. “Babe! Babe, wait!” rinig kong pagtawag ni Marlon akin na agad na humabol. No! Hindi niya ako puwedeng maabutan! Mas binilisan ko ang pagtakbo, may mga nabangga pa akong tao pero hindi ko na binigyan pa ng pansin, basta tumakbo lang ako para makalabas sa loob ng maingay na club. Pagkalabas ko ay napamura na lang ako nang wala ni isang sasakyan ang sumalubong sa akin. “f**k! Maaabutan na ako nito! Asan na ba ang bruhang 'yon?!” Hindi ko mapigilan ang inis na mapapadyak. “Babe!” Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakalabas na rin si Marlon. Shit! Para akong nataratanta. Akmang tatawid na sana ako sa kabilang kalsada pero may itim na kotse na ang huminto sa harap ko at agad na bumaba ang bintana nito. “Sakay na dali!” pagtawag sa akin ng kaibigan kong si Mia na dumungaw pa sa nakabukas na bintana ng sasakyan. Mabilis naman akong lumapit at agad na binuksan ang pinto nito. Sakto namang pagpasok kaupo ko sa loob ng sasakyan ay dumating si Marlon, buti na lang ay mabilis kong na-locked ang pinto. Para akong nakahinga ng maluwag. Thanks God, hindi ako naabutan. Malapad akong napangiti at inis na binalingan ang kaibigan kong si Mia. “Ba't ba ang tagal mong dumating! Muntik na akong maabutan ng matandang 'yun!” “I'm sorry dear friend, may dinaanan pa kasi ako kaya late na. Pero ang mahalaga ay dumating pa rin naman ako, 'di ba?” Kumindat pa ito sa akin bago pinatakbo na ang kotse paalis ng club. Kitang-kita ko pa ang paghabol ni Marlon sa sinasakyan namin. Napangisi na lang ako. Pagdating sa apartment ni Mia ay agad kong binuhay ang TV at naupo sa mahabang sofa. Naglabas naman si Mia ng ilang piraso ng beer at mga chips para gawing pulutan. “Cheers para sa tagumpay!” Itinaas ni Mia ang kanyang basong puno ng beer. Kaya naman Itinaas ko rin ang akin. “Cheers!” Pinagbangga namin ang aming can beer bago sabay na tumungga ng inom. Hays… Ang sarap sa pakiramdam, parang hindi ko nalasahan ang pait ng beer. Talagang ang sarap makipag-break sa matandang 'yon, parang nabawasan ang mga problema sa isip ko. “So, magkano naman lahat ng nahuthot mo sa matandang Marlon na iyon?” “Nahuthot talaga?” Tumaas ang isa kong kilay kay Mia. “Ang sakit sa pandinig, ah. 'Di ba puwedeng sinahod? Salary. Para sosyal naman pakinggan.” Maarte akong napairap at napailing-iling. “Ikaw talaga ang dugyot mong kausap.” Napatawa naman si Mia at maarte akong hinampas sa braso. “Oh I'm sorry, Señorita! So, magkano naman ang salary mo sa Marlon na 'yon?” “More than two million na I think, puro kasi luxury things ang mga binibigay niya. Next semester may sasakyan na ako.” Kumindat pa ako kay Mia. “Ibebenta ko mga luxury bags na natanggap ko para makabili na ako ng sarili kong sasakyan, at nang sa gano'n ay hindi na ako mag-commute pa kapag pupunta ng university.” Malapit na naman ang pasukan. Kailangan ko na namang kumayod para may pambayad sa tuition fee ang kapatid ko, at siyempre sa akin. “Ang dami mo rin pa lang nahuthot sa Marlon na 'yon, dapat hindi mo muna hiniwalayan! Sayang naman!” “Hindi ko pa nga sana hihiwalayan kaso hindi ko na talaga matiis! Paano ba naman kasi ang baho ng hininga, palaging amoy sigarilyo! Hindi lang amoy sigarilyo kundi amoy patay na palaka pa ang hininga! Tapos gusto pa talaga akong halikan, eh nakakasuka nga 'yong hininga niya!” Malakas na napahalakhak si Mia, halos namula ito sa kakatawa at napahawak pa sa sariling tiyan. “Naku, Hesh, mas mabuti nga na hiniwalayan mo na ang mokong na iyon kung gano'n pala kabaho ang hininga!” Muli ako nitong hinampas sa braso habang tumatawa. “Pero in fairness ah, natiis mo ang hininga niya sa loob ng mahigit isang buwan!” I rolled my eyes again. “Kaya nga tuwing weekend lang ako nakikipagkita. Eh paano kasi minsan ay napakamanyak din ng halimaw na 'yon, aba'y niyaya ba naman akong makipag-s*x sa kanya! Gusto niya raw magkaanak sa akin—like eww! What the f**k! I can't imagine myself carrying his—oh damn! Nasusuka ako, Besh! Hindi ko talaga ma-imagine, feeling ko matu-trauma ako.” “Nakaka-trauma nga kung sakaling mangyari 'yon. Buti na lang pala hindi ka pumayag? Pera din 'yon, ah?” “Alam mong off limits sa akin 'pag s*x na ang pinag-uusapan. Hanggang kiss lang ang kaya kong ibenta at konting haplos, 'no. Kahit kailan ay hindi ko ibebenta ang puri ko, dahil para lang 'to sa magiging asawa ko.” Napailing-iling na lang si Mia sa sinabi ko. “Hays. Sana nga mapanindigan mo 'yan hanggang dulo ang pagiging virgin mo para sa magiging asawa mo. Good luck.” I just shrugged. Of course, paninindigan ko 'yon. Makalipas ang ilang minutong inuman ay tumayo na si Mia. “Sasagutin ko lang, Hesh. Baka si Mama ang tumawag,” paalam nito sa bago naglakad papasok ng kuwarto kung saan tumutunog ang telepono. Sakto namang pag-alis ni Mia ay nag-ring din ang cellphone ko. Nang makita kung sino ang tumawag ay napasimangot na lang ako at wala nang nagawa kundi sagutin. “Putangina, nandiri ako sa halik ng matandang 'yun kagabi, kaya dapat mahal ang bayad mo!” bungad sa akin ni Thalia, ang isa mga kaibigan ko. “Oo na. 'Yung tig 30k na bag, ayos na ba 'yun?” tamad kong sagot at muling lumagok ng beer. “Tsk. Oo, puwede na 'yon. Alam ko namang kuripot ka kaya hindi na ako aasa pa!” “Mabuti naman kung gano'n.” Tsk. Pasalamat ka na nga lang babalatuhan pa kita ng mamahaling bag. Knowing you? Alam kong pinainom mo lang ng pampatulog ang matandang iyon at hinubaran. “Ayshelle! Ayshelle!” Napabalik ang tingin ko kay Mia na kakalabas lang ng kuwarto at mabilis na lumapit sa akin. Parang Nanlalaki ang mga mata nito na siya namang kinataas ng kilay ko. “Oh, bakit? Sino ba'ng tumawag at ganyan na lang ang reaction mo?” “Tumawag si Faye, may new target daw siya para sa 'yo!” Tumaas ang kilay ko. “Ows? Ano'ng status? “Mayaman daw at sobrang guwapo! At higit sa lahat ay bata pa, hindi raw tataas sa thirty ang edad. Iyon nga lang mahirap daw lapitan, hindi namamansin ng mga babae. At parang hindi raw marunong ngumiti.” “Ah, so ibig sabihin ay hindi tumalab sa lalaking 'yun ang beauty ng mga alipores niya kaya sa akin siya lumalapit, ganoon ba?” “Exactly.” Hindi ko mapigilan ang mapairap. “That b***h. Basta siguradohin niya lang na mayaman 'yan at hindi sindikato. 'Yung huling inalok niya sa akin ay miyembro pala ng Gang, buti na lang ay nalaman ko agad.” “Huwag kang mag-alala, sa akin siya malalagot kapag sindikato 'yon. Inom na nga lang tayo. Bukas ng gabi pa naman daw ang meet up natin para mapag-usapan ang hatian.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD