CHAPTER: ONE
CARMELLA…
“ABORT mission agent WF, I repeat abort mission!”
Sunod-sunod na napamura na lang si Carmella habang mabilis ang mga kamay na inaayos ang mga gamit na nakakalat sa paligid niya. She’s been trained in this kind of situation, kailangan niyang i-despost ang lahat ng mga gamit niya and make it sure that she’ll never leave any kind of evidence on site.
Mabilis niyang nakuha ang mga importanteng mga gamit na pwede niyang itago sa mismong katawan niya. Mga files sa computer na na-download niya sa isang flash drive bago niya sirain ang mismong laptop na gamit niya. Isa-isa niyang sinamsam ang mga gamit niya bago niya ilagay ang lahat ng iyon sa isang trash bin malapit sa kanya at silaban ang lahat ng mga iyon para walang makuha na kahit na ano. May espesiyal silang gamit para mabilis na masira ang lahat ng mga kailangan nilang i-despose at walang maiiwan kahit na abo.
Matapos niyang magawa ang dapat gawin, mabilis siyang umalis sa lugar bago pa man siya maabutan ng mga taong humahabol sa kanya.
She smoothly exited at the building where she set up all her things. Parang walang nangyari na naglakad siya papalayo sa lugar na iyon. People can see her calm and sophisticated but deep inside her, nagwawala siya.
Gusto na niyang pagsusuntukin ang pagmumukha ng taong dahilan bakit nagbulilyaso na naman ang lakad niya ngayon.
“Kalma, WF.” Ani ng boses sa ear piece niya. WF means wild flower, her code name in her agency. “Kailangan mong maging kalma,” sabi na naman ng nasa kabilang linya.
Hindi siya nagsasalita hanggang sa makarating siya sa get away vehicle na nakahanda para sa kanya. “Sinong g*gong ang dahilan ng pagkabulilyaso ko? Ando’n na ako, konti na Lang mahuhuli ko na ang little dragon na iyon.” Inis na sigaw niya pagkasakay na pagkasakay niya ng sasakyan niya.
Mas nainis pa siya nang tumawa ng malakas ang kausap niya. Falcon, one of their agent that is good in high technology. And he’s been her partner since she starts being wildflower. And that is three years ago, kaya gamay na ni Falcon ang ugali niya.
“Sino pa ba e’di si Zues,” ani Falcon na nang-iinis pa ang tono ng pananalita.
Hindi na siya sumagot pa at naiinis lang siya lalo, mabilis na lang siyang nagmaneho paalis sa lugar na iyon. Bukas malaking balita na naman ito sa agency nila, panigurado masasabon na naman siya ng Nanay niya nito. Kung bakit ba naman kasi biglang sumulpot ang Zues na iyan, lahat na lang ng trabaho niya nasusulot ng lalaking iyon. At kung bakit naman kasi kailangan na maging segurista pa kasi ang mga kliyente na kailangan na ipapasa ang trabaho sa magkaibang agency samantalang iisang trabaho lang ang ipapagawa.
Iyon ang hindi niya makuha, dati naman sila lang ang kinikuha ng gobyerno para sa mga ganitong klase ng trabaho. Ang trabaho nila ay ang magmanman at subaybayan ang mga high profile syndicate, criminals, at mga drug lords sa Pilipinas na hindi na kayang hawakan ng NBI o ng mga pulis sa bansa. After they gathered enough evidence ipapasa na namin ang trabaho sa mga kinauukulan para sila ang tumapos ng trabaho. Like sila ang huhuli sa mga taong nasa watch list namin.
But everything change when that Zues came into the picture, matagal na nilang kasama sa industriya ang Olympus . Pero ni minsan noon hindi nila naging kakumpitensya ang naturang ahensiya. Ngayon lang ng biglang sumulpot si Zues, ang number one na kontrabida sa buhay niya ngayon. Madalas na kinukuha ng Zues na iyon ang mga trabaho niya, at aaminin niya magaling ang taong iyon dahil sa palagi na lang siyang nauunahan sa lahat ng mga mission niya.
Never pa niyang nakita ang Zues na iyon, kilala lang niya ito sa pangalan o sa code name. Pero kahit ganoon halos isumpa na niya ang Zues na iyon sa lahat ng santo na kilala niya sa sobrang inis niya sa lalaking iyon.
“Oh! Ang aga mo naman yatang bumalik?” tanong sa kanya ni Hanna.
Hanna is her youngest sister, na tulad niya isa ring secret agent pero magkaiba sila ng team na kinabibilangan. Most of the cases na hinahawakan ni Hanna ay mga high profile smugglers naman sa bansa.
Naiinis na pabagsak siyang naupo sa sofa ng kwarto ni Hanna, nakasimangot na nanghahaba ang nguso niya na tinignan ang kapatid. “I need ice cream baby girl,” aniya dito.
Umiiling na lumabas ng kwarto ang kapatid niya, pagbalik nito may dala na itong isang galon na ice cream at dalawang kutsara.
“I’ll guess it, naunahan ka na naman ng Zues na iyon ano.”
Hindi niya pinansin ang kapatid at agad na lang na nilantakan ang ice cream na hawak ng kapatid niya. Sa ginawa niya tinawanan lang siya ng malakas ng kapatid niya.
“Ang sarap balatan ng buhay ng lalaking iyon,” inis na bulalas niya habang sunod-sunod na sumusubo ng ice cream.
“Magpahinga ka kaya muna Ate,” ani Hanna. “Maybe you need that vacation, that mommy was referring to you. For three years straight ka naman na nagtrabaho sa agency, baka kailangan mo talagang mag-unwind para naman bumalik ka sa dati.”
Hindi niya ito pinansin at pinagpatuloy na lang ang pagkain ng ice cream. Alam niya ang sinasabi ng kapatid niya tungkol sa bakasyon na iyon. No’ng huling nagpa-meeting ang Nanay nila nagsabi ito na bibigyan siya ng bakasyon na hindi naman niya kailangan. Ang kailangan niya ay maalis sa landas niya ang Zues na iyon hindi ang magbakasyon siya.
“Nakikinig ka ba Ate?” tanong sa kanya ni Hanna.
“Ayokong magbakasyon,” sagot niya dito.
Wala naman na silang napag-usapan na dalawa, kilala na nila ang isa’t isa. Alam ng kapatid niya kung kailan siya na nasa mood na makipagbiruan o kwentuhan. At sa mga oras na ito wala talaga siya sa mood sa kahit na anoman sa mga iyon.