MATAPOS ang siyam na araw na pananatili namin ni Cole sa Japan ay umuwi na kami ng Pilipinas sakay pa rin ang kanyang superyacht at kasama ang kanyang mga tauhan. Nang makarating ng Pilipinas ay agad niya akong inihatid sa bahay namin, at hindi ko inaasahan na may pagsalubong pala siya sa dalawa kong kapatid; watch sa kapatid kong si Jordan, at necklace naman kay Aya. Niregaluhan ko naman ang kaibigan kong si Mia ng bracelet, kaya tuwang-tuwa naman ito. Ngayon ay nakahiga na ako sa loob ng aking kuwarto habang nakatitig sa kisame. Iniisip ko na naman ang university na pinapasukan ko, Monday na bukas at may pasok na naman, pero hindi ko alam kung paano ako papasok ngayong alam kong expelled na ako sa university na 'yun. Nakakainis lang talaga. “Oh, ba't parang ang lalim naman yata ng inii