Xiera's POV
"Xie, have fun!" Halos hilahin ako nina Delayla at Dottie papunta sa gitna para lang magsayaw. Akala ko ba overnight? Hindi naman ako na-inform na pupunta kami dito.
Isa pa, minor pa kaming tatlo. Hindi ko alam kung bakit kami pinayagan ng bouncer na makapasok. Sabagay, hindi naman kami hiningian ng ID. Hindi rin naman kase mukhang menor de edad ang suot nilang dalawa. When Dottie said na lalabas kami, I thought kakain lang kami sa labas. Kaya laking gulat ko noong sa tapat ng bar kami nagpunta. Kaya pala pinagpalit nila ako ng damit.
I am familiar with bar protocols. Sa Shapes kase hinihingian ng ID bago pumasok. At saka nakakapasok lang din naman ako doon kapag kasama ko sina Ate Jaime. Mabibilang pa 'yon sa daliri.
I am expecting pajama party nights and pillow fights and watching movies, eating ice cream, and chilling. I am expecting us to play charades after studying. I expected to play truth or dare. To talk about boys. I am expecting them to ask me about Alvin, I already know my answer. Not this. I don't know what to do here. I realized, they grew up. Not me.
"I can't. I don't drink alcohol." Tanggi ko pa noong ibinigay niya sa akin 'yong isang shot glass. Kapag nasa shapes ako, they make sure na orange juice lang ang sineserve sa 'kin. Kulang na nga lang inumin nila Kuya 'yong mga drinks na ibinibigay sa akin para lang masigurong non-alcoholic drinks 'yon.
"There's always a first time for everything." Sulsol niya pa. Parang hindi ko kilala kung sino itong kausap ko ngayon. She's not Dottie. My friend Dottie will never do this. She never wear make up dahil bawal sa school. But seeing her like this? Wearing skimpy clothes, with her face full of make up. I don't know her. It's as if a devil possessed her body.
Even Delayla. Na ngayon ay napapaligiran ng ilang lalaki habang sumasayaw sa gitna. I am worried about her. I know she can take care of herself pero hindi ko pa rin mapigilan ang magworry.
Ate Zylie said, girls are allergic to alcohol. But it doesn't make us itch, it makes us spread our legs. I don't want to spread my legs yet. Ano ba? Hindi pa nga ako nagkakaroon ng crush, s*x kaagad?
Ipinilig ko na lang ang ulo ko at saka ko ulit tinignan sina Delayla at Dottie. They're being harassed. Wait, is it still considered as harassment kung aware naman silang dalawa? I mean it looks inappropriate but I can see that they're having fun. Dottie is even grinding her back doon sa lalaking kasayaw niya. I am bored and alone. Hindi ko magawang magsaya kagaya nila. I can't let my guards down. Hindi pwedeng tatlo kaming lasing, baka kung anong mangyari sa amin. I need to be sober enough to call a cab, or Dottie's driver, or home.
NOPE! I can't call home. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila kung nasaan ako at kung anong ginagawa ng mga kaibigan ko. What if hindi alam ng parents ni Dottie kung saan kami nagpunta? Edi napagalitan pa si Dottie and it's going to be my fault? Kaka-okay pa nga lang namin noong nakaraan e, sisirain ko na naman ba?
Naupo na lang ako sa gilid habang pinapanood silang dalawa. Incase may pumalag or they feel uncomfortable, madali na lang akong tumawag ng bouncer para tumulong.
"I am bored, I miss my books. I miss my room. I miss my book-boyfriends. I miss--
"I know you're interesting but I didn't know you're this kind of girl." Tinanggal ko ang tingin sa dalawa para tignan yong lalaking nagsalita. Napasinghap ko. Gusto kong magpalamon sa lupa sa kahihiyan sa mga oras na 'yon. Why o why. Why did it have to be him?
"A-alvin, w-what are you doing here?" Natatarantang sabi ko. "I uhh... uhmmmm..." Gosh, I don't know what to say! Para akong batang nahuli na nanonood ng porno! Only this time, this is more embarrassing kase siya ang nakahuli sa akin.
Hindi ko alam kung ituturo ko ba sina Dottie sa kanya o hindi. Maybe I should, maybe its a good idea. Baka pwede siyang pumunta doon at hilahin yung dalawang kaibigan ko para kumalma.
Pero bago ko pa man din magawang magsalita, sinundan niya na ng tingin 'yong tinitignan ko kanina pa.
"Ah, I see. Your friends are here again."
Again? They've been here before?
"Yeah. But why are you here?" Tanong ko. I don't believe in coincidences. Masyadong malaki ang Metro para aksidentent magkita kami rito.
"I.." ngumiti siya ng tila nahihiya at saka yumuko. "My brother owns this place."
Makes sense. Kaya siguro hindi na kami hiningian ng ID sa labas kase kakilala ng may ari ang mga kaibigan ko.
"I'm managing it."
Natulala ako. How can someone my age manage a place like this? Kung sabagay, classmate ko si Alvin but she's two years older than us. Ang alam ko kase tumigil siya sa pag aaral before. Hindi lang ako sigurado kung anong dahilan. Not that I wanted to know or he wanted other people to know.
"That's amazing!" And I mean it. Sa imperyo, as early as eighteen, tinatanong na nina Tito ang mga Ate at Kuya ko kung anong future plans nila, how they see themselves ten years from now para daw mapaghandaan nila.
Ako, I wanted to be a philanthropist. I wanted to help kids like me. I wanted to make sure they have a brighter future. That's what I wanted to be when I grow old.
"Not really. I mean it's good. The pay, the free booze, yon nga lang, hindi ko pwedeng ipaalam sa iba. Baka mapatalsik ako sa Xavier University kapag nalaman nilang barman ako."
Natawa kaming pareho sa sinabi niyang 'yon. I didn't realize, I'm already having fun while talking to him.
"Kanina pa tayo magkausap dito pero hindi mo pa man lang nagagalaw 'yang baso sa harapan mo." Napatingin din ako doon sa baso sa harap ko. I'm still having second thoughts. Hindi ako sigurado kung anong mangyayari sa akin kapag ininom ko to.
"I don't drink alcohol."
"KJ." Pang aasar niya pa. Sinenyasan niya 'yong waiter at pagbalik nito ay may dala na siyang isang bote ng beer.
"KJ ka d'yan, hindi nga ako umiinom. Isa pa, kita mo naman ang itsura nung dalawa, kung pati ako magwawala, paano na lang kami makakauwi ng buo?" Biro ko pa.
"I told you, they've been here a couple of times. Kilala sila ng mga empleyado namin and they're looking out for Dottie and Delayla. Ako mismo ang naghahatid sa kanila pauwi when they're passed out from drinking."
"Aww.. Ang bait mo naman." Ang alam ko sa isip ko lang sinabi 'yon kaya nagulat ako noong bigla siyang ngumisi.
"It's not being mabait. I'm just doing my job as their friend and classmate."
Nakagat ko yung pang ibabang labi ko ng doon. It felt awkward. Mabuti na lang, napansin ata kami nina Delayla kaya nagpunta sila sa pwesto naming dalawa ni Alvin.
"Alvin my friend, how are you? Kanina ka pa dito?" Ani Dottie na naupo sa tabi ni Alvin. And they're sitting really close to each other that Dottie's elbow is touching Alvin's stomach. Maybe she's drunk pero ako yung na-aawkwardan sa sitwasyon.
"Not really, around thirty minutes, I guess." I saw him wrapping his arms around Dottie's waist pero ibinaba niya rin 'yon matapos niyang mapansin na nakatingin ako. But Dottie doesn't seem to mind me. Sa katunayan nga, ipinagpatuloy niya pa ang pakikipag flirt kay Alvin na tila wala ako rito.
Okay, what's going on? Akala ko ba ako ang nililigawan niya? Pero bakit parang ang normal lang sa kanilang dalawa ng mga ginagawa nila?
Alam ni Dottie na nanliligaw sa 'kin si Alvin. Siya pa nga mismo ang nagtutulak sa akin sa kanya e. Pero bakit ganun? Why does it looks like she's purposely doing it to spite me.
"So, did you do it?" She asked.
"I didn't have time." Alvin replied. Hindi ko maintindihan kung anong pinag uusapan nilang dalawa. Do what? May usapan ba sila? Alam ba ni Alvin na pupunta kami dito?
But he looked surprised when he say me there.
Baka naman alam niyang pupunta sina Dottie, hindi niya lang alam na kasama ako?
"Xie," Delayla tapped my arm, pulling me from my chain of thoughts.
"H-huh?"
"I need to go to the bathroom, samahan mo naman ako." Nakapout niyang sabi. Nagpalipat-lipat ako sa kanya at sa dalawang nasa harapan ko and then I took a deep breath. Sasamahan ko na lang si Delayla. Baka nakakaabala ako sa kanilang dalawa. Maybe I should take to Dottie after this. Baka kase interesado siya kay Alvin, I'm willing to give way. Hindi naman ako ganoon ka-interesado sa kanya. It just feels good to find someone who really shows interest in me. Pero kung magiging dahilan lang din naman siya ng gulo sa pagitan naming magkaibigan, edi sa kanya na.
"Uhmm. Sige, I need to use it naman e." Maybe I'm just imagining stuff pero nakita kong nagkatinginan ng makahulugan sina Dottie at Delayla bago kami tumayong dalawa. She wrap her arm around mine bago niya ako hinila papalayo. Sa gitna kami ng dancefloor dumaan dahil ang sabi niya, mas mabilis dito kaysa dumaan pa kami sa gilid pero mas mahirapan kaming makisiksik sa dami ng tao.
"Ugh. Finally!" Agad na pumasok sa loob ng stall si Dottie habang nanatili ako sa labas. I am looking at myself in the mirror, I look happy. Alvin made me happy. Pero hanggang doon lang siguro 'yon. Maybe were better off as just friends. Binuksan ko 'yong faucet and I pretend to be washing my hands noong naramdaman kong palabas na si Delayla sa stall. She stood beside me as she wash her hands too.
Pagkatapos noon ay kinuha niya galing sa maliit niyang bag 'yong compact pressed powder at lip tint niya na kulay red. Hindi pa rin ako sanay na makita siyang ganoon kaya naman nakatulala lang ako sa kanya.
"You want?" She asked when she noticed me looking. Umiling ako at saka humarap ulit sa salamin.
"Delayla, I have a question."
"Sure go ahead." Wala sa loob niyang sagot habang inaayos yung false eyelashes niyang tumabingi ng konti. She's even putting mascara over it.
"Sina Dottie at Alvin..." Hindi ko alam kung paano ko tatapusin 'yong sentence na yon. Baka kase mali ako. Maybe I'm just overreacting.
Inilapag ni Delayla yung mascara tube bago siya humarap sa akin. "What about them?"
"Ano... Uhmmm... Close ba talaga silang dalawa?" Ayaw kong mag assume at lalong ayaw kong magbulag-bulagan. I need to know the truth bago ako tuluyang mag invest ng feelings ko para sa kanya.
"Ang alam ko magkababata sila kaya noong nagtransfer si Alvin last year, nagdrop out siya para lang makasabay grumaduate si Dottie." Wala lang na sagot niya sa tanong ko.
"So malalim ang friendship nilang dalawa?" That explains pagiging touchy nilang dalawa.
"Yup. Kaya huwag mong pansinin yung dalawang 'yon, pareho kase silang only child at parehas madalas wala ang magulang kaya ayan, naging close sila." I took a deep breath at napansin 'yon ni Delayla. "Wait, don't tell me na nagseselos ka sa kanilang dalawa?"
"Uy, hindi ah!" Masyadong defensive kong sagot. "Curious lang ako. Ayaw ko namang magkaproblema kaming dalawa ni Dottie dahil lang sa kanya."
"Sus, hindi noh. Kilala mo naman yung si Dottie, touchy talaga 'yon pero wala namang malisya sa kanilang dalawa ni Alvin. Maybe she sees him as a brother, kaya huwag ka nang magselos dyan." She bumped my hip using her hip. "Halika na, balik na tayo doon. Tama na yang pang ooverthink, hindi nakakaganda yan."
"Uy, hindi ako nag ooverthink ah!" I said. Nagsmirk lang si Delayla at saka siya lumabas. Sumunod ako. Pero paglabas namin sa CR, bumungad kaagad sa amin ang dalawang babaeng naghahalikan sa may pintuan ng CR. I wanted to look away and continue walking pero parang naglue yong paa ko sa semento, lalo na noong biglang nag angat ng tingin yung isang babae at tumitig sa akin.
"Uy Xie, it's rude to stare. Come on." Hila sa akin ni Delayla. Pagbalik namin sa table, naguusap at nagtatawanan pa rin silang dalawa. I tried remembering what Delayla told me, na magkaibigan lang silang dalawa.
"What took you so long?" Tanong ni Alvin pagkaupo ko.
"Si Xiera kase, ngayon lang ata nakakita ng naghahalikan na dalawang babae, ayun, natulala." Natatawang kwento ni Delayla.
"Uy. Hindi ah! Na-curious lang ako. Sa movies lang kase ako nakakapanood ng ganoon. Iba oa rin pala talaga kapag nasa harapan mo na." Although I have to admit, they look awesome.
"Huwag nyo nang lokohin si Xiera. She's new to this. Lwt her explore." Pagtatanggol sa akin nu Alvin. May kinuha siyang kulay pula na inumin na nakalagay sa mataas na baso at saka iyon inislide sa harapan ko.
"I don't--"
"It's not alcohol. Cranberry juice. So don't worry about getting drunk." Nakangiting sabi niya. He looks so handsome when he smiles.
"Thank you." Nahihiya man ay tinanggap ko pa rin 'yon. I even took a sip. Alvin prepared this. He made an extra effort dahil alam niyang hindi ako umiinom. I should atleast show him that I appreciate it.
Ilang minuto lang, nasa gitna na rin ako at sumasayaw. I feel so light, so free. And I'm laughing. Hindi ko alam kung anong nakakatawa but I kept on laughing and dancing. I noticed a hand grabbing my waist but I pushed it away and I continue dancing. I was so light, so happy. Until I felt the commotion around me and that someone pushes everyone at saka niya ako kinarga. I remember grabbing onto his butt before my face is facing his ass and I felt a sharp sting on my back side before I passed out.