THIAGO
Kakagising ko palang ay hinarap ko na ang ilang papeles na hindi ko pa napi-pirmahan sa nakalipas na ilang araw ko sa Las Vegas. Lumapit si Harvey sa akin na may dalang itim na envelop.
“Thiago, dadalo ka ba sa inihandang pagdiriwang ni Mr. Fang sa Casino Imperial?” Tinigil ko ang pagpirma ng mga dokumento at kinuha ang itim na envelop na inabot niya sa akin.
“At ano naman ang gagawin natin doon? Alam kong isa si Mr. Fang ang humahadlang sa mga transactions ko sa black market. Kunwari pa siyang gusto akong maging kaibigan. Pero ang totoo, hinaharang niya ang lahat ng mga negosyante na balak lumapit sa akin. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit nasa ikatlong rank na siya. Pati nga si Xandro na nasa ikaapat na rank ay nagawa niyang ungusan at kunin ang loyalty ng mga tagasunod nito.”
Kinuha ko ang nilalaman ng imbitasyon at binasa ‘to.
“Bukas na ng gabi yan. Mas maganda kung pupunta tayo. Wag mong problemahin si Mr. Fang kahit naman mas umangat na siya ngayon ay mas kilala ka parin ng lahat ng pupunta doon.”
Napaisip ako sa sinabi niya. Isa kasi sa pinaka hindi ko gusto ay makipagplastikan sa mga taong alam kong kaya akong traydorin ngunit tama si Harvey. Malaking bagay din yun kung dadalo ako. Bukod sa makikita ko ang iilang kasapi din sa black market. Ay makikilala ko pa ibang hindi pa niya kilala. Siguradong yun ang dahilan ni Mr. Fang para mas palawakin pa ang impluwensya niya lalo na sa foreigner na dadalo. At ang presensya ko ang gagamitin niya.
“Okay, ikaw na ang bahalang maghanda ng susuotin natin. At ihanda mo na rin ang mga bodyguards na kakailanganin natin. Pagtitipon yun ng mga mapanganib at mahahalagang tao kaya hindi dapat tayo magpaka-kampante.” Paalala ko sa kanya bago ko itinuloy ang pagbabasa at pagpirma ng mga dokumento.
“Hangang dito ba naman dala-dala mo pa din ang gintong box na yan? Masyado na akong curios kung ano ba talaga ang laman ng box na yan.” Nagtatakang tanong ni Harvey nang mapansin ang gintong box sa ibabaw ng lamesa ko. Gawa kasi ito sa purong ginto at may desenyo na diamond sa gilid may letter K pa na nakalagay sa ibabaw nito at nakaukit.
“Don’t tell me ang ibig sabihin ng letter ‘K’ na nakaukit diyan ay initials ng pangalan ng babaeng hinahanap natin?” Gulat na sabi niya sa akin na ikinatigil ko ulit sa pagpirma. Tiningala ko siya at sinalubong ang gulat niyang mukha.
“Mabuti pa, umalis ka na at gawin mo na ang ipinagagawa ko sa’yo. Wag mong paki-alam ang bagay na walang kinalaman sa trabaho mo.” Seryosong sabi ko sa kanya.
“Gusto ko lang naman silipin ang laman niyan sa lo—”
Malakas na hinampas ko ang mesa dahil sa pangungulit niya sa akin.
“Kung mahal ang gintong box na ito. Mas mahal ang laman niyan. Wag mo ng subukan silipin pa dahil malalagot ko sa akin.” Banta ko sa kanya. Kahit saan ako magpunta ay dala-dala ko ang box na ito at walang ibang pwedeng kumuha o humawak dito kundi ako lang.
“Sorry na, wag ka ng magalit. Curious lang ako, pero malakas ang kutob kong para kay Miss Keyla talaga ang regalo mong yan.” Nakangising sabi niya sa akin.
Napasinghap ako dahil sa taglay niyang pangungulit. Malapit na naman akong maubusan na naman ng pasenya kaya nang mapansin ni Harvey na bubuga na naman ako ng apoy ay nagmadali na siyang lumabas sa room. Nakahinga lang ako ng maluwag nang lumabas na ito.
Napapangiti kong sinalat ang nakaukit na letter sa ibabaw ng box. Habang iniisip ko ang magandang mukha ni Keyla.
Kinabukasan ay maaga ‘kong tinapos ang aking mga gagawin upang pagdating ng gabi ay makapunta kami sa dadaluhan naming pagtitipon. Kinagabihan ay sinuot ko na ang inihanda ni Harvey na magarang dark suit para sa event. Maayos na nakasuklay pataas ang itim kong buhok. Mas makintab pa sa sahig ng solaire ang kulay itim kong sapatos. Si Harvey naman ay itim din ang suit na suot at puti naman ang panloob, naka necktie pa ito. At nakahanda na rin ang mga bodyguards sa pag-alis namin. Pagdating namin sa Casino Imperial ay sinalubong agad ako ng mga nakakakilala sa akin.
“How are you Thiago?” Tanong ng isang British man na si David Hunt. Kilala ko ito sa pagiging experto sa pagamit ng counterfeit money.
“I’m good, how about you Mr. Hunt?” Magalang na tanong ko sa kanya. Kahit isa akong mafia hindi ako pumapatay ng mga taong walang kasalanan. Hindi rin ako gaya ng iba na kumikidnap sa mga inosenteng bata. Para ipatubos sa mga mayayaman nilang magulang. Mas kilala ang pangalan ko sa black market sa pag-aangkat ng iba’t-ibang malalakas na armas. I’m collecting rare and strong firearms, golds and treasures. I’m an expert in weapon dealing. I have also ten illegal ground para sa mga mayayamang adik sa sugal. And now I’m focusing to expand my real estate business. Mainit sa mga mata ng authoridad ang mga illegal na gawain at sa paglipas ng panahon ay ilang bigating druglords na din ang pinatay.
“I have gold bars, if you’re interested I can schedule you anytime to do business with me.” David Hunt said. I smiled and said yes.
Dalawang klase lang ng tao ang pinapapatay ko. Una ay ang traydor at magtatangkang lokohin ako. Pangalawa ay ang magtatangkang patayin ako.
“Thiago!” Nakangising tawag ni Mr. Fang sa akin nang makita niya ako.
“Mabuti naman at tinangap mo ang imbitasyon ko. Nakikita mo ba kung gaano ka successful ang Casino Imperial? Billions of money ang kinikita ko dito kada buwan.” Pagmamayabang niya sa akin. I fake my smile at look at him.
“Hindi na masama Mr. Fang sa dami ba naman nang mahihirap na pinalayas mo sa lupain na ito para maitayo ang Casino Imperial ay hindi na ako magtataka na maging matagumpay ang negosyo mo.” Biglang umasim ang mukha ni Mr. Fang sa sinabi ko.
“Dapat lang na pinalayas ko sila Thiago. Wala naman silang naa-ambag sa lipunan kundi puro kahirapan. Hindi ko na kasalanan kung wala na silang matitirahan ngayon. Hindi ko rin kasalanan kung ipinangak silang mahihirap. Sa maunlad na bansa ay salot ang mga mahihirap.” Nakangising sabi Mr. Fang sa akin na ikinakunot ng noo ko.
“Salot ang mga mahihirap? Nakalimutan mo na ata kung saan ka nangaling Mr. Fang?”
Nawala ang kulay sa mukha nito nang seryosong sabihin ko yun sa kanya. Hindi lang negosyo ang inaalam ko sa aking mga kakompetensya kundi pati na rin ang pinangalingan ng mga ito.
“Kung ano man ang nais mong tumbukin Thiago, mabuti pang wag mo nang ituloy. Sabihin na nating hindi kasalanan ng taong ipinanganak siya dukha. Pero kung tumanda na siya at nagkaedad ay dukha pa rin siya ibig sabihin ay kasalanan niya yun. Dahil wala siyang ginawa para umasenso ang buhay niya.” Seryosong sagot ni Mr. Fang. Bago ito nagpaalam sa akin dahil malapit nang mag-umpisa ang programa.
Magsasalita pa sana ako nang may mapansin akong babaeng nakatalikod. Mahaba ang kulay pulang gown nito at litaw na litaw ang maputing nitong likod nito. May hawak itong wine sa kanyang kaliwang kamay. May kausap din itong binata na sa tingin ko ay hindi nalalayo sa aking edad.
Kahit nakatalikod ang babae ay alam kong maganda ito sa tindig pa lamang at kung paano dalhin ang sarili. Hangang sa sandaling lumingon sa kinaroroonan ko ang babae. Para akong naitulos sa kinatatayuan ko nang makita ang kanyang mukha. Kahit segundo lang ang paglingon niya sa gawi ko ay rumihistro kaagad sa isip ko ang nakangiti at mapula nitong labi. Kitang-kita ko din ang tangos ng ilong nito. At ang nakakaakit na mga mata niya. Mga matang minsan na ding bumihag sa akin.
“Hoy! Bakit ganyan ka makatingin sa babae?” Saway sa akin ni Harvey nang mapansin akong naka-awang ang labi. Nararamdaman ko ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso na ngayon ko lamang naranasan.
“She’s here." Sambit ko.
“Who?” Kunot noo na tanong ni Harvey sa akin. Sinundan niya ng tingin kung saan napako ang atensyon ko. At nang muling lumingon ang babae ay nanlaki din ang kanyang mga mata.
“Damn it! Siya nga! Ang babaeng hinahanap natin!” Hindi makapaniwalang wika ni Harvey.