THREE

1512 Words
Chapter 3 CARMELLA… THE SCORCHING heat of summer, can’t beat the hot tempered I have. Mainit na mainit ang ulo ko. Period. Basta mainit ang ulo hindi dahil sa init ng panahon, mainit lang talaga. Anong oras na, wala pa rin kasing kahit na anong lead akong naririnig sa mga tauhan ng kasama ko. “Relax, ang ganda ng bikini mo. Red. Tapos ang mukha hay naku,” bulong sa ‘kin ni Hanna. Kung wala lang maraming tao rito baka kanina pa ako nakasigaw dito sa bruha kong kapatid. Ano naman ang problema sa mukha ko, ang ganda ko kaya. “I will assumed that Zeus is here again,” bulong ko na si Hanna lang ang nakarinig. Tumawa lang ang bruha, kaya mas nag-init ang ulo ko. Itong si Zeus ang panira ng buhay ko kahit kailan, nasisiguro ko talaga na nandito na naman ang Olympus. Naiinis na ako sa agency namin, bakit ba palagi na lang kaming nakikihati. Kapag ako talaga ang naging head PIO o Philippines Intelligence Office, susugurin ko na ang Olympus. May isa pa kaming mahigpit na kakumpetensya, that only me and my mother know about them. The SIS or Secret Intelligence Service. Ang dalawang agency na ito ang palaging kino-contact ng gobyerno para sa mga trabahong tulad nito. Kaibahan lang namin sa dalawang Agency na iyon, ang Olympus at SIS purely government issues ang inaatupag nila. Kami may mga private assignment kami galing sa mga private institution or personality. Any job that needs a secret agency and the like, pinapatos namin. Kaso ang malaking market talaga ngayon ay ang gobyerno, kaya dito kami nagsisiksikan na mga agency. Unahan na makatapos ng trabaho, kung sino ang nauna sila ang may buong bayad. Sa mga hindi nakatapos, kalahati lang or worst walang bayad talaga. “Buko juice Cammy?” Ani Minard, na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan. May iniabot siya sa ‘kin na buko juice and same with Hanna. Falcon and Minard are the same person, ang partner ko sa PIO. “Thanks Minard,” sabi ni Hanna. Napailing ako, kinikilig na naman ang bruha. Kilala ko ang babaeng itong. Kapatid ko eh, mula pagkabata close na kami. Laging nakasunod sa akin kahit saan ako magpunta. Kaya alam ko kung ano ang tumatakbo sa utak ng babaeng ito. “Anong ginagawa mo dito? Bakasyon ko, malamang bakasyon mo rin ‘di ba?” tanong ko na lang. Nagkibit balikat naman si Minard bago naupo sa beach lounge kung saan ako nakaupo. Kinuha nito ang sunblock lotion ko at basta na lang akong nilagyan sa legs ko. I don’t mind at all anyway, para ko na ring kapatid ang may sayad na ito. Nakababatang kapatid na ang tingin ko kay Minard at halos nasubaybayan ko rin naman siya mula noong pumasok ito sa college. Ako pa nga ang nagpasok sa kanya sa PIO bilang agent namin. “Kung nasaan ang Ate ko, ando’n din dapat ako.” Anito habang minamasahe ang legs ko. Nilingon ko si Hanna, nakangiti ito habang nakatingin kay Minard. Sure na naman ako iba na naman ang lipad ng utak ng kapatid ko. Kinikilig na naman ang mani ng hitad kong kapatid, feeling kasi nito kaya ako tinatawag na ate ni Minard ay dahil sa kanya. “Minard, pwede mo ba akong lagyan ng lotion sa likod ko.” Sabi ni Hanna na nagpapa-cute na talaga. “Sure,” sagot naman ni Minard. Mas napailing na ako nang sila Hanna at Minard na ang naghaharutan sa harapan ko. Bakit kasi hindi pa umamin ang dalawang ito sa totoong score ng buhay nila. Halata naman ang dalawang ito na may something mga animal. “Paalala ko lang Daisy, nasa Palawan tayo. Hindi dahil sa bakasyon ko,” sabi ko sa kapatid ko, na parang hindi naman ako narinig. Nasa Palawan kami dahil sa mission ni Hanna. Iyon ay ang hulihin ang leader ng limousine gang. Mga high end syndicate na nagpapanggap na mga mayayaman na bibili ng sasakyan. Mga high end or luxury cars ang mga puntirya ng mga ito. “Hanna,” tawag ko sa kapatid ko. “Don’t worry Ate, my team is on site. And my plan is carefully rolled out by now,” sagot ng kapatid kong maharot. Napailing na naman ako, I’m off in this mission hindi ako pwedeng magbigay ng command sa mga tauhan namin. Hindi nila ako susundin kahit pa may katungkulan na ako sa PIO, o kahit senior agent na ako. Basta nasa leave ang isang agent, at kahit na isang opisyal pa iyan ang tingin sa ‘yo ng mga agent ay sibilyan. Tulad ko ngayon na nakabakasyon, kahit na sumama akong pilit sa Palawan, wala akong magagawa kung hindi ang maghintay lang. Na ikinaiinip ko na nang bongga, gusto ko nang sumugod. Lulubog na ang araw wala pa ring nangyayari sa mga lakad ng mga ito. Mauunahan na kami ni Zeus, matinik pa naman ang isang iyon. “I think it is better to do my plan, Hanna.” Aniko sa kapatid ko. Pero paglingon ko nasa may dagat na pala ang dalawang animal, nagtatampisaw sa tubig na parang mga batang ngayon lang nakalusong sa tubig dagat. “Daig pa ‘ko ni Hanna, parang siya ang nakabakasyon. Bruhilda ka talaga,” naiinis kong sigaw. I saw my sister stick her tongue towards me before running away and Minard chase Hanna. “Mga baliw talaga,” sigaw ko na naman. I feel disturbed, hindi na akong mapakali sa kinauupuan ko. Hindi ako sanay na ganitong walang ginagawa, gusto ko may gawin at hindi ang naghihintay lang. While looking around, nakita ko ang cellphone ni Hanna sa katabi kong beach lounge. I know this is not right, and I’m doing a gravely offense in my agency. Pero ito na lang ang naiisip kong paraan para sa assignment na ito. Ayoko nang umuwing luhaan na naman ang agency namin nang dahil lang sa failed mission na inagaw na naman ng kabilang. I grab the phone and send my command to all our men in this area, I send the command posing as my sister, their command officer in-charge in this assignment. …………………………………… AFTER I SEND my command, iniwanan ko agad sila Hanna at Minard sa tabing dagat. I prepared everything that I needed, nag-ayos ako na mukhang mayaman na mayaman na hitad. I don’t like the word b*tch so mas gamit ko ang salitang hitad, though parang tinagalog ko lang din naman ang b*tch. So iyon na nga, in my command I will pretend to be a crazy rich maiden na walang pakialam sa mga gamit na mawawala sa akin. In short gagawin kong pain ang sarili ko sa limousine gang para lumabas ang boss nila o kung hindi man at least magkaroon ako ng lead sa sindikatong ito. I wore my most seductive and most expensive dress I have, and I even wear all my jewelries to caught some attention. And to top it all, I even bought a luxury car for this. I have money for this, I’ve been saving money for myself. When I’m satisfied on what I’ve been seeing in the mirror I off to go. “Mabingwit ko sana ang malaking isda ngayong gabi,” bulong ko sa sarili ko pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto ko. Pagkalabas na pagkalabas ko ng hotel agad kong hinanap ang mga tauhan ni Hanna. I instructed them as Hanna that they will follow me as Carmella. Magulo ba? Sinabi ko sa kanila na sundan nila ako, na napakiusapan ako ni Hanna na magpanggap ngayong gabi for the limousine gang. Hindi naman ako nahirapan na pasunurin ang mga tauhan ni Hanna, kasi nga nagpanggap akong si Hanna. Now i saw some of my sister’s men, they’re on site and their respected position. Good, ang kailangan ko na lang gawin ay pumunta sa punyemas na party-party na iyon. May nakalap kasi akong information na magkakaroon nang malaking party isang kilalang Hotel dito sa Palawan. And that party is open to all the tourist in this place, so I assumed that the limousine gang will be there too. Doon ko sila huhulihin kung magkakataon. Pagdating ko sa venue, ang dami na agad mga party animal. Halos hindi na mahulugan ng karayom, kailangan ko nang magsimulang maghanap-hanap ng prospect criminal. “Ang daming tao,” bulong ko habang nakikipagsiksikan. I was about to unleashed my bratty side when a man caught my attention. Lalaking kanina pa yata nakatitig sa akin, na nakaramdam pa ako nang kaunting kilabot sa katawan dahilan para tignan ko ang lalaking iyon. He had the most expressive eyes in the world. And that eyes really caught me, he caught my entire being. Namalayan ko na lang palapit na ako sa lalaking ito, not minding the real reason why I’m here tonight.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD