Paris, France. Humigpit ang pagkakahawak ni Ruthie sa cellphone matapos sabihin sa kanya ni Mrs. Lambert na kailangan niyang bumalik ng Pilipinas at manatili roon sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon bilang head cosmetics chemist ng kompanya na nakakuha ng interes nito. Mrs. Lambert had always hugely invested on Companies in the Western Europe. Ito ang unang pagkakataong mag-i-invest ito sa kompanyang nasa Pilipinas. Hindi naman na siya nagtanong kung anong kompanya iyon, dahil karapatan ni Mrs. Lambert na mag-invest sa kung saan nito gusto. “Did I say something wrong, Tanny?” tanong ni Mrs. Lambert na nasa kabilang linya at napuna ang bigla niyang pananahimik. “W-wala ho.” Kahit na ayaw na niyang bumalik ng Pilipinas ay hindi naman niya matanggihan ang ginang. She was the one w