24 Xiera's POV Ongoing pa rin yung investigation tungkol sa mga estudyanteng binully nina Alvin at hindi na ako nakialam. Hindi ko na kailangang makisali dahil sa dami ng lumapit para magreklamo laban sa kanilang tatlo at sa ibangga kaibigan nila galing sa ibang school, sapat na 'yon para makulong sila. May mga nagreklamo rin galing sa iba't-ibang eskwelahan tungkol sa mga ginawa ni Alvin sa kanila, to the point na may ibang estudyante na nagbabayad pa sa kanila para lang huwag ileak yung mga videos nila. It's a crime, child po*no*graphy is. Some of their victims are as young as twelve years old. Balita ko rin, ipinasara na 'yong XXX permanently. Bukod kase sa pagpapapasok nila ng mga menor de edad sa ganoong klaseng establishment, nakitaan din sila ng paglabag. Walang sanitation perm