“Mrs. Lambert, you’re early,” komento ni Luther pagkapasok niya ng conference room at madatnan doon ang ginang. Nag-angat ito ng mukha mula sa pagkakayuko sa laptop nito kanina. Umaliwalas ang mukha nito nang makita siya, saka sinipat ang relo. “Oo, sinadya ko talagang magpunta rito nang maaga.” Napatangu-tango siya at lumingap sa paligid. “Wala pa ba si Ms. Capili?” “Nasa parking lot na siya. Mayamaya lang ay paakyat na iyon dito.” “Okay.” He sat at the head of the table. Binuksan niya ang laptop at itinutok doon ang mga mata, subalit sadya niyang inaabangan ang tunog ng papalapit na yapak. When he heard those fine footsteps, he promptly raised his head a little just enough to see the door being pushed open. Una niyang nakita ang itim na heels ng dalaga at ang magandang hubog ng ma