Xiera's POV
Nakakahiya!
Nabangga na naman ako sa kanya! Palagi na lang nangyayari 'to. Muntik na nga akong tumalsik. Ano kayang kinakain nitong lalaking ito? Ako ang nakabangga sa kanya pero parang daig ko pa ang bumangga sa bato. He's so hard.
But then, when he grabbed my waist to stop me from falling, he became so soft. At mabango siya, sa totoo lang.
At ano kayang ibig niyang sabihin sa binulong niya sa akin bago niya ako tuluyang binitiwan?
"Be careful next time. I might not be here to catch you when you fall."
So anong feeling niya? Na may gusto talaga ako sa kanya? Ang kapal talaga ng mukha n'un. Akala mo kung sinong gwapo. Sabagay, totoo rin naman. Magaspang lang talaga ugali niya.
Pero ano na naman ba kaseng ginagawa ng lalaking 'yon dito? Kakakita ko pa lang sa kanya sa Xavier University noong isang araw, ngayon nandito naman siya sa bahay! Seriously, wala ba siyang mama?
And Nanay is really fond of him. Tatay and Kuya Xander too. Am I the only one who's suspicious of him? Like really? Bigla na lang siyang parang kabute na nagpop up sa buhay namin and just like that, daig pa niya ang member ng aming one big happy family?
Ilang family dinner na ba ang nandito siya? Halos gabi-gabi ata, dito na siya nagdi-dinner. And since magkakatabi ang mga bahay namin at nila Tito, pupusta ako kapag nalaman nilang andito si Dylan, maya-maya lang andito na rin sila.
Pati tuloy ang ibang mga ate at kuya ko puro na lang papuri ang sinasabi sa kanya. Don't they see it? He's just too good to be true. That means Dylan is hiding something.
Wala naman akong mapagsabihan dahil iisipin nila nagpapapansin lang ako dahil crush ko si Dylan. As if.
Umayos ako ng upo habang pinaglalaruan 'yung mga pagkain sa plato ko. Napaigtad at napaungol pa ako ng bahagya nung naramdaman ko yung kirot sa baywang ko. Pinisil iyon ni Dylan kanina, hindi ko alam kung nanggigil siya sa akin o may galit ba siya, basta feeling ko magpapasa ito.
Wala namang nakapansin na may masakit sa akin kasi abalang-abala silang makinig sa mga kwento ni Dylan. Edi sila na nga ang one big happy family.
Pero, if I'm going to be honest with myself. I kinda like this pain. Iyong tipong masakit na masarap? Feeling ko nga susundot-sundutin ko pa itong baywang ko mamaya. I didn't know you can mix pain and pleasure at the same time and that I'm going to like it.
"Kumusta na nga pala ang Mama mo?" Narinig kong tanong ni Tatay kaya nag-angat ako ng tingin. May mama pala siya eh bakit siya nakiki-nanay sa nanay ko?
"She's getting worst, I'm planning to visit her as soon as possible." Dylan said. Saka siya yumuko para isubo yung pagkain na nasa kutsara niya. And again, I saw it. That slight glimmer of anger in his eyes. Tila pa nga nagngangalit ang panga niya habang nakayuko.
My Nanay said if something is too good to be true, then it's definitely not true.
Dylan is definitely too good to be true. And he's a great pretender, too. I don't know what he did but he surely has my family eating at the palm of his hands. I need to know what he wants. What he's planning to do. I need to protect this family. I maybe an outsider but they never made me feel like one.
"I hope she get well soon. Para naman makilala namin at i-congratulate ang mga taong nagpalaki sa 'yo ng maayos. They raised a good man." Nanay said. She's really fond of her. She admires him a lot. Halatang-halata naman sa kanya. She once told me na kung buhay pa si Kuya Xavier, kasing edad niya si Dylan. Hindi ko nga alam kung bakit hindi nagseselos si Kuya Xander sa affection ni Nanay dito but judging by his smiles. It looks liked Dylan also has my brother admiration.
"Oh, Tita. She wanted to meet you, too. I told her about you guys and she said she can't wait to finally meet the people whose taking care of me while I'm alone here."
"You must really miss her." nakangiting sabi ni Nanay.
"I do. I really do," Dylan replied. "But I'll visit her soon."
"Kung miss mo na siya, what are you doing here? Why put up a company in the Metro kung nasa ibang bansa ang family mong sinasabi mong namimiss mo?" I asked myself while still playing with my food. Bawal akong makisali sa usapan ng nga matatanda kaya sarili ko na lang ang kinakausap ko. Kapag ito sumagot, buang na ata ako.
Nararamdaman ko na natahimik ang mga tao sa pagilid ko kung kaya't nag-angat ako ng tingin. They're all looking at me like I said something wrong.
"Xiera, where are your manners?" shocked na tanong ni Nanay. Oh crap! Napalakas ba 'yon? I was talking to myself! Oh no! "Magsorry ka kay Dylan!" She added.
Ako? Magsosorry kay Dylan? Kahit lumindol pa ngayon hinding-hindi ako magso-sorry sa lalaking 'yan!
Pero syempre, since Nanay asked, I have to do it kahit labag sa loob ko.
"Don't worry tita, it's fine. I think Xiera doesn't mean it in a bad way. Maybe she's just concerned about me," magalang na sabi nito kay Nanay. Kinuha pa nito ang kamay niya at bahagyang pinisil. And then he looked at me. "Thank you, Xiera. For the concern. Actually, I was just fulfilling my dead fathers last wish kaya nasa Metro ako. After that, magagawa ko nang alagaan ang Mom ko," nakangiting sabi niya. "And I'm not leaving her alone ever again."
Kung sila Nanay kaya niyang lokohin pasensya na lang siya. I really see through him. He's a fake.
I also gave him a fake smile which made him raise an eyebrow. 'Di ko alam kung anong pinakain niya sa pamilya ko but I'm not going to buy this facade he's showing. Neknek niya.
------