THIAGO
Kasalukuyan akong nakaharap sa salamin at tanaw mula rito ang nagki-kislapang ilaw sa labas ng Mirage Hotel&Casino dito sa Las Vegas. Kinailangan ko kasing makipagkita sa isang mahalagang tao para sa aking negosyo. Tumunog ang phone ko at rumihistro ang numero ni Harvey kaya kaagad kong sinagot ang tawag niya.
“Nahanap mo na ba ang babaeng matagal ko nang pinapahanap sa’yo?” Tanong ko sa kanya.
“Yes, Thiago.”
Nakaramdam ako ng excitement dahil sa sagot niya at sa sasabihin pa niyang impormasyon tungkol sa babaeng yun.
“Pero nagtataka naman ako sa’yo. Kailan ka pa nagka-interesado sa babaeng nagpapatuka ng mga ibon at manok? Nagpapakain ng mga damo sa mga hayop, nangangabayo sa malawak nilang hacienda. At bakit mo siya pinapahanap?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Sumilay ang ngiti sa aking labi.
“Hindi mo na kailangang malaman, Harvey. Huwag mong i-aalis ang pagbabantay mo sa kanya. Siguraduhin mong sa pagbalik ko ay alam ko parin kung saan ko siya makikita.” Utos ko sa kanya. Siya ang pinakamalapit 'kong kaibigan at tauhan na rin. Siya din ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat kaya siya ang pinahanap ko sa babaeng hindi nawala sa aking isip simula ng gabing yun.
“Kung puwersahan na lang namin siyang kunin?” Hirit ni Harvey na ikina-init agad ng ulo ko.
“Wag mong gagawin yan!” Singhal ko sa kanya.
“Bakit? Kung gusto mo siya madali lang naman siyang kunin. Bakit kailangan pa nating patagalin?”
Pinilit ‘kong ikalma ang aking sarili dahil hindi naman alam ni Harvey ang pagkatao ng babaeng pinapahanap ko sa kanya. Hindi rin nito alam kung paano nagawang patayin ng babaeng yun ang kanyang target sa auction. Tanging pangalan at mukha lang ng babae ang ibinigay 'kong pagkakakilanlan nito. At ilang buwan din ang lumipas bago siya matagpuan nito.
“She’s a dangerous woman, kaya wag kang gagawa ng mga bagay na ikakapahamak mo.”
Pagkatapos kong sabihin yun ay pinatay ko na ang tawag. Nagtungo ako sa lagayan ng mamahaling alak at nagsalin sa babasagin na baso. Inisang lagok ko lang ito upang ma-relax at makatulog ako ngayong gabi. Mula nang makita ko ang babaeng yun na binili ko mula sa auction sa halagang isang daang milyon ay palagi na lamang itong laman ng isip ko. Hindi ko makakalimutan ang tanging babae na kumuha ng aking atensyon. Pagkalagay ko ng baso ay nagtungo na ako sa kama.
Ibinagsak ko ang aking pagod na katawan sa malambot na higaan. Hangang ngayon ay naalala ko pa rin ng magandang mukha niya. Ang maganda at perpektong katawan niya. Ang magandang kulay ng buhok na bumagay sa kanyang maliit na mukha. Ang hugis puso nitong labi at ang maganda nitong mga mata. Hangang ngayon ay naamoy ko pa rin niya ang mabangong kamay nito na tanging nahawakan ko ng gabing yun. At hangang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan kung gaano ito katapang na labanan ang isang sindikato.
Unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko. Pero naalala ko pa din ang eksena kung paano ko siya tinignan habang nakatayo sa itaas ng stage at ipinapakita ang kanyang alindog. Hindi lang ako ang nabihag niya ng mga oras na ‘yon. Dahil maski ang ibang lalaki ay ginusto siyang bilhin sa malaking halaga. Dahil sa alak na ininom ko at sa init na hatid nito sa aking katawan ay kaagad na rin akong nilamon ng antok.
Kinabukasan ay inayos ko na ang mga gamit at maleta na dadalhin ko pauwi ng Pilipinas. Hindi na rin kasi ako makapag-antay na makita siyang muli. Iniwan ko na kay Victor ang pamamahala sa aking negosyo. Makalipas ang halos sixteen hours na byahe ay nakalapag na rin ang airplane na sinakyan ko. Pagkalabas ko sa airport ay sumakay na agad ako sa bugatti. At lumipat naman ang driver nito sa likurang sasakyan kung saan naka-convoy sa akin ang aking mga bodyguards.
I connected my phone sa bluetooth headset upang matawagan ko si Harvey while I’m driving.
“Where is she?” I asked.
“Thiago, mabuti naman tumawag ka. Kung pupunta ka dito wag mo na ituloy. Kanina pa namin sinusundan ang sasakyan niya at kakalampas lang namin sa NLEX going to Manila kaya—”
Naputol ang sasabihin ni Harvey sa akin at narinig ko na lamang na nagkakagulo ang mga ito sa kabilang linya.
“What happen?” Seryosong tanong ko dahil narinig ko ang pagsigaw ni Harvey.
“Harvey? Tell me what happen?”
“Bigla siyang nawala! Nalaman niya sigurong nakasunod kami sa kanya kaya binilisan niya ang patakbo ng kotse. Kasalukuyan na namin siyang hinahabol kaya wag kang mag—”
“Damn it! Stop your fuckin car! Now!”
“Why? Hindi na namin siya maabutan!” Inis na sagot ni Harvey sa akin. Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat kung gaano ito katapat sa akin ay ganun din katigas ang ulo nito.
“Listen to me! She’s not an ordinary girl. Kapag sinundan niyo pa siya. I doubt it kung makakatakas kayo sa kanya. I told you, she’s dangerous! So stop that fuckin car now!” Ma-authoridad na utos ko sa kanya.
Ang totoo hindi lang siya ang inaalala ko. Inaalala ko din na baka manlaban ‘to at mapuruhan ng mga tauhan ko. Halos lahat ng mga tauhan ko ay nabibilang sa class A o skilled sa pagamit ng armas. Magagaling din sila sa martial arts. Ngayon pa lamang ako nakaramdamng ganitong takot para sa isang tao. Baka ikapahamak nito ang gagawin ng aking mga tauhan. Hindi yun ang gusto kong mangyari. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ako nahuhumaling sa kanya. Pero alam ko na hindi ito ang klase ng babae na madaling makuha. Lalo pa’t malakas ang kutob ‘kong hindi lamang ito alagad ng batas.
“Harvey? Ano na ang nangyari?” Kinakabahan pa rin na tanong ko sa kanya.
“We stop chasing her, yun utos mo diba? Kaya yun ang masusunod. Umiba kami ng daan dahil baka kami naman ang abangan niya.” Paliwanag niya sa akin. Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin niya yun.
“Good, magkita na lamang tayo sa Solaire.” Wika ko sa kanya at nagpaalam na rin ako. Pagkarating ko sa Solaire ay kumuha na ako ng dalawang magkatabing premiere suit para sa akin at para sa aking mga bodyguards. Kaagad akong hinatid ng staff sa 7th floor kung nasaan ang aking magiging room. Pagkatapos ay nagpaalam na rin ito.
Pagkalapag ko ng aking mga gamit sa sofa ay tinawagan kong muli sa Harvey upang ipaalam na nandito na ako at umakyat na lamang siya sa room ko kapag nakarating na siya. Kilala naman ako dito dahil madalas akong dito nagpapahinga kapag may inaasikaso ako sa Manila.
Pagkatapos kong kausapin si Harvey ay nagpasya muna akong mag-order ng pagkain para sa akin at sa kabilang room dahil wala pa rin kasi kaming hapunan.
Kung tutuusin ay hindi ko naman kailangan ng bodyguards dahil kaya kong protektahan ang aking sarili. Pero dahil mas lumalawak ang aking empluwensya sa black market ay mas dumadami din ang nakikipag-kompetensya sa akin at may ibang pilit akong ibinababa. Minsan na ring nanganib ang buhay ko. Kung hindi dahil kay Harvey na noon ay bodyguard ko pa lamang ay siguradong ako ang tatamaan ng sniper na gustong magpatumba sa akin. Napansin kasi ito ni Harvey at tinulak niya ako kaya imbis ako ang tataman ay siya ang tinamaan ng bala sa dibdib. Mabuti na lamang at hindi sumentro sa puso nito ang bala dahil kung nagkataon siguradong wala na rin ang tapat kong tauhan.
Pagkarating ng pagkain ko ay kumain na rin ako. Makalipas ang isang oras ay dumating na rin si Harvey. Pinapasok ko siya sa loob at pinaupo sa receiving area.
“Nakakamangha ang babaeng yun Thiago. Hindi lang sa kabayo mabilis magpatakbo. Daig pa ang car racer queen kanina kung takasan kami.” Seryosong sabi ni Harvey sa akin na bahagyang kong ikinangiti.
“Harvey, bukod sa farm na inuuwian niya. Wala ka na bang ibang nalaman tungkol sa kanya?”
Napabuntong-hininga ito bago sumagot sa akin.
“Yun nga ang nakakapagtaka Thiago. Walang information about her. Kung hindi dahil sa sketch na binigay mo hindi pa namin siya mahahanap.” Reklamo niya sa akin. Ilang buwan din ang lumipas kaya siguradong nahirapan si Harvey sa paghahanap. Napatayo ako at humarap sa salamin upang makita ang labas ang kabuohan ng Manila Bay na ngayon ay napaka-aliwalas na tignan mula sa kinaroroonan ko.
“She’s not just a dangerous woman, she’s mysterious too. That’s why she’s always bugging my mind. I want you to find her again. Kung kailangan baliktarin niyo ang buong Pilipinas para mahanap niyo siya ulit ay gawin niyo.” Seryosong utos ko sa kanya. Kapag nakita ko na siyang muli ay ako mismo ang kukuha sa kanya.