Xiera's POV Hindi ako makakilos ng maayos. I feel like I'm being watched. Tapos kapag lumilingon naman ako sa paligid, wala namang nakatingin sa akin. Ganito ata talaga kapag may ginawa kang kalokohan, hindi ka mapapakali kase natatakot kang bigla na lang sumabog sa mukha mo 'yong kalokohang ginawa mo? Ano pa ba naman kaseng ginagawa dito ni Dylan? Sana umuwi na lang siya tutal mas kailangan siya ng mag ina niya doon. Naku! Pasalamat talaga siya hindi ko nakuha yung number ni Ali, isusumbong ko talaga. He's flirting with my Tita's and my Tito's are okay with it. Napabuntong-hininga na lang ako ng malakas. And here I am, inuubos ko ang lakas at oras ko sa pagbabantay nitong iniihaw na mga barbecue. Marami-rami naman 'to so pwedeng-pwede akong tumambay rito habang kumakain sila. I can use