Xiera's POV "WHAT ARE YOU DOING?" kitang-kita ko sa mukha ni Dylan ang inis sa nakikita niya ngayon. Ay bakit siya maiinis, wala naman akong ginagawang masama. Wala naman kaming ginagawang masama. "Wa-" "Were just talking." Kalmadong sagot ni Rhyz. Talking? hindi ba nagbabanggayan kaming dalawa kanina? Naglakad si Dylan papasok sa loob ng classroom namin at tumigil lang siya sa tapat naming dalawa ni Rhyz. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong hawak ni Rhyz at nakita ko ang pagngangalit ng bagang niya. Teka... hawak ni Rhyz ang kamay ko? Bakit? Kailan? Bakit hindi ko matandaan? "Halika na. I'll take you home." Sabi ni Dylan at saka niya kinuha kong isang kamay ko at saka ako hinila palayo kay Rhyz. Pero hindi naman niya binitiwan yong kamay ko kaya ayun, para silang naglaro ng tug of