PROLOGUE
“ANO BA ANG mapapala mo kung makuha mo ang atensyon ni Daddy? Hindi ka nga niya pinapahalagahan Kuya. Hindi ka ba napapagod? Kasi ako, ako ang napapagod para sa ‘yo Kuya.”
Malalim na napabuntong hininga na lang si Napoleon sa sinabi ng kapatid niya. He look at his youngest brother for a seconds before looking back at his table. Marami pa siyang kailangan na gawin bukod sa trabaho niya bilang Engineer sa isang construction firm, kailangan pa niyang sanayin ang sarili niya. He’s into a martial arts, kick boxing and everything about self deffence.
Kailangan niya ang mga iyon bilang paghahanda para sa future. Hindi malabong mangyari na pasukin din niya ang mundo ng kanyang ama. Ang maging isang secret agent, sa The Olympus . Isang lihim na agency na tanging matataas na opisyal sa gobyerno lang ang nakakaalam. His father is the founder of that agency. At alam niya hindi magtatagal kakailanganin na nito ng tulong mula sa kanila na mga anak nito para patakbuhin ang naturang ahensiya.
“Kuya! Naririnig mo ba ako?” tawag sa pansin niya ng kapatid.
Itinigil niya ang ginagawa at muli na naman itong tinignan. “Ano ba ang kailangan mo? Do you need someone to post as your girlfriend? Wala na akong kaibigan na pwedeng tumulong sa ‘yo ngayon.”
Nakita niyang napangiwi ang kapatid niya bago naupo sa harapan na upuan ng lamesa niya, nakapangalumbaba na tumingin ito sa kanya. Luther is kind of a soft man, ang ibig niyang sabihin sa soft ay kung ano na ang gustong isipin ng mga tao sa kapatid niya. Hindi naman kasi niya gustong sa kanya pa mismo manggaling ang confirmation sa kung ano ang kasarian ng kapatid niya. Though alam nya dahil umamin sa kanya ang kapatid niya years ago.
Luther and him are just half brothers, anak siya sa pagkabinata ng tatay nila. Samantalang si Luther naman ay anak ng tatay nila sa pinakamamahal nitong asawa. Siguro naman kahit hindi niya sabihin kung paano ang trato sa kanila ng ama, mahuhulaan ninyo na hindi pantay ang tingin sa kanila ng magulang nila.
For his father he is the blacksheep of the family, while Luther was the God sent and the most obdient son for his father.
Pero kahit gano’n ang nangyari, wala siyang masamang tinapay sa tatay o sa kapatid niya. Mahal niyang parehas dahil sa ang mga ito na lang ang kinikilala niyang kamag-anak na mayroon siya.
“No, I dont need a girl this time. Ang sa akin lang kuya, do something that makes you happy. Hindi ‘yong puro na lang si Daddy ang iniisip mo,” anito habang pinaglalaruan na ang name plate niya sa lamesa.
“This is what I want Luther, masaya ako sa lahat ng ginagawa ko.”
Huminto sa ginagawa ang kapatid niya at pinakatitigan siya nito, “alam mo Kuya, sabi nila ako raw ang kamukha ni Daddy pati sa ugali. But for me, mas ikaw na ikaw si Daddy sa ating dalawa. Mas kaugali mo pa. And i really can’t see why Dad don’t see all your efforts that you’re doing for him.” Tumayo ito at pinagpag ang college uniform nito bago isinukbit ang bag sa balikat, “I going home now, umuwi ka na rin Kuya. You really need a rest, don’t play like a hero or super human. Magpahinga ka rin naman, I’ll tell Mommy to cook your favorite because your coming home tonight. Lagot ka kay Mommy kapag hindi ka uuwi para sa dinner mamaya.”
Natatawa na lang siyang nakatanaw sa papalabas niyang kapatid mula sa loob ng opisina niya. Loko-lokong bading na iyon, kasasabi lang gawin niya ang mga bagay na magpapasaya sa kanya. Pero heto at ipinantakot pa sa kanya ang Nanay nito para lang sundin ang gusto nitong umuwi siya at magpahinga.
…………………………………
HABOL ANG hininga na napasalampak siya sa sahig habang nakatitig sa wala na yatang malay na ka-sparing niya. She just finished her muay thai sparing session, and its a bit tiring on her part. Mula umaga hanggang sa maghahating-gabi na ay nasa practice pa rin siya. Nakakapagod pero masaya naman ang pakiramdam niya. It’s like she’s so alive in everything she made for today, kahit pa masakit na ang buong katawan niya.
“You’re doing great, Carmella. I think you very much ready to take your first mission,” it was her mother who speak.
Mabilis siyang bumangon at sumaludo sa Ina, kahit pa ang sakit-sakit ng buo niyang katawan.
Instead for answering her salute, nilapitan siya ng Ina at niyakap. “I’m so proud of you anak,” bulong nito.
“Thanks Mommy,” aniya at ginantihan na rin ito ng yakap.
Magkaakbay silang umalis ng sparing area na mag-ina. Nagkwentuhan ng mga bagay na may kinalaman sa mga pagsasanay na ginawa niya o sa mga pinagdaanan niya habang nasa pagsasanay na maging isang agent.
She came from the long line of secret agents, from her great grandfather, to her grandfather and now her mother. Not to mention that all her family member are also into this kind of job. Nagsimula ang lolo niya sa tuhod sa ibang bansa bilang isang secret agent lang noon, na nagpasyang umuwi ng Pilipinas at bumuo ng sariling ahensya.
Kailangan niyang magsanay nang mabuti, hindi lang dahil sa kailangan niyang maging isang magaling na agent. Kailangan niyang maging magaling dahil siya ang sasalo ng posisyon ng Nanay niya balang-araw. Siya ang mamahala ng ahensyang ito balang-araw at ayaw niyang mabigo ang mga taong naniniwala sa kanyang kaya niyang pamahalaan ang ahensya balang-araw.
“What will be my first assignment Mommy?” excited na tanong niya sa kanyang Ina.
“You’ll be recieving a message to know your assignment. So be ready always,” ani ng Ina.
She’s been always ready, since the day she actually accpepted her faith that she’ll be like her mother.
“I’m always ready, Mommy. Always ready,” sagot naman niya dito.
……………………………………………..