Chapter 1
Xiera's POV
"Ouch! Ikaw na naman?" ilang beses ko pa bang makakasalubong itong taong ito? Parang halos araw-araw na lang. Kung hindi sa Xavier University, sa main office naman ng Xavier Empire ko siya nakikita. "Wala ka bang ibang hobby? Parang lagi ka na lang nakabuntot kay Kuya Xander," pagtataray ko. Don't get me wrong, I'm not this rude. Mom said I'm a sweetheart. Kung ganitong klase ng tao ang palagi mong makikita at mambubwisit sa 'yo matutuwa ka ba?
He's always trying to get in my nerves. Given the fact that he's ten years older than me dapat mature na siya. He should at least try to be an older brother since he's friends with my Kuya and my other kuyas.
Hindi ganun si Dylan. Ang lakas-lakas niyang mang-asar! Ang galing pa umarte. He's always acting like a nice person kapag kaharap niya sila Kuya Xander and Kuya Luke. Pero kapag ako na lang para siyang bunsong anak ni Lucifer. Nakakairita! Kaya hindi rin ako makapagsumbong ulit sa mga kuya niya dahil sasabihin na naman ng mga 'yon, gumagawa lang ako ng kwento para mapansin ni Dylan kasi raw 'may gusto ako kay Dylan.
As if naman na magugusuhan niya si Dylan.
Ako? Magpapansin sa Dylan Strautt na 'yon? Ano ako may older brother issue? I like my friends the same age as me. Mas lalong ayaw ko namang mag-boyfriend ng mas matanda sa akin ng sampung taon. Marami na rin akong mga ate at kuya kaya hindi ko na kailangang magdagdag pa.
"I had a business meeting with your father, princess." He said, emphasizing the word princess para lang asarin ako.
And did I just saw a flicker of hate in his eyes when he mentioned the word father? Hindi lang ako sure sa nakita ko kasi sobrang bilis lang naman nawala but I swear, I saw it.
I haven't introduced myself yet, I'm Xiera Pedroza, Toby and Nhia Pedroza's unica hija. Xander Pedroza's only sister. Actually, tatlo kami. Ang sabi ni Mommy may isa pa raw siyang anak na lalaki, si Kuya Xavier. Sa kanya ipinangalan ang buong empire kasi gusto nilang i-honor kay Kuya lahat ng paghihirap ni Daddy at ng mga tito ko. Sadly, matagal nang patay si Kuya Xander. Ang sabi kay Mommy ng nurse na nagpa-anak sa kanya ay patay na daw si Kuya Xavier noong ipinanganak siya.
Mommy had a very tragic past na ayaw na nilang pag-usapan but I overheard Nanay and my titas talking about it when I was a bit younger. I heard Nanay was kidnapped by her friend before, assaulted, sexually abused and tortured her for months while she's pregnant with Kuya Xavier and when she gave birth, patay na nga si Kuya.
I also heard na naging mentally unstable si Mommy that she was forced to be admitted sa isang mental institution somewhere. That's where Daddy Toby found her again. Ayaw pa nga daw ni Mommy maniwala na wala na si Kuya Xavier kasi narinig niya pa raw na umiyak si Kuya bago siya nawalan ng malay.
And due to the torture, she received, nasira daw yung ovaries ni Mommy kaya nahirapan na siya mag-conceive ulit. Kuya Xander is a blessing, I came from an orphanage. Pero okay lang. Never ko namang naramdaman at hindi naman nila pinaramdam na hindi ako mahal ng pamilya ko pati na ng extended family namin. Konti lang kaming mga babae so our kuyas swore to protect us. They don't want us to suffer the same fate my Nanay had to endure.
"Wala naman sa campus ang opisina ni Daddy?" I continued arguing. Sino namang maniniwala sa kanya, nasa Metro ang main office ng Xavier Empire. Nandoon ang opisina ni Tatay pati na rin nila Tito Brad, Liam, Louie, Stephen at Iñigo. So, anong ginagawa niya sa Xavier University na ilang kilometro ang layo sa kanila?
"Alam ko, but you're here. And I wanted to see you," kibit-balikat niyang sabi saka inabot sa akin yung dala niyang isang paper bag ng takeout food. "Flowers are so overrated. Isa pa masyado 'yong mabilis na malanta. I wanted to give you something that will definitely reminds me of you." his accent was off. But it's definitely sexy. Ang alam ko kase Pilipino siya. His father was half Columbian. His mom? I'm not sure. Parang never ko pa siyang narinig na nagkwento tungkol sa mommy niya. Ang alam ko lang hate niya ang mommy niya. And sa Columbia na talaga siya lumaki at tumira for the past twenty-nine years kaya na-adopt niya na ng todo ang accent doon. Although marunong siyang magsalita at umintindi ng tagalog.
Napairap ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niyang 'yon. Nang-aasar na naman ito malamang. Sorry na lang siya, expert sa pambobola ang mga kuya ko so alam ko kung paano ang seryoso at hindi.
"If I know tinanggihan ka lang ng unang binigyan mo niyan kaya sa akin mo na lang ibinibigay para 'di saying," pang-asar na sabi ko. Gagawin pa ata ako nitong tagasalo ng mga bagay na ibinibigay niya sa ibang babae na tinatanggihan naman nila. "Dude, ganyan talaga ang buhay, basted minsan,"
"Bakit naman ako magbibigay sa 'yo ng left over? I have money. I can buy a new one or at least ask someone to buy me stuff instead of giving you something just because someone refused it," kunot-noong sabi niya. "One more thing, why would anyone refuse me?"
Ang yabang naman po pala.
"Wala naman palang tumatanggi sa 'yo, so bakit ka nga nandito?" inayos ko ang uniporme kong nagusot dahil binangga niya ako. "Isa pa, you wanted to give me something that will remind you of me? Corn dogs will remind me of you?" amazed kong tanong. Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako. Ano bang gusto niyang palabasin?
"Well, yes. It will remind you of me. One bite and you won't be able to stop," kinindatan niya pa ako pagkatapos niyang sabihin 'yon. My heart skipped a beat, he's just an inch away from me, at hindi ko alam kung naririnig niya ang eratikong t***k ng puso ko sa mga oras na 'yon.
Napatitig ako sa kanya ng matagal. Pagkatapos ay tinitigan ko rin ang bodyguard/driver niyang nasa malapit lang. I know--I feel, they're both dangerous. And that I should stay away.
But God help me, I wanted to take a bite!