Nine

1060 Words
Isang buwan ng nakakalipas simula ng mawala si Candy sa buhay nya. Isang buwan na rin syang wala sa sarili. Hindi na sya makapagtrabaho lagi na lang syang umiinom at nagkukulong sa condo nya. Wala syang tinatanggap na bisita kahit pa yung mga kaibigan nyang Assassin hindi nya pinagbubuksan kapag dumadalaw ng mga ito sa kanya. Sa pagmumuni muni nya, biglang pumasok sa kanyang isipan ang pag uusap nila ni Alex ng mahuli ang dating nila ni Griffin sa Tagaytay nakaalis na daw si Candy kasamang mga magulang nito. 'Bumalik kana lang Eruto kapag sigurado kana sa nararamdaman mo, kapag kaya mo ng ipaglaban si Candy sa mga magulang nya, kapag kaya mo ng panindigan ang mga sinasabi mo ngayon sakin.' Yun ang paulit ulit nyang naaalala, at ngayon sigurado na sya sa tunay nyang nararamdaman kay Candy. Kailangan na nyang kumilos habang may panahon pa. Inabot nyang celpon na itinapon nya sa dingding nung tumawag si Griffin para kumustahin sya. Sinuri nya yun kung gumagana pa, napangiti na lang sya ng makitang pwede pang pakinabangan kahit basag ng screen nito. Binuksan nyang group chat nilang magkakaibigan, nagpadala muna sya ng mensahe bago iinat inat na bumangon para maligo. To: Crazy Assassins ⚔ Eruto: 'Be ready to rescue the one and only love of my life! ASAP!' Brent: "?Wooo,, sa wakas natauhan na rin ang gago! guys sugod na tayo! ? Griffin: Hoy! Eruto, may bayad ang serbisyo ko ha!? Lam mo na gipit ako ngayon at napakaluho ng mag iina ko ?" Keros: Bro! Ok nako sa ?? basta libre! Ay! dagdag mo ? dessert ko! Arigatou gozaimasu Eruto San." Mark: Hahaha ang saya saya naman nitoooo.. Eruto my friend, magdadala pa ba kami ng mga ito?⚔?? ? Hehe." Blaire: Anong kaguluhan ito ha! ? Nakakabulahaw kayo mga ungas." Nexus: Ready nako! ? bilisan nyu naaa.." Prince: San bang lakad? Tila aligaga kayong lahat ah? ? hmmm ." Zylven: ? Tangna! Magbasa ka kaya Prince, lutang kana namang gago ka tsk." Prince: Psssstt... ZYLVEN! Ito para sayo ?." Aeris: Hahaha mga pasaway kayong lahat, kapag nabasa to ni Eruto di lang patalim ang ihahagis sa inyo kundi ito na ? hahaha." Pyre: Tangna! Nung meron dito? Ang iingay nyu nagising tuloy ang anak ko! Mga peste kayoo.." Gaelan: Kung sino man sa inyo ang malapit sa lugar ko! Pakidaanan na lang ako dito pede?" Prick: '?' Hydra: ' ?? ' Keros: patay! nagising ang reyna ng buhay ko ? iingay nyu kasi ? " Griffin: ? Waaahhh naykupo! Abandoned ship mga Bro! Napasok na tayo ng Amazonaaa... Go ?go?gooo." Brent: leave the group Pyre: leave the group Natatawa na lang si Eruto ng mabasa ang mga messages sa inbox nya, lahat ng mga baliw ay nag leave the group na, napapailing na ibinulsa nyang cellphone saka lumabas ng condo. ⚔⚔⚔ Samantalang naiinip naman si Alex kakahintay kay Eruto. Isang buwan na syang pabalik balik mula Engkantadya at mundo ng mga tao. Palaging sinasabi ng mga gagambang alagad ni Candy na walang Eruto o kahit na sino ang naligaw dun. "Hmp! Pag dika pa dumating ngayong araw Eruto, dina 'ko babalik dito, bahala kana sa buhay mo." Naiinis na tumayo sya mula sa pagkakasalampak sa sofa at naglakad patungo sa pinto, balak nyang maglakad lakad muna sa kagubatan para malibang. Ng sa pagbukas nya ng pinto ay bumungad sa harapan nyang labing dalawang naggagwapuhang kalalakihan. Napamulagat ang mga mata nya sa mga ito ng sabay sabay na bumati sa kanya. Pero kay Brent talaga nagtagal ang tingin nya. "Hello Ganda! Na miss mo ba'ko ha?" Bating pasigaw ni Brent para marinig sya ni Alex. Nagsipolan naman ang mga kasamahan nila. "Alex, nakahanda na kaming sumama sayo dun sa sinasabi mong Engkantadya." "Huh!" Naguguluhang napabaling ang tingin ng dalaga kay Eruto. "Ahm mga kaibigan ko! pede ba silang sumama satin? "Ha! Lahat sila?" "Oo, kung pede sana Alex!" Pinasadahan ng tingin ni Alex ang mga kalalakihang nagkukulitan, nagtatawanan at naghaharutan na parang mga batang walang pakialam sa kapaligiran. Natigil lang pagsasaya ng mga ito ng may narinig silang pagaspas sa kawalan, lahat tumingala at dun nila nakita ang isang babaeng kulay asul ang buhok na mahaba, may kasabay itong isang kwago na paikot ikot sa himpapawid. Bumaba ito sa harapan nila Eruto at Alex. "Amber! ba't naparito ka? May nangyari ba sa Umbra? Nagtatakang tanong ni Alex sa taga ulat ng Engkantadya. Natahimik naman ang mga kalalakihan na nakamasid lang sa pag uusap ng dalawa. "Ginagawa ko lang ito para makatulong sa isang kaibigan." "Bakit may nangyari ba kay Heneral?" Tiningnan ng makahulugan ni Amber si Alex, nagkaintindihan naman agad ang dalawang diwata. "Tara na! kailangan nating magmadali bago pa mahuli ang lahat!" Kaagad na naglaho ang dalawang diwata na ikinamangha naman nila Eruto. Pero sa isang kisapmata lang lumitaw ulit ang dalawang diwata sa harapan nila. Humihingi ng paumanhin kasi nakalimutang kasama pala sila. "Kayong anim kumapit kayo kay Amber." Tinuro ni Alex sina Keros, Pyre, Griffin, Eruto, Prick at Aeris na kaagad namang humawak kay Amber kasabay ng paglaho ng mga ito. "At kayong anim kumapit kayo sakin!" Mabilis na lumapit at yumakap sa kanya si Brent na tuwang tuwa pero agad ding napabitaw ng malakas nya itong tinampal sa likod. "Araayy! Anuba, wag mo nakong saktan! Kapagod na e! Reklamo ni Brent na napapangiwi sa hapding nararamdaman sa kanyang likod.. Sinadya talagang lakasan ni Alex ang paghampas sa likod nito, kasi napakaloko din nito minsan. "Hahaha, swapang ka kasi, kaya yan ang nababagay sayo." Pang aasar ni Mark na humawak sa balikat ni Alex, sunod si Zylven, Prince, Blaire at Gaelan.. Tanging si Brent na lang ang hindi pa nakakakapit kay Alex. Nilingon sya ng diwata saka tiningnan ng pailalim. "Ano sasama kaba samin o maiiwan ka dito?" Nakasimangot na lumapit sa kanila si Brent, may binabalak na naman ito, sigurado sya dun, kasi alam na alam na nyang pag uugali nito. Napailing na lang sya ng bigla itong yumakap sa kanya at kahit na tinutulak ito ng mga kaibigan nito kapit tuko talaga sa kanya ang binata, kaya hinayaan na lang nya. Naglaho na silang pito at sa isang kisapmata lang nasa Engkantadya na sila kung saan naghihintay na dun ang mga nauna nilang kaibigan. Halata sa mga hitsura ng mga ito ang pagkamangha. 'Candy nandito nako! At hindi ako uuwi ng hindi kita kasama... Pangako!' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD