CHAPTER 17

1831 Words

“Ruthie!” Napalingon si Ruth sa pinanggalingan ng boses. Si Anemone. Nakangiti ito nang matamis habang papalapit sa inookupa niyang mesa sa canteen. Disimulado siyang sumulyap sa kinaroroonan ni Luther. Tumayo ito saglit upang bilhan siya ng buko juice at pandesiosa. Ngayong nasa harapan niya si Anemone ay tila gusto niyang hilahin palayo si Luther. Sana ay huwag muna itong bumalik sa mesa nila. “Ane,” sambit niya sa pangalan ng kaibigan at alanganing ngumiti rito. “Totoo nga ang sabi nila, lalo ka raw gumaganda ngayon. May boyfriend ka na ba?” tanong nito. “Ah, ano…” Paano niya sasagutin iyon? Hindi rin nila napag-usapan ni Luther kung bukas ito sa ideyang ipaalam kay Ane ang tungkol sa relasyon nila. At ayaw niya itong pangunahan. Bilang magkasintahan, dapat ay iisa ang desisyon nila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD