Chapter 2

3978 Words
MATAPOS maglagay ng make up ay tumayo na ako at pinagmasdan ang sarili ko sa harap ng salamin. Umikot-ikot pa ako kung okay na ba. Napangiti ako nang makitang bumagay naman sa akin ang outfit kong backless dress na kulay gold; kumikinang-kinang pa. Pinarisan ko lang ito ng three inches red stiletto heels. “How do I look?” “You look good, Ate,” sagot ng bunso kong kapatid na si Aya habang nakasandal sa headboard ng kama at pinapanood lang ako. “Saan pala ang lakad mo ngayon, Ate? Puwede ba akong sumama?” “Oh, I'm sorry, Bunso. Importante ang lakad ni Ate ngayon, eh.” Pansin ko ang pagsimangot ng kapatid ko. Agad itong nahiga at nagtalukbong ng kumot. Napabuntong hininga naman ako at nilapitan ito. Naupo ako sa gilid ng kama. “Pero hayaan mo, ngayong susunod na weekend ay ipapasyal kita sa magagandang lugar, kaya huwag ka nang malungkot pa. Okay?” Sumilip naman ito mula sa ilalim ng kumot. “Promise?” “Cross my heart, promise na promise. Ipapasyal kita kahit saan mo gusto.” Sa sinabi ko ay napalitan na ng ngiti ang pagsimangot ng kapatid ko. “Sige, Ate, mag-iingat ka. Huwag mong kalimutang bilhan ako ng corn dog bago ka umuwi, ha? I smiled and nodded at her. “Sure, Bunso. Corn dog lang pala, eh. Ilan ba ang gusto mo?” “Gawin mo nang sampo, Ate. Bibigyan ko rin si Nana at Kuya.” “Okay, no problem.” Bahagya ko pang ginulo-gulo ang buhok nito bago ako tumayo. “Aalis na si Ate, magpakabait ka kay Nana mo, ha? “Okay po, Ate. Ingat po.” “I will, bunso. Don't wait for me, matulog ka na. Baka bukas pa ang uwi ko.” Nang mapatingin ako sa wristwatch kong suot ay 5:35 PM na, tamang-tama lang ang oras. Paglabas ko sa gate ng bahay namin ay sakto namang paghinto ng isang white car at ang pagbaba ng bintana nito. “Get in, Miss Beautiful!” pagkindat sa akin ng kaibigan ko mula sa loob ng kotse. Nakangiti ko namang binuksan ang pinto ng sasakyan at pumasok sa loob. Makalipas ang ilang minutong biyahe ay huminto na ang sinasakyan namin sa parking lot ng isang magarang apartment. “What are we doing here?” kunot-noo kong tanong sa kaibigan ko at agad na napasilip sa labas. “Kay Faye tayo pupunta, 'di ba? So here we are.” “So, you mean . . . dito na nakatira ang bruhang 'yun ngayon?!” “Yes. Nagulat nga din ako, eh. Mas sosyal na sa atin ang bruha. Akalain mong afford agad ang ganito kamahal na apartment. Well, baka may big-time na nahuthutan ng bonggang-bongga.” Napaawang ang labi ko at napatingala sa mataas na building. Damn! This is my dream apartment. Ito lang naman ang Isa sa pinaka-luxury na apartment dito sa Pilipinas. “Ang suwerte naman pala ng Faye na 'yun!” “Sinabi mo pa! Baka 'yung ibibigay niya sa atin ay sobrang big time nga! Kaya tara na baka magbago pa ang isip ng bruhang 'yun.” Bumaba na kami ni Mia sa kotse at pumasok ng building, hinanapan pa kami ng ID ng dalawang security guards sa entrance bago kami pinapasok, buti na lang ay dala namin ni Mia ang ID namin. “Pasok, bitches!” taas kilay na sabi ni Faye nang pagbuksan kami ng pinto. Parang katatapos lang nito naligo dahil naka-bathrobe lang at nakabalot pa ng puting tuwalya ang buhok. Pumasok namin kami ni Mia sa loob ng apartment ni Faye. At tulad nga ng inaasahan namin ay malaki sa loob at talagang yayamanin. “Hmm… nice place! Mukhang malaking isda ang nahuli mo ah,” kumento ng kaibigan kong si Mia habang nililibot ang tingin sa buong paligid. “Well, you know me, hindi ako pumapatol sa maliit na isda lang. Unlike you, okay na sa 150,” maarteng sagot naman ni Faye bago naglakad papasok sa loob ng kanyang kuwarto. “You b***h, ano'ng akala mo sa akin pokpok! Ibahin mo ako sa 'yo, we're not the same!” pahabol na sagot ni Mia na tila natamaan. Napailing na lang ako. Well, ganito talaga, hindi sila magkasundo ni Faye, palibhasa nag-agawan sila dati sa isang lalaki, na bandang huli ay wala naman pinili ni Isa sa kanila, kasi si Thalia pala ang gusto. Paglabas ni Faye sa kanyang kuwarto ay dala na nito ang isang white folder at agad na ibinigay sa akin. “Basahin mo na lang. Sa Liexius Club siya matatagpuan, mga bandang 10:00 to 11:00 PM.” Napatango-tango naman ako at naupo sa couch. Binuksan ko ang folder at binasa ang mga nakasulat sa papel. Name: Cole Morozov Age: 30 Gender: Male Occupation: Business Man Height: 6'2 Hair Color: Mocha Brown Haircut: Low Fade Eye Color: Blue ocean “Ba't ito lang? Wala bang picture at nang makilala ko agad oras na makita ko?” reklamo ko matapos basahin. “Wala.” Faye shrugged. “Nakalimutan ko kasing kumuha ng pic niya. Makilala mo rin naman 'yan agad oras na makita mo, dahil bukod-tangi naman ang kanyang kakisigan at kaguwapuhan. Baka nga maglaway ka pa oras na ma-meet mo siya, eh.” “So, he's not a Filipino?” “He is, pero half lang. Ang pagkakaalam ko ay pure Filipino ang mother niya, at Half Italian and Half Russian naman ang Dad niya.” Napatango-tango ako. Wow! “Okay. So magkano naman ang hatian natian?” “Well, hindi mo na ako kailangang balatuhan. Ibibigay ko na lang 'yan sa inyong dalawa nang buo. Bahala na kayo kung sino ang papatulan sa inyong dalawa.” Sabay na napataas ang kilay namin ni Mia sa narinig mula kay Faye. Sereyoso ba siya? Knowing her, mas gold digger pa kaysa sa akin. Tapos ngayon sasabihin niyang okay lang kahit wala siyang kahati? Masama ang kutob ko 'pag ganito. “Sure ka? Hindi ka na makikihati sa kita?” Mia asked, parang nagtataka na rin tulad ko. “Yes, hundred percent sure. Basta ito lang ang payo ko sa inyo; Galingan niyo ang pang-aakit sa kanya, dahil siya 'yung klase ng lalaking mahirap akitin kahit maghubad ka pa sa kanyang harapan.” Hindi ko mapigilan ang pagak na matawa. May ganoon pa bang klase ng lalaki sa panahon ngayon? na kahit maghubad ka pa sa harap niya kung hindi ka type ay hindi ka papatulan? Sa pagkakaalam ko kasi ay puro mga manyakis na lang ang mga lalaking natira ngayon sa mundo. Ika-nga nila; Maginoo pero medyo bastos. So I think wala na talagang totoong gentleman ngayon sa mundo, at kung meron man, hindi na 'yun one hundred percent na gentleman talaga, dahil kalakip ng bastos. “Oh, ano pa ang hinihintay niyo? You can go now, tapos na ang usapan natin,” pagtataboy ni Faye sa amin ni Mia. “Alam mo, nakakapagtaka talaga na ayaw mo nang makihati sa kikitain. Pero itong tatandaan mo, Faye. Oras na malaman kong may masama kang binabalak, asahan mong babalikan ka namin para kalbohin,” pagbabanta ni Mia na kinaismid lang ni Faye. “Oo na, balikan niyo ako anytime. Sige na, umalis na nga kayo! Baka maabutan pa kayo rito ng jowa ko!” “Tsk, b***h!” pag-irap ni Mia bago ako hinila palabas ng room. “Mas b***h ka! Pasalamat ka good mood ako kaya hindi kita mapapatulan!” pahabol ni Faye. Napailing na lang ako. Talagang wala nang pag-asa pa na magkasunod silang dalawa. “Alam mo, beshy, masama talaga ang kutob ko sa Faye na 'yun. Ano kaya kung 'wag mo na lang ipagpatuloy ang misyon mo diyan sa nireto niya sa 'yo? Humarap ka na lang kaya ng iba?” suhestiyon ni Mia pagkapasok namin sa loob ng sasakyan. “Masama nga rin ang kutob ko, eh. Imposible talaga na ayaw niyang makihati sa kikitaing pera kung sakali, eh mas mukhang pera pa 'yun kaysa sa akin.” Nagkatinginan kami ni Mia, at kalaunan ay sabay na napangisi sa isa't isa. “Let's investigate first!” magkasabay naming bulalas na pareho na lang naming kinatawa. “Marunong ka naman kumilatis ng tao, 'di ba?” I nodded. “Of course, isa 'yun sa mga talento ko.” “Okay good. Let's go then!” Pinaharurot na ni Mia ang sasakyan paalis. Matagal na ako sa trabahong 'to kaya marunong na akong kumilatis ng tao kung ito ba ay manyak, rapist, bastos, mapagkakatiwalaan o hindi. Kaya pag alam kong mapanganib ay hindi ko na tinutuloy ang balak ko kahit na sobrang yaman pa ng taong 'yun. Well, minsan talaga kung sino pa ang sobrang yaman ay siya pa 'yung pinakamapanganib. But of course, kailangan talaga matalino sa ganitong klase ng trabaho. Three years na mula nang mamatay Ang parents ko, at mula nang mawala sila ay ako na ang nag-alaga sa dalawa kong kapatid. Sa loob ng ilang taon na pag-aalaga at pagpapaaral sa mga kapatid ko ay masasabi kong napakahirap, dahil bukod sa kailangan naming magbayad buwan-buwan sa aming inuupahang mailiit na apartment ay kailangan ko pang kumayod nang kumayod para lang mapaaral sila at mapakain ng tatlong beses sa isang araw. Buti na lang ngayon nakakaluwag-luwag na kami kahit papaano dahil sa trabaho ko ngayon. Kaya kailanman ay hindi ko pinagsisihan ang mga panluluko ko sa mga mayayaman na lalaking pumapatol sa akin. Ito ang trabaho ko, at kailangan kong galingan pa lalo't dito ako kumikita, dito ko napapakain at nabibigyan ng magandang buhay ang mga kapatid ko. Alam kong masama ang gawaing ito, pero wala na akong pakialam pa. Ang mahalaga sa akin ay mabuhay ko ng maayos ang mga kapatid ko. Kailangan kong kumita ng malaking pera, dahil kung walang pera ay baka sa kangkungan kami pulutin, at siyempre, ayoko naman na mangyari sa amin ang bagay na iyon. Kung tutuusin ay mas masama pa ang gawain ng ibang tao kaysa dito sa trabaho kong 'to, kaya patas lang para sa akin. Bahala na si Batman. Hindi lang naman ako ang nag-iisang tao na masama ang trabaho dito sa mundo. “We're here,” anunsyo ni Mia pagkahinto ng kotse sa harap ng nasabing club. “Okay na ba 'tong outfit ko or kailangan ko pang magpalit?” Tiningnan naman ako ni Mia taas-baba. “Well, you look sexy naman. Pretty and beautiful like a goddess!” Napangiti na lang ako at bumaba na ng kotse. Nang mapatingin ako sa wristwatch ko ay 8:45 PM na, tamang-tama lang ang oras. Pagkapasok namin ni Mia sa loob ng club ay maingay agad na bumungad sa amin ang malakas na music ng DJ, may mga tao na ring sumasayaw at umiinom. Naupo kami ni Mia sa bakanteng mesa at agad na nilibot ang tingin sa buong paligid, pero hindi pa namin makita ang hinahanap namin. “Order muna tayo ng drinks, ano sa 'yo?” malakas na tanong ni Mia sa akin. “No! Ayoko! Alam mo namang nagiging wild ako pag nalalasing! Uminom ka na lang kung gusto mo!” Napasimangot naman ito. “Eh 'di wag na lang kung ayaw mo!” Lumipas ang mahigit thirty minutes ay nakaupo lang kami ni Mia sa aming table. May mga lumapit na mga lalaki pero agad na tinaboy ni Mia paalis. Halos maduling na rin ang mga mata ko sa kakalibot ng tingin sa buong paligid pero wala naman akong makita na kamukha ng sinasabi ni Faye. “Ilang oras na tayo rito pero wala namang guwapong blue ocean ang mga mata! Wala akong mahagilap ni isa!” reklamo ni Mia na ngayon ay parang nainip na. “Ang mas mabuti pa siguro ay makisaya muna tayo habang naghihintay. Baka mamaya pa ang dating nu'n!” Nang tumayo ako ay tumayo na rin si Mia. Kaya ang nangyayari ay naki-join na lang kami sa mga taong nagsasayawan at sandaling nakalimutan ang talagang sadya namin kung bakit kami narito. Pero habang sumasayaw ay ramdam ko ang paghaplos sa puwetan, not once but twice. Alam kong siksikan ang mga taong sumasayaw pero parang sinadya. Kaya naman agad akong lumingon. “Hi, Miss beautiful!” ngising bungad sa akin ng isang lalaking may balbas paglingon ko. Sa tantiya ko ay hindi baba sa thirty four ang edad nito, at base sa kanyang mukha ay halatang may pagkabastos. “Sige, subukan mo ulit 'yung ginawa mo kanina! Talagang patitikimin na kita ng kamao ko! At itong suot kong stiletto ay ipupukpok ko 'to sa ulo mo hanggang sa mabutas 'yang bungo mo!” I shouted. Pero tinawanan lang ako nito na tila hindi man lang natakot sa sinabi ko. Hindi ko na lang ito pinansin at nakipagsiksikan na lang ako sa mga taong sumasayaw para lumayo na lang. Ayokong masira agad ang mood ko lalo't hindi ko pa nakikita ang hinahanap ko. Muli kong pinagpatuloy ang pagsayaw ko. Nang hagilapin ko si Mia ay hindi ko na makita pa, 'yun pa pala ay may ka-table na isang lalaki. Masaya nang nakikipag-inuman ang bruha. Napangiti na lang ako habang patuloy ang pagsayaw at pagsabay ng kanta sa tugtog ng DJ. Pero wala pang dalawampung Segundo ako sumasayaw sa bago kong puwesto ay nang may muli na namang humaplos sa puwetan ko. I couldn't help myself, mabilis akong humarap sa likuran ko at agad na pinalipad ang palad ko papunta sa mukha nung lalaki. “How dare you touch my butt without my permission! You asshole!” Pero nang humarap na sa akin ang lalaking sinampal ko ay ganoon na lang ang gulat ko nang makitang iba na, hindi na 'yung lalaking nanghipo sa akin kanina! No way! “I . . . I'm…” I don't know what to say, natameme ako bigla. It's him! Hindi ako maaaring magkamali. Mukhang ito na nga 'yung lalaking kanina pa namin hinihintay ni Mia! Do I have to say sorry? Shit! Ang guwapo niya sa kanyang suot na black leather jacket. He looks cool. Totoo nga ang sinabi ni Faye, talagang makalaglag panty nga ang kaguwapuhan ng lalaking 'to! “I d-don't . . .” I don't know it's you, 'yun sana ang gusto kong sabihin. “Ikaw kasi eh, mula kanina ka pa naghihipo sa akin!” I yelled at him. Bahala na. Ayokong mapahiya. Malay ko ba na siya na pala ang nasa likuran ko at hindi na 'yung lalaki kanina. Hindi ito sumagot sa akin, bagkus ay napahaplos sa kanyang pisngi na nasampal ko habang seryosong nakatitig sa akin, sa muka ko. Medyo nailang naman ako. Napaka-wrong timing naman yata ito. Bakit siya pa? Damn it! “Oh ano! Bakit hindi ka makapagsalita? Do you want me to slap you again—” Hindi ko na natuloy ang pagsasalita ko nang bigla ako nitong hinaklit sa baywang, dahilan para mapasubsob ako sa kanyang matigas na dibdib. Nahigit ko ang sarili kong hininga dahil sa gulat. Agad na nanuot sa ilong ko ang halimuyak ng kanyang pabango, napaka-manly, amoy pa lang ay halata nang mamahalin. “Alam mo bang wala pang nagtatangkang sumampal sa akin ni isa? dahil lahat sila, takot maputulan ng kamay. At ngayon, Ikaw pa lang ang babaeng sumampal sa akin. Anong klaseng parusa ang gusto mong ipataw ko sa 'yo?” nakakapanindig balahibo nitong bulong sa puno ng tainga ko. Parang kinilibutan naman ako nang konti sa narinig. Parusa? Parang isang babala ang kanyang sinabi, iwan ko ba pero'yun talaga ang dating sa akin. Mahina ko siyang itinulak sa dibdib, dahilan para mapalayo ako ng konti sa kanya. “Sa susunod kasi huwag kang b-bastos kung ayaw mong masampal ng babae!” pagtataray ko pa kahit na hindi naman ako sigurado kung siya ba ang humaplos sa pang-upo ko sa pangalawang pagkakataon. Nakatitig lang siya sa akin. Parang nanghihiigop ang kanyang kulay asul na mga mata. Damn! He's serious as hell! Mukhang nagalit yata sa pagsampal ko. “I'm not the one touching your butt, Miss. Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil ako ang nagpaalis sa lalaking kanina pa nambabastos sa 'yo.” Tumaas ang kilay ko. Kanina pa nambabastos sa akin? How did he know? Mula kanina niya pa kaya ako pinapanood habang sumasayaw? “Okay, sorry nagkamali ako—” “I don't need your sorry. Mas gusto kong parusahan ka.” W-What? “At anong klaseng parusa naman? Ano, gusto mong ibalik sa akin ang sampal na binigay ko sa 'yo.” “No.” “Eh ano'ng gusto mo?” He just stared at me, hindi na siya sumagot. I swallowed. Napakaseryoso niya pa rin. Mukhang kailangan ko na nga simulan ang panglalandi. Sa klase kasi ng emosyon na kanyang pinapakita ay mukhang siya nga 'yung klase ng lalaking mahirap pangitiin. But no, not me. Sisiguraduhin kong babagsak ang pagkasuplado niya sa akin. Matamis akong ngumiti at yumapos sa kanyang baywang. “Kiss, 'yun na lang ang ibigay mong parusa sa akin..” mapang-akit kong sabi habang nakatingala sa kanyang guwapong mukha na ubod ng seryoso. “I want you to kiss me. Sapat na sigurong parusa 'yun para mabayaran ko ang pagsampal sa 'yo…” Isang mapanganib na ngisi ang sumilay sa kanyang labi. Bahagya niyang inilapit ang mukha sa puno ng tainga ko. “Ayoko ng halik lang, hindi sapat 'yun sa akin.” Napalunok ako. “A-Ano naman ang gusto mo? M-Money?” Oh my god, don't tell me golddigger ang lalaking 'to. Talagang tatadyakan kita, Faye! He smirked. “I don't need money, marami ako nu'n.” Sa narinig ay napa-oh ang bibig ko. Ang yabang ng pagkakasabi pero parang naging swabe yata sa pandinig ko. Of course, I love money, because money . . . is life. “Ah, alam ko na, ililibre na lang kita ng drinks!” Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sagot at mabilis ko nang hinila ang kanyang isang braso papunta sa bar counter. Nang maupi ako sa stool bar ay naupo din siya sa tabi ko. Napangiti ako. “Hey, excuse me!” pagtawag ko sa bartender. “Yes, Ma'am?” “Bigyan mo kami ng two glass ng drinks, 'yung pinakamatapang sa lahat ang isa, 'yung isa hindi.” “Sure, Ma'am. Give me a minute.” “Okay.” Lihim akong napangisi. This is it. Akala ko pa naman hindi namamansin ng babae ang lalaking 'to tulad ng sabi ni Faye? Eh sampal lang pala ang kailangan para mamansin. Mahina akong napabungisngis sa naisip. Pero agad akong natigilan nang mapatingin sa lalaki, nakatitig pa rin pala ito. Parang may konting ngiti akong napansin sa kanyang labi pero agad din itong naglaho nang tumingin ako sa kanya. “May I know your name?” I asked. “Cole,” he replied without breaking our eye contact. “Nice name! Okay, Cole, sorry sa sampal ko, ha? Akala ko kasi ikaw 'yung bastos na lalaki kanina, eh.” He didn't answer, he just stared at me. Hays. Malapit na akong matunaw sa kanyang titig! His breathtakingly icy-eyes hypnotizing me! Umiwas na lang ako ng tingin. Ilang sandali pa ay binigay na sa amin ng bartender ang dalawang glass ng drinks. “Saan 'yung pinakatapang dito?” I asked the bartender. Napatingin naman ito sa akin at sandali pang sumulyap sa lalaking kasama ko, kay Cole bago mahinang tumikhim. “T-The red one, Ma'am.” “Okay, thanks.” Lihim akong napangisi at kinuha 'yung pinakamatapang bago muling bumaling kay Cole at binigay dito ang drinks. “Drink this, dahil lalaki ka, kaya 'yung pinakamatapang ang sa 'yo.” Pero hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang hawak ko. “Don't tell me natatakot ka sa alak? Omg, are you gay?” I said, mockingly. His jaw clenched. “I'm not a damn gay. Damn it!” Tila napikon agad. I smirked. “Prove it then…” Dinampot na niya ang kanyang baso at dinala sa kanyang bibig, pero ang kanyang tingin ay hindi pa rin talaga inaalis sa akin. Hanggang sa napaawang na lang ang labi ko at napatingin sa glass na wala nang laman nang ibaba niya. s**t! Ang tibay niya, ibang klase! “Now, it's your turn,” he said. Nakatitig pa rin siya sa akin. Gusto ko tuloy manalamin para makita kung may dumi ba ako sa mukha. Nakakailang sa totoo lang. Sa dami na ng mga lalaking tumitig sa akin nang sobrang tagal ay dito lang yata ako nailang sa titig ng lalaking 'to. Parang ang lalim kasi ng kanyang titig na para bang may sinasabi ang kanyang mga mata, pero hindi ko naman mabasa kung ano iyon. Para maiwasan ang pagkailang ay mabilis kong ininom ng diretso ang drinks ko, napasimangot pa ako sa matapang nitong pagdaloy sa lalamunan ko. Ito na yata ang pinakamapakla at maanghang na inuming natikman ko sa buong buhay ko. “Ouch… s**t…” ungol kong sambit at sandaling napapikit. Napahawak ako sa sarili kong ulo dahil sa pagkirot nito. Napahilot ako sa sarili kong sentido. Parang umikot agad ang paningin ko. s**t! Bakit parang ang tapang naman yata ng nainom ko? Hindi 'to maaari! Mahina kong pinilig-pilig ang ulo ko para sana maiwasan ang pagkahilo, pero parang mas lalo lang yata umikot ang mundo ko. Shit! I need backup! Agad na hinanap ng mata ko si Mia, pero hindi ko ito mahagilap pa, wala na sa kanyang table. Napamura na lang ako sa isip. Lintik na babaeng 'yun, iniwan na yata ako! Binuksan ko ang shoulder bag ko at kinuha ang wallet. “Here's my number.” Nilapag ko sa harap ni Cole ang calling card ko bago tumayo. “Tawagan mo ako, ah. I have to go now.” Pero unang hakbang pa lang ng mga paa ko para umalis ay nang bigla na lang akong nakaramdam ng pagkahilo, umikot bigla ang paningin ko at parang nanlambot ang mga tuhod. Buti na lang ay may mabilis na braso ang yumapos sa baywang ko. “Hey, be careful.” “No, I'm okay.” Binaklas ko ang kanyang braso sa baywang ko, pero mas lalo lang niya itong hinigpitan. “Ihahatid na kita.” Bago pa ako makaangal ay binuhat na niya ako. “Hey, ibaba mo nga ako!” nakasimangot kong reklamo. Pero hindi na niya pinansin pa at binuhat na ako palabas ng club. Napasandal na lang ako sa kanyang dibdib. “Saan mo ako dadalhin? Don't tell me kikidnapin mo ako?” tanong ko na sinabayan ng pagtawa nang ipasok niya ako sa loob ng isang black luxury car. Sa backseat niya ako pinaupo, at naupo naman siya sa tabi ko. “Let's go.” “Yes, Boss!” sagot ng driver sa front seat bago pinaandar ang sasakyan. Napasimangot na lang ako napasandal muli sa kanyang dibdib. Nakaakbay naman ang kanyang isang braso sa akin para alalayan ako. “Are you rich?” tanong ko at inamoy-amoy pa ang kanyang suot na leather jacket. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakatitig pa rin siya sa mukha ko. “Yes, I am.” Lumapad ang ngiti ko. “Okay, take me to your home then . . . iuwi mo na lang ako sa bahay mo.” Itinaas ko ang isa kong kamay at hinaplos ang kanyang ibabang labi gamit ang aking hinlalaki. “You know, I like rich men...” “You're drunk.” “Yes, I am. Bakit, ayaw mo bang mag-uwi ng lasing na babae sa bahay mo, hmm?” Napasimangot ako nang hindi siya sumagot, nakatitig lang sa akin. “Sige na, isama mo na ako, please?” “Baka magsisi ka.” “Magsisi?” Napabungisngis ako at matamis na ngumiti. “As what I've said, I like rich men. So if you're rich, then take me to your home. Own me. I'm all yours…” He grinned. “As you wish.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD