Final Chapter

2031 Words
"Anong ibig sabihin nito Alex? Bakit mo dinala dito ang mga tagalupang yan?" Dumadagondong ang boses ng Ama ni Candy habang galit na galit nitong ibinagsak ang hawak na tungkod. Naglikha iyon ng malakas na lindol at may nagbagsakang kidlat sa kapaligiran ng palasyong Getah. "Kamahalan, pakiusap! huminahon po sana muna kayo at pakinggan ang nais kong iparating na salita sa inyo." Hindi naman naka galaw ang grupo ni Eruto, natutulala na lang sila sa mga kaganapan na nasasaksihan nila ngayon. "Isa kang lapastangan! Bakit mo sinuway ang utos ko ha? Alam mo ang batas sa kaharian ko." Ikinumpas Ni Haring Etan ang hawak nitong tungkod na nakaturo kay Alex na nabigla sa tumamang kidlat sa katawan nito na nagdulot ng malalaking hiwa at nagtalsikan ang mga dugo nito sa kung saan. "Uhhh... P - Patawad Mahal na H - Hari! Gwarkkk..." Hindi na napigilan ni Alex ang pagsuka ng dugo habang sapo ang bibig nito. Humahangos namang dumating si Reyna Jade at sa likod nito ay si Amber na syang sumundo dito. Lumapit agad ito sa Kabiyak saka niyakap ito para kumalma sana pero lalo lang itong nagalit ng makitang isang tagalupa ang lumapit kay Alex at dinaluhan ang diwata. "Alex!" Sa ginawa ni Brent na pagtulong kay Alex, nagsisunuran na rin ang mga kaibigan nito. "Mga lapastangan kayong lahaaatt! Kaylalakas ng loob nyung magtungo at tumuntong sa kaharian ko ng walang pahintulot." Kumumpas ang dalawang kamay ng Hari, hindi lang kidlat at lindol ang pinakawalan nito, may ipo ipo na rin na may kasamang ulan ang patungo sa kinaroroonan nila Eruto, pero bago pa yun umabot sa kanila, biglang lumitaw si Candy at pumagitna para apulahin ang daluyong na tatapos sana sa mga buhay nila. "Ama! Tama na po! Tumigil na po kayo Ama! Parang awa nyu na po!! Tama naaa!" Umiiyak na napaupo na lang si Candy sa bulwagan ng Palasyo, habang lumuluha ito ng mga brilyante. Natataranta namang nilapitan sya kaagad ng Ama't Ina nito. Isang rason na pinaka iingatan nilang wag mahulog sa matinding emosyon si Candy ay ang pagluha nito ng brilyante na kapag nasobrahan ay ikamatay nito. Isa rin ito sa dahilan kaya nag iisa lang syang anak ng Hari at Reyna ng Getah, yun ay dahil sa ang kanyang Ama ay isang puting mangkukulam at ang kanyang Ina ay isang diwata. Sa batas ng kahariang Getah hindi pwedeng magsama ang mangkukulam at diwata, dahil malalakas ang kapangyarihan ng dalawang angkan. Sa pagsuway ng kanyang mga magulang sa propeseya ng Getah isang makapangyarihang parusa ang ipinataw sa kanyang Ama't Ina na kailanman ay hindi na mawawala pa. Siya ang nagtaglay ng parusa at yun ay ang pagluha nya ng dyamante na kung hindi maampat ang paglabas nito sa kanyang mga mata maaaring ikamatay nya ng tuluyan. "Anak, tahan na! Patawarin mo ako sa nagawa ko! Pinangangalagaan lamang kita, ayokong magdusa ka sakaling magkamali ka sa iyong pasya." Yakap yakap sya ng mga magulang, at sa narinig na salita ng kanyang Ama, unti unting gumaan ang pakiramdam nya. Ang ipinagtataka nya lang kung bakit tuloy pa rin ang pagluha nya ng dyamante, diba dapat naampat na ito dahil gumaan ng pakiramdam nya? Pero bakit tila yata dumadami pa rin ang nilalabas nyang dyamante. "Tama na Anak! Kumalma kana, hindi makakabuti para sayo ang patuloy na lumuha,, kaya Anak, tumahan kana!" Ipipikit sana nyang mga mata para huminto ng pagtulo ng dyamante sa kanyang mga mata ng mahagip ng kanyang paningin si Eruto. Lumuluha rin ito habang nakatingin sa kanya. Hindi ito lumalapit sa kinaroroonan nya, marahil ay natatakot sa kanyang Ama. "Eruto..." Tila naman nakalimutan ni Eruto ang lahat ng nakapaligid sa kanya ng marinig ang boses ni Candy. Tanging si Candy lang ang kanyang nakikita wala ng iba. Dahan dahan syang naglakad palapit dito habang pinupunasan ng kamay ang kanyang mga luha. Ang mga magulang naman ni Candy ay agad umalis sa kanyang tabi para bigyang puwang si Eruto na makalapit sa kanya. "Candy!" Lumuhod si Eruto sa harapan ni Candy saka dahan dahan nyang niyakap ito, kaagad namang niyakap dim sya ng diwata. "Sinasabi ko sayo na kahit ano mang mangyari ay hindi ako susuko sayo. Lahat gagawin ko para sayo; para sa ating dalawa. Mahalaga ka para sakin at kahit kailan ay hindi ko kayang mawala ka. Para sa sarili ko alam ko kung gaano ka kahalaga para sakin at kung papano ka naging parte ng pagkatao ko at binuo ako para maging kung sino man ako ngayon." Humigpit ang pagkakayakap ni Candy kay Eruto. Masayang masaya sya dahil minahal sya ng binata sa tamang paraan. Na hindi sya kailanman gumamit ng kung anong mahika mapaibig lang ito. "Tinitignan palang kita ay kusa na lang pumapasok sa isipan ko kung gaano ako kaswerte dahil sakin ka at kung gaano ako naging masaya simula ng nakilala kita. Pinipikit ko na lang ang mga mata ko at iniisip ang bawat sandali, bawat ala-ala, bawat pangyayari na ating pinagsaluhan, pati narin ang mga bagay na nagpabago satin at naglagay satin sa kung nasan man tayo ngayon. Titignan lang kita sa mukha mo at hahawakan ko ang kamay mo at ipaparamdam sayo kung gaano ba ako kapalad na nandito ka sa tabi ko." Nangiti na lang si Candy sa mga sinabi ni Eruto na nagpabalik sa mga alaala nilang dalawa. Patuloy lang syang nakikinig dito habang magkayakap pa rin silang dalawa. Nahinto na rin ang kanyang pagluha ng dyamante. "Hindi ako kailanman bibitaw sayo dahil alam ko para sa sarili ko kung gaano kalaki ang mga paghihirap ko para makuha kita; kung gaano karami ang mga balakid para mapaghiwalay tayong dalawa at kung gaano kadaming pagsubok ang sumubok sa katatagan nating dalawa. Wag na wag kang bibitiw dahil parte lang ito ng bawat relasyon at ito lamang ay nangyayari na kung saan ay ginagawa lamang nitong matatag at may pundasyon ang ating pagsasama. Ang mga problemang darating satin ay panandalian lamang; hindi nito matitibag o masisira ang ating pagsasamahan. Hindi ako susuko sayo kahit ano mang mangyari dahil alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng isang minamahal na syang pinakaimportante sa tanang buhay mo. Kahit na minsan ay may hindi tayo pagkakaunawaan o tampuhan, ayusin natin ito agad at wag patagalin dahil sandali lang naman ito, wala lang ito kaysa sa tagal ng pinagsamahan natin. Ayaw kong mawala ka sakin. Basta hindi ako susuko sayo kahit na ano mang mangyari. Mahal na mahal kita Candy, wag mo na ulit akong iiwan ha!" Bumitaw sa pagkakayakap si Candy, pinakatitigan nito ang mukha ni Eruto, sinapo naman ng binata ang magkabilang pisngi ni Candy, akma na nyang hahalikan ito ng may biglang tumikhim. Napatigil naman bigla si Eruto saka sinundan ng tingin kung saan nya narinig ang tumikhim.. Nanlalaki ang mga mata nya ng magtagpo ang tingin nila ng Ama ni Candy. Dun lang bumalik ang lahat sa kanya, tila biglang naglaho ang mahikang nakapalibot sa pagitan nila ni Candy at ng mga nakapalibot sa kanila. "K - Kamahalan, pasensya na po, sa mga nagawa ko! Patawad po!" Nauutal na hinging paumanhin ni Eruto. Kaagad syang tumayo saka inabot ang kamay ni Candy para tulungan itong makatayo. "Ama, Ina, sya po si Eruto ang tagalupa na iniibig ko. At sila naman ang mga kaibigan ni Eruto na naging mga kaibigan ko na rin." Pakilala ni Candy kay Eruto sa mga magulang. Ngiting ngiti ang kanyang Ina samantalang napaka seryoso naman ng kanyang Ama. Ang mga kaibigan naman ni Eruto ay malapad ang pagkakangiti at panay ang senyas ng mga ito sa kanilang dalawa. "Tagalupa, anu ang mga balak mo at makakayang gawin para sa Prinsesa namin?" Tanong ng Ama nya kay Eruto. Ramdam nyang lumalambot ng kanyang Ama. Malapit na! konti na lang at makukuha na nila ni Eruto ang basbas nito. "Pakakasalan ko po ang Anak nyu, kahit ngayun din kung papayag po kayo!" "Aba'y syempre sang ayon kami, diba mahal?" Kinindatan ng Ina nya ang kanyang Ama na wala ng nagawa kundi ang mapabuntong hininga. Kasabay nun ang pag palakpak nito, kaagad na lumapit ang taga ulat nila. "Yana, e ulat sa buong Engkantadya ang pag iisang dibdib ng Mahal na Prinsesa at ng Tagalupa !" "Masusunod po Mahal na Haring Etan, ngayon din po e uulat ko, Maaliwalas na araw Mahal na Haring Etan, maaliwalas na araw Reyna Jade, mahal na Prinsesa Ixeo. Paalam!" Yumukod si Yana pagkatos ay bigla na lang itong naglaho. Naghawak kamay naman sila Eruto at Candy saka bigla na ring naglaho na ikinailing na lang ng Hari at Reyna. "Wanda, dalhin ang lahat ng panauhin sa kani kanilang silid para makapagpahinga." Utos ng Reyna sa tagapag silbi na agad namang tumalima. "Maraming salamat po sa inyo, Mahal na Hari at Mahal na Reyna." Sabay sabay na pasasalamat ng mga kaibigan ni Eruto. Ng makaalis ng mga ito saka naman nilapitan ng mag asawa si Alex. Ginamot ng Reyna ang mga sugat nito, at ng tuluyang maghilom humingi kaagad ng tawad si Alex sa Hari na pinatawad naman sya. ⚔⚔ Samantala sa hardin naghihintay si Eruto at Candy sa gaganaping pagdiriwang ng kanilang kasal. Nakaupo si Candy sa swing habang tinutulak naman ito ng mahina ni Eruto. "Alam mo Eruto may kanta ako para sayo, ang pamagat nya "Better Place", narinig ko ito ng minsang nagpapatogtog ng radyo si Alex habang nagluluto ng tanghalian namin. Gusto mo bang marinig?" Naging excited naman bigla si Eruto. "Talaga! Sige nga kantahin mo para marinig ko naman!" Ngumiti lang si Candy saka nag umpisang kumanta. "Better Place"♪ ♪ ♪ ♪ I'll tell the world, I'll sing a song It's a better place since you came along Since you came along Your touch is sunlight through the trees Your kisses are the ocean breeze Everything's allright when you're with me And ah, you're my favorite thing Ah, all the love that you've bring Well, it feels like I've open my eyes again And the colors are golden and bright again There's a song in my heart, I feel like I belong It's a better place since you came along It's a better place since you came along I see the whole world in your eyes It's like I've known you all my life It just feels so right So I pour my heart into your hands It's like you really understand You love the way I am And ah, you're my favorite thing Ah, all the happiness you bring Well, it feels like I've opened my eyes again And the colors are golden and bright again And the sun paints the skies and the wind sings her song It's a better place since you came along It's a better place since you came along Now I'm alright, now I'm alright, everything's alright 'Cause it feels like I've open my eyes again And the colors are golden and bright again There's a song in my heart, I feel like I belong It's a better place since you came along It's a better place since you came along♪ ♪ ♪ ♪ Ngiting ngiti si Candy pagkatapos nyang kumanta, samantalang nakatulala naman si Eruto na nakatingin lang sa kanya. Kinalabit nya ito sa braso. "Hoy! Eruto, ano maganda ba yung kanta ha! Nagustuhan mo ba?" Napakurap kurap naman si Eruto saka unti unting napangiti ng malapad. Hinalikan nya sa nuo si Candy saka sinabing... "Ang swerte swerte ko dahil ako ang minahal mo, Sana hindi ka magsawa at magbago sakin! Mahal na mahal kita Candy, lagi mong pakantandaan!" Hinalikan din sya ni Candy sa noo, saka niyakap at sinabing... "Wala nakong mahihiling pa, basta't kasama lang kita masaya na ako at maligaya. Hinding hindi kita iiwan, mahal na mahal kita Eruto hanggang kamatayan at maging sa kabilang buhay ikaw lang ang mamahalin ko!" Kapwa nakangiti na nagyakap ang dalawa at ng matapos magyakapan, senelyuhan nila ng halik ang mga pangako nila sa isa't isa." - Eruto at Candy❤Love Story - "When you smiled, you had my undivided attention. When you laughed, you had my urge to laugh with you. When you cried, you had my urge to hold you. When you said you loved me, you had my heart forever." - THE END - ?MahikaNiAyana

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD