HINDI nga ako nagkamali sa aking nakita kanina, dahil si Faye nga talaga ang isa sa mga babaeng nakakadena sa loob ng ring. Narito na kami ngayon ni Oliver na nakaupo sa loob ng arena, at mula nang makapasok kami rito ay parang natulala na ako sa mga nakikita ko. Isang fight pa lang ang natatapos kong panoorin pero para na akong na-trauma. Ang loob ng ring ay puno na ng sariwang dugo dahil parehong naka-espada ang dalawang fighter kanina, at nang matalo ng isang lalaki ang kanyang kalaban ay agad nitong pinaghiwa ng espada ang katawan, kaya naman napuno ng dugo ang loob ng ring. Hiyawan naman ang mga audience na tila tuwang-tuwa sa napanood na p*****n. At matapos ang laban ay agad na may umakyat na apat na lalaking nakamaskara sa taas ng ring at nilinis ang loob. Ang nanalong fighter ay bi