Xiera's POV
"You're awfully quiet now Xie, what's wrong?" Tanong ni Kuya Xander sa akin habang nagdadrive. Katabi niya yung asungot na si Dylan sa front seat at halos sabay pa silang sumusulyap sa akin sa rear view mirror.
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko naman din pwedeng sabihin sa kanya kung anong problema ko, I can't tell them him that, a.) That overnight is a bad idea and b.) being trapped inside the car with Dylan on it doesn't sit well with me. Kinakabahan ako. Para kase siyang may iniisip na hindi maganda. I don't like it.
Lalo na kapag nararamdaman kong nakatitig lang siya sa akin. I don't like him before and I still don't like him now.
"Wala, Kuya, iniisip ko lang 'yong mga deadlines ko sa school. You know naman, I'm graduating this year. I wanted Mommy and Daddy to be proud of me." Pagsisisimula ko. I wanted to tell him na ayaw kong pumunta without telling him na ayaw kong pumunta. Ewan ko ba? Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako samantalang overnight lang naman 'yon. Isa pa, kasama ko naman ang mga kaibigan ko. Kaya lang kase... basta, gut feeling. And Ate Jaime once told me to trust my gut feelings.
"That's why you needed a break. Go out with your friends. Have fun."
"But, I need to review. Exam week na namin next next week. I cannot afford to have fun."
"But, I'm ordering you to have fun. Take a break, give your brain a rest bago yung exams na sinasabi mo. It'd good to recharge and refresh your mind before the bog day, believe me. Your body and mind will thank you for giving it to them."
Napasandal ako ng wala sa oras. Napasama pa ata yung sinabi kong 'yon. How can I convince him na huwag na lang akong tumuloy? That there's an eminent danger I have to avoid? Kase kung hindi, I don't have other choice but to just go.
"Xiera," tawag ulit sa akin ni Kuya. He can't look at me directly kaya naman sa rear view mirror lang kami nag uusap.
"Hmmm?"
"You don't need to make them proud. Mom and Dad, they love you and they're already proud of you. Just enjoy your life. You're too young." Dagdag pa ni Kuya. Nakatingin pa rin ako sa may rear view mirror kaya naman nakita ko ang pagngisi ni Dylan matapos sabihin 'yon ni Kuya. See? He's really plastic. Akala mo kung sinong mabait tapos may tinatago naman pala. I said it before and I'll say it again, he is dangerous. Dylan is dangerous. Hindi ko alam kung bakit hindi iyon nakikita nina Mommy at Daddy.
He is dangerous. And yet... And yet, he can make my heart beat faster.
Is it possible na kaya ganito ang nararamdaman ko para sa kanya ay dahil alam ko sa sarili kong masama siyang tao kahit wala naman akong ebidensya para patunayan 'yon? Wala. Just my instinct.
"Damn Xiera, just go to that effin party. Baka mamaya umiyak pa akong kuya mo dito." Pang aasar ni Dylan kay Kuya. He's smiling but I cannot see humor in his eyes. I saw hatred, na agad rin namang nawala noong kumurap siya.
"Alam mo Dylan, pakyu ka!" Pabiro pa itong sinapak ni Kuya sa braso. "Kung wala lang akong kailangan sa 'yo, may kutos ka na sana sa akin." Dylan smirked. Kuya was not able to see it dahil busy siya sa pagmamaneho, unlike me na parang nanonood ng pelikula sa likod. I can he his facial expression. All of it. Pati nga 'yong pagngangalit ng panga niyang sa libro ko lang nababasa, kitang-kita ko e.
"You know you can always smack me... Or atleast try to smack me. Hindi naman kita pipigilan e, just don't expect na hindi din kita gagantihan."
Ako 'yong kinakabahan dito sa likod habang nakikinig sa kanila. Normal naman 'yong ganitong klase ng asaran, sina Kuya Lucas at Kuya Rylie nagsasapakan pa ng malala e. Tapos parang wala lang. Pero eto kase, hindi naman namin ka-close si Dylan, hindi naman din ako lumaki na nakikita siya kaya hindi ko alam kung ano ang ugali niya. Bigla na lang siyang dumating sa buhay namin and Kuya Xander and him clicked. Kahit 'yong ibang mga kuya at ate ko, even Tito's and Tita's humaling na humaling sa kanya.
"Sure, namiss ko rin mag-boxing. Square tayo one time." Excited na sagot ni Kuya Xander. He's taking it as a joke pero pakiramdam ko, seseryosohin 'yon ni Dylan.
Ipinilig ko na lang ang ulo ko. Kung ano-ano na namang iniisip ko. Bakit ko nga ba poproblemahin ang mga bagay na wala pa naman? Kung magsasalita ako at sasabihin kung anong napapansin ko, baka sabihin na naman ni Kuya Xander, sinusubukan kong agawin ang atensyon ni Dylan.
I scoffed. So loud, they heard it. Kinailangan pang tumigil ni Kuya Xander sa pagmamaneho para lang tignan ako.
"What's the matter, Poohpoohbear?" Nakangising sabi ni Kuya. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya.
'What the hell?'
"Poohbear?" Taas kilay na ulit ni Dylan.
"I used to call Xiera, Poohbear since crush na crush niya si Reese Witherspoon dati sa legally blonde and oh, she's a poop monster--"
"KUYA!" Dumukwang ako sa front seat para lang takpan ang bibig niya. Napaka eskandaloso talaga nitong lalaking 'to!
"Why ba? Wala namang masama sa sinasabi ko. Nahihiya ka ba kay Dylan? Don't tell me crush mo din-- Awww!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kinurot ko siya sa braso ng madiin na halos bumaon na yung kuko ko sa braso niya. I even saw blood. I know, it is very unwomanly. Pero hindi naman pwedeng hayaan ko na lang siyang dumaldal.
"ISUSUMBONG KITA KAY MOMMY!" Mangiyak-ngiyak na sabi ko habang tinatawanan niya lang ako. Oo nga't madalas kaming mag asarang dalawa, sanay ako doon. Pero yong sasarin niya ako sa harap ng ibang tao, ibang usapan na 'yon. Siguro nga ay ganoon na siya ka-close kay Dylan pero hindi ako. I can't let him humiliate me like this.
"Isusumbong din kita, nananakit ka." Nakangisi pa ring sabi niya. Humarap na ulit siya sa kalsada at nagsimulang magdrive. Ako naman ay tumingin na lang sa labas habang
pasimpleng pinupunasan ang mga luha ko. Am I overreacting? Alam naman ng lahat na poohbear ang pang asar sa akin ni Kuya Xander, wala naman sigurong magbabago kung pati si Dylan malaman din 'yon. I'm not comfortable.
We drove in silence hanggang makarating kami sa mansyon. Siguro ay napansin ni Kuya na wala ako sa mood o baka nawala na rin siya sa mood kaya sobrang naging awkward ang atmosphere. Idagdag pang kanina ko pa nararamdaman ang pagsulyap-sulyap sa akin ni Dylan kahit hindi ko nakikita.
Pagkapark na pagkapark ni Kuya sa sasakyan, mabilis akong lumabas. Sukbit ko sa balikat 'yong bag ko at walang lingon-likod akong pumasok sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto ko. I took my clothes of at saka ako pumasok sa banyo. When I need to be alone, nagkukulong ako sa CR at nagbababad sa hot tub. Baka sakaling paglabas ko mamaya, wala na rin si Dylan.
Wishful thinking. Malabong umuwi na yon. Knowing Mommy, hindi niya hahayaang umalis si Dylan ng hindi dito kumakain ng hapunan. In fact she'll even call her friends para lang mapilitan si Dylan na hindi umalis kaagad.
Ilang oras na akong nasa tub, nangungulubot na ang nga daliri ko and that's why I decided to stand up. Magrereview na lang ako, gagawa ng assignment, mag aadvance study. Anything, magkaroon lang ako ng dahilan para huwag lumabas ng kwarto at bumaba.
I dried my body using the towel at saka ko isinuot yong robe ko bago ako lumabas ng kwarto. Natigilan ako sa gagawin ko sanang paghakbang palabas noong may nakita akong tao na nakaupo sa gilid ng kama. Nakayuko siya at tila malalim ang iniisip. I even saw his arm na may nakalagay nang band aid.
Mas lalo tuloy akong naguilty. Hindi ko alam kung hahakbang ako palabas o babalik na lang ulit ako sa loob ng banyo. Nag angat ng ulo si Kuya and he looked at me.
"Dalawang oras ka sa loob ng banyo. Baka magkasakit ka nyan." Sabi niya.
"Dati akong sirena. Don't worry about me." I said as I walk past him papunta sa walk in closet ko. Galit pa rin ako sa kanya. But every time I see him arm, nanghihina ako.
"Akala ko dati kang butanding." Paasik akong napalingon sa kanya. Handa na ulit akong magbunganga pero natigilan ako. He's smiling genuinely, I melt. "Sorry kung inaasar kita kanina. Alam mo namang ganun kita lambingin e."
"Gagawin mo na namang excuse 'yong pang aasar ang love language mo." I said while rummaging my closet. Kumuha ako ng isang oversized na white shirt. Kay Kuya 'to, limited edition shirt ng Metallica na nabili niya pa sa bidding pero nung sinabi kong sa akin na lang, hindi siya nagdalawang isip na ibigay sa akin. Kuya is wrong, hindi pang aasar ang love language niya. It's being unselfish. Lahat ng gusto ko, ibinibigay niya talaga. Mula noong hindi natuloy ang kasal nilang dalawa ng ex-girlfriend niya, ako na lang ang naging babae sa buhay ni Kuya.
"Hindi ba?" Sigaw niya. I removed my robe at saka ko isinuot 'yong damit ni Kuya Xander.
"Nope. Hindi 'yon ang love language mo. You're love language is unselfishness. You're just making an excuse para asarin ako." Nakasimangot na sabi ko. Kuya laughed hard, yung tipong napahiga pa siya sa kama. Naupo ako sa tabi niya at hinintay ko siyang magtapos ng pagtawa. Kailangan ko ring magsorry sa inasal ko kanina.
"I'm sorry. I didn't know na maaasar ka sa ginawa ko kanina. You used to like it when I call you my Poohbear," Hanggang ngayon naman walang problema doon. Ang problema, Dylan was there. He heard everything. Ayaw ko pa naman ng may idadahilan na naman siya para asarin ako.
"Hindi naman ako naaasar na ganoon ang tawag mo sa kin, it's fine, Kuya. Kaya lang kase..." Hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko. I don't know how to put it out without telling him na naiilang akong marinig 'yon ni Dylan.
"Dalaga ka na nga," Natatawang sabi niya. "Okay fine, hindi na kita aasarin kapag nasa paligid si Dylan."
"That's better--" Nakahinga ata ako ng maluwag sa sinabing 'yon ni Kuya. No more embarassing moments infront of Dy-- "Hey! That's not what I meant!"
"I know, I know what you mean, don't worry about it." He pinched my cheeks bago siya naglakad papalabas, leaving me dumbfounded.
'Oh no!'
---